CHAPTER 17-LQ

9.6K 195 7
                                    




Pagpasok namin sa bahay expected ko na makikita ko ang aking boss pero disappointment take over...bakit? Tsk obviously wala siya di na niya ako nahintay sabi ni mama nagpaalam daw siya na may emergency na pupuntahan... ano naman kayang emergency yun? Ay ewan di manlang siya nagtext sakin na hindi na niya ako mahihintay... kahit naiinis ako tinext ko pa rin siya

To: my boss

Boss kong mahal nakauwi na po ako.. ingat ka lagi .....i love you

5 minutes

.

.

.

.

.

.

.

.

10 minutes

.

.

.

.

.

30 minutes

Urgh bakit di pa siya nagrereply?.... hintay pa konti

1 hour na ang nakalipas wala parin. I tried to call him pero hindi niya sinasagot... ano namang klaseng emergency yun di man lang niya masulyapan yung phone niya... tsk  gumaganti ba siya sa hindi ko pagsagot ng tawag niya kanina?

Sa inis ko iniwan ko ang phone ko sa kwarto ko ng tawagin ako ni mel para mag dinner..

" oh anak bakit nakabusangot yang mukha mo?" tanong ni papa ng mapansin ako

"wala po." Sagot ko lang... wala ako sa mood magpaliwanag kay papa... napansin naman ni papa na ayaw kong pagusapan kaya di na lang niya ako kinulit. yan ang gusto ko sa kanila eh alam nila kung kelan ako kukulitin at alam nila kung kelan di dapat mag tanong kaya mahal na mahal ko sila eh.

Kinabukasan pumasok ako sa office, gusto sana ni Alvin na ihatid ulit ako kaya lang tumanggi ako isa pa may trabaho na din siya gusto na sana niyang kumuha ng apartment pero pinigilan siya ni papa at pinatira na lang sa bahay para daw bawas gastos at di na rin daw naman siya iba samin... pagpasok ko ng building namin akala ko makikita ko ang pinakamamahal kong boss... and yes nakita ko siya

Dapat magiging inspired ako ngayong umaga kasi nakita ko siya.... Pero buwiset lang, umagang umaga umiinit ang ulo ko Makita mo ba naman yung boyfriend mo na may kasamang iba at Masaya pa silang nagtatawanan ewan ko na lang kung di ka mainis.... The term na naglalandian SILA YUN tsk

May pa kapit kapit pa sa braso niya yung lintang mukhang paa..urghhhh

Binilisan ko yung lakad ko at nilampasan ko sila gusto ko sanang dumaan sa gitna nila at paghiwalayin sila kaya lang baka masabihan pa ako ng walang pinagaralan.... Bahala nga sila, jan sila Masaya eh

"RC" tawag niya sakin ng lampasan ko sila tsk san napunta yung boss?

Nilingon ko siya...este sila iniwasan kong taasan ng kilay yung babaing linta.. makakapit sa boyfriend ko parang batang mawawala eh..

"good morning boss" nginitian ko siya saka tumalikod na ako at mabilis na nagpunta ng department ko "urghhh..." mahinang usal ko

"oh anong nangyari RC tapos na ang mahal na araw ah? Pero yang mukha mo parang biyernes santo.." sita ni aldrin sakin sinamaan ko lang siya ng tingin....badtrip kasi yang boss ko na yan eh

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon