CHAPTER 21- best friend's agreement

8.2K 127 1
                                    



IVY's POV


Kainis..........


Kainis............

Kainis...........



Badtrip umagang umaga. Masamang balita ang bubungad sayo.


"hoy umagang umaga biyernes santo yang mukha mo." Sabay lagay ng kamay niya sa mukha ko. "tigilan mo nay an lalo kang pumapangit."


"paki mo ba? At tsaka wag mo nga mahawak hawakan ang mukha ko.. isa ka pang nakakasira ng umaga eh." sagot ko lang sa kanya


"tsk sa gwapo kong toh nasisira ang umaga mo... labo talaga ng mata mo no?"


"tsk yabang!!" bulong ko sa sarili ko


"hoy narinig ko yun. Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh."


"hoy aldrin, para sabihin ko sayo hindi ka gwapo. At tantanan mo ako ngayon pwede, masama ang gising ko. Umayos ka kung ayaw mong tamaan sakin."


"hoy ano ba kayo umagang umaga ang ingay niyo." Sabi ng kakadating lang na si RC. Sabay patong ng bag niya sa table niya.


"eh eto eh. umagang umaga inaaway ako." Sumbong nung magaling na lalaki, kaasar kalalaking tao sumbungero.


"tsk. Ako pa talaga? Eh ikaw nga tong umagang umaga nambubwiset." Sabay batok ko sa kanya.


"aray na---" din a niya natuloy yung sasabihin niya kasi may dumating. Hinimas na lang niya yung batok niya na sinapak ko.


"umagang umaga ang sweet niyong dalawa ah? Haha" sabay yakap kay RC. Sus kami pa daw ang sweet. How I wish sir..aist ano ba yung sinabi ko? Kalimutan niyo na yung sinabi ko okay? Wala lang yun


"sus sir dadamoves ka lang kami pa nakita mo." Sabi ni aldrin kay sir


"haha sige na babalik na ako sa opisina ko, magtrabaho na din kayo." Sabay kamot niya sa batok niya habang iwas ang tingin dahil namumula na siya. "oh siya boss, sabay na lang tayo mamaya maglunch." Tumango naman si RC sa sinabi ni sir sabay kiss sa cheeks, at umalis na nga siya. Ang sweet nilang dalawa sana kami din ni aldrin ganun.....haha joke lang tsk.


Nagsimula na nga kaming magtrabaho ng makaalis na si sir Jacob, din a rin kami ilang sa kanya dahil lagi na namin siyang nakakasama. Kaibigan din ang turingan na naming apat di na nga kami itinuturing ni sir na empleyado eh. lalo na sa labas pero sabi nga niya pag sa trabaho dapat professional kami. Ayaw din naman namin na maging bias si sir eh lalo na si RC, siya ang nagsabi na walang kaibi-kaibigan o special someone pag trabaho na ang pinaguusapan. Umiiwasdin kasi kami sa sasabihin at iisipin ng iba.


"meron ka siguro ngayon noh kaya ang sungit mo." Biglang sabi ni aldrin out of nowhere. Bigla naman namula yung pisnge ko. Well totoo naman meron nga ako ngayon pero di naman yun yung dahilan kung bakit ang sungit ko ngayon, "aray naman. Problema mo ba? ghsvdwehfkwjefh" binato ko siya ng bagay na una kong nahawakan at yun ay yung stapler buti na lang di sa ulo niya tumama. Sinamaan lang niya ako ng tingin. At dahil wala ako sa mood ngayon wala akong pakialam kung nasaktan siya. May sinabi siya sa huli pero di ko naintindihan dahil hininaan niya ang pagsasalita. Samantalang si RC naman pilit pinipigilan ang pagtawa narinig niya siguro yung sinabi ni aldrin, ang lapit niya kasi sa kanya eh.

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon