CHAPTER 11- his feelings

12.4K 254 4
                                    



PRINCE JACOB'S POV

Tinitingnan ko lang ang mukha niya habang natutulog siya di ko alam kung tama ba yung ginagawa ko, ginagamit ko siya sa sarili kong interest. Matagal ko na siyang kilala dahil iisang school lang naman yung pinasukan namin ang totoo niyan una ko pa lang siyang nakita gusto ko na siya kaya lang masyado siyang mataas kaya ang hirap niyang abutin....siya ang pinak matalino sa school na min to think na mas magaling pa siya sa mga ahead sa kanya..2nd year college siya ako naman 4th year college na nakita ko siya minsan sa garden ng school walang ibang pumupunta don kaya dun ako madalas tumambay nagkakaron ako ng peace of mind walang Melissa na nanggugulo sakin wala akong iniisip about sa business....sarili ko lang ang iniisip ko kapag nandon ako...

Flashback***

Nandito ako sa taas ng puno kung saan madalas ako umaakyat nakatanim to dito sa lumang garden ng school hindi na to gaano napupuntahan ng mga estudyante dahil na din sa bagong garden na di hamak na mas maganda dito. Alaga pa din naman to ng mga staff ng school kahit papano..humiga lang ako dito sa sanga ng puno at nilalanghap ang sariwang hangin ipinikit ko ang aking mata para mas lalo kong mafeel ang peace sa paligid ang sarap lang ng pakiramdam na walang ibang nanggugulo sayo


"hay sa wakas naman wala na siya.."may biglang nagsalita muntik na akong mahulog dahil sa gulat buti na lang naka balance ako tiningnan ko kung sino yung nagsalita di ko Makita yung babae kasi nakatalikod siya sakin nakaupo siya dun sa bench tapos nakapatong yung ulo niya dun sa lamesa...tinitigan ko lang siya may kung ano kasing humihila sakin para titigan siya kahit di ko nakikita yung mukha niya maya maya humarap nagpalit siya ng posisyon tumalikod siya dun sa lamesa at sumandal dito nakaharap na siya sakin ngayon at literal na napanganga ako nung malaman ko kung sino yun. Si Reaycie Alavarez accountancy student second year pa lang siya sikat na siya bukod sa matalino maganda din siya hindi lang yon, magaling din siya mag drawing ilang beses na nga siya nanalo sa poster making contest ng school nagtataka nga ako kung bakit accountancy ang kinuha niya gayong napakagaling niyang magdrawing at pwede siya sa fine arts kung tutuusin nga daig pa niya yung mga fine arts students...biglang tumunog yung phone niya at kahit nakikipag usap siya sa phone nakatingin lang ako sa kanya. Di ko sinasadya na mapatingin sa mga labi niya napalunok ko dahil feeling ko ang init ng pisngi ko bigla na rin lang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko siya na nag palinga linga na parang may hinahanap tapos napatingin siya sa direksyon ko napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya....bakit ba ako nahihiya sa kanya? Dahil ba nahuli niya ako na nakatitig sa kanya? "sige tatawag na lang ako sayo mamaya." Binaba niya yung phone niya saka niya ako tiningnan ulit, lumapit siya sa may puno tumalikod ako sa kanya para kunwari wala lang sakin na nakita ko siya.... "hoy ikaw.....bumaba ka nga dito.." tsk ang bossy pala niya sino ba siya para utusan ako, di ko lang siya pinansin "hoy ikaw lalaking nasa itaas ng puno bumaba ka dito." Tiningnan ko siya at mukhang naiinis sa di ko pagpansin sa kanya..


"bakit ba? Sino ka ba para utusan ako ha?" sagot ko lang sa kanya


"tatanungin lang kita ang dami mong arte.."sabi niya na halatang inis padin "kanina ka pa dito?.narinig mo lahat ng pinag usapan naming?" tanong niya


"eh ano naman kung kanina pa ako dito? Bakit sayo ba tong lugar na ito? Saka wala akong pakialam kung ano pinagusapan niyo ng boyfriend mo at wala akong pakialam kung bakit ayaw mong ipaalam sa magulang mo yung tungkol sa inyo." Bumaba na din ako sa puno di ko maiiwasan yung sarili kong titigan siya dahil kahit galit siya ang ganda parin niya.


"tsk kala ko wala kang narinig... wala kang pagsasabihan ng mga narinig mo okay.?" Naka pout pa niyang sabi. Lalo tuloy siyang nagiging cute "pasensya na sa abala aalis na lang ako...." Tumalikod na siya sa akin at akmang aalis na siya nakatingin lang ako sa kanya gusto ko siyang pigilan para makapagusap kami kahit konting sandali lang kaya lang bigla akong natameme, ano bang nangyayari sakin bago siya tuluyang umalis nilingon niya ako "ako nga pala si reaycie, RC na lang wag mo sasabihin kahit kanino yung narinig mo okay.." nginitian niya ako saka umalis di na ako nakapagsalita dahil bago pa ako matauhan dahil sa kanyang ngiti nakaalis na siya.

Flashback ends***


Mula non lagi ko siyang sinusundan ng palihim hanggang sa makagraduate ako di ko nasabi sa kanya nagulat na lang ng isang araw malaman kong sa kompanya ko siya nagtatrabaho at mukhang din a niya ko maalala..sakto naman na sinabi nina daddy yung tungkol kay Melissa at nalaman ko rin na may sakit yung mama niya kaya ginamit ko yung chance na yun para mapalapit ako sa kanya alam ko agreement lang to pero I'm gonna make sure she will fall inlove with me bago matapos ang contract na to girlfriend ko na siya for real.


Unti unti siyang gumalaw akala ko magigising na siya pero hindi pa pala may pagka tulog mantika pala to eh, napangiti na lang ako sa sarili ko.bumaba na ako ng kotse tapos pumunta ako sa side niya binuksan ko yung pinto ng kotse at tinanggal ko yung seatbelt niya tinitigan ko muna siya bago ako nag decide na buhatin kaya lang nung bubuhatin ko na siya napatitig na lang ako sa mga labi niya, parang nangaakit yung mga labi niya alam ko mali pero di naman siguro niya malalaman diba..?hahalikan ko na sana siya nang may marinig akong biglang tumikhim sa likod ko nung iniangat ko yung tingin ko may nakita akong lalaki di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis kasi alam kong siya yung ex niya na bestfriend niya at mukhang dito siya tumutuloy ngayon sa bahay ni RC...nakatingin lang siya kay RC na ngayon ay karga ko na..


"ako na...."lumapit siya sakin para kunin si RC "gabi na rin kaya mabuti pa umuwi ka na rin kami na ang bahala sa kanya..." gusto ko sanang tumutol kaya lang parang umatras yung dila ko..makatingin din siya sakin nang masama di ko alam kung nasindak ba ako sa tingin niya kaya di ako nakapagsalita o dahil naiinis lang ako sa kanya at baka kung ano lang masabi ko kapag nakipagusap pa ako sa kanya...halikan ko muna si RC sa noo bago ko siya ibigay sa kanya...inantay ko siyang makapasok sa loob bago ako magdecide na sumakay na sa kotse ko...ano bang nasa isip ko? Ako yung boyfriend niya ngayon bakit ako pumayag na siya yung mag hatid sa kanya sa kwarto niya mamaya kung ano pa yung gawin niya eh..haist napasabunot na lang ako sa buhok ko saka bumaba ulit ng kotse ko...dumeretso ako sa pinto ng bahay nila saka kumatok pinagbuksan naman ako nung kapatid ni RC Melanie siguro ang pangalan nito


"ikaw yung date ni ate diba?...bakit ka nandito? Kala ko umalis kana?" sunod sunod niyang tanong napakamot na lang ako sa ulo ko...


"uhmm...ano..gusto ko muna sanang tingnan ang lagay niya bago ako umuwi..okay lang ba?" tanong ko, ngumiti lang siya saka tumango...tinuro niya sakin ang kwarto ni RC kaya dumeretso na agad ako dun..


Pagbukas pa lang ng pinto gusto ko na agad manuntok dahil sa nakita ko. Yun ex niya nakaupo sa tabi niya at hinahaplos yung buhok niya...sa inis ko tuloy tuloy akong pumasok sa loob


"pwede bang magpaalam muna ako sa GIRLFRIEND KO." Ini-emphasized ko talaga yung girlfriend ko para naman malaman niya kung san siya lulugar.


"natutulog na siya kaya pwede ka ng umalis.." nagpipigil na ako ng sarili ko dahil baka masuntok ko siya dito sa mismong kwarto ni RC


"so bakit andito ka pa eh natutulog na siya... magpapaalam lang ako sa girlfriend ko kaya pwede ba wag kang maki alam dahil di ka naman niya tatay at lalong di ka niya kapatid..." sagot ko wala na rin siyang nagawa kaya tumayo na siya sa kama at lumabas..tiningnan ko lang siya ulit habang natutulog "kahit kelan di ako magsasawa na titigan ka" hinaplos ko yung maamo niyang mukha saka hinalikan ko siya sa noo..pagkatapos tumayo na ako umalis sa kwarto niya bago ako tuluyan makaalis ng bahay nila nagsalubong pa ang tingin naming dalawa nung lalaki kanina..di ako papaya na magkabalikan kayo sisiguraduhin ko na mafofall siya sakin.


You will fall in love with me Reaycie Alvarez and I'll do everything to make that happen.

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon