CHAPTER 31--- he's mad

6.9K 125 2
                                    



"thank you." Sabi ko sa kanya pagkababa ko sa kotse niya. Pero instead na umalis na siya bumaba din siya at inihatid ako hanggang sa lobby ng office building namin. "oh? Hindi ka pa ba aalis? May trabaho ka din ah?"



"aalis na din ako."sabi niya. Okay? Nakatingin lang ako sa kanya na titig na titig din sakin.



"ano na?"sabi ko at kinaway pa ang kamay ko sa harap niya. Pero laking gulat ko sa huli niyang ginawa. Hinapit niya ako sa bewang ko tapos unti unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko... my goodness anong gagawin ko? Dapat ko ba siyang itulak? Dapat ba akong pumikit? Ano? Nakatingin lang ako sa mata niya habang lalo siyang lumalapit sa mukha ko. Naramdaman ko na lang ang labi niya sa tungki ng ilong ko..



Anong nangyari...bakit parang may part sakin na gustong magalit dahil sa ginawa niya pero may part sakin na namiss yung ginawang niyang yun? "pwede ka ng gumalaw." I heard him chuckle kaya naman natauhan ako at pinaghahampas siya ng kamay ko.



"loko ka..wala sa usapan natin yun ah?" mahina lang ang pagkakasabi ko nun kasi alam kong maya maya lang pagtitinginan na kami. Bakit kasi hindi pa umalis 'tong lalaking 'to eh.. "lumayas ka na nga!!" I said at tinulak na siya palabas ng building.



Agad na rin akong umalis dun dahil ayokong makarinig ng kung ano-anong chismis tungkol sakin ngayong araw.. pag dating ko sa elevator malapit na itong magsara kaya dali dali kong iniharang ang kamay ko.. buti na lang naabutan ko pa *sigh*.. letche talaga yung nangyaring yun sa lobby dapat kanina pa ako sa department ko kung di lang dahil sa ginawa ni Alvin di ako matutulala ng ganun katagal tsk...



Pipindutin ko na sana yung number 4 dahil dun ang floor ng department namin. Di ko na pinansin kung sino yung nakasakay sa elevator kasama ko. pero saktong pagpindot ko ay may kamay na pumindot ng number 5 kaya di sinasadyana magkadikit ang kamay namin. Bigla kong naiiwas ang kamay ko dahil sa kuryenteng dumaloy sa kamay ko..bakit? grounded na ba ngayon 'tong elevator? Tsk...



Tiningnan ko yung taong nagmamayari ng kamay at pagtingin ko sa kanya parang biglang tumigil ang mundo ko...sa dami ba naman ng makakasabay ko sa elevator siya pa and worst kaming dalawa lang dito..hindi ko alam kung ano ang dapat kung ireact dahil parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tumigil bigla ang mundo ko at siya lang ang nakikita ko sa isang magandang lugar na punong puno ng mga bulaklak at parang andaming paru-paro sa paligid namin..



"are you done checking me out miss Alvarez?" tanong niya kaya bigla na lang akong natauhan at bumalik bigla ang diwa ko dito sa elevator.....waaaaaah nakakahiya.. gaano na ba ako katagal nakatitig sa kanya?



"go-good morning sir De Larra." Yun na lang ang nasabi ko at yumuko para di niya Makita ang mukha ko na pulang pula dahil sa kahihiyan...wala na talaga ako sa wisyo ko...ganda ng umaga ko *insert sarcasm here*. Well maganda naman na sana kaya lang pahiya ako eh..hindi ko na rin naman siya narinig na magsalita kaya hinayaan ko na lang..

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon