CHAPTER 35- COOKIE MONSTER

7.5K 130 7
                                    



"ano bang gusto mong matutunan?" tanong ni Alvin sakin, pagkatapos kasi naming kumain dumeretso kami dito sa supermarket para mamili ng pwedeng lutuin.




"ano ba ang kinakain madalas ng isang tao para mabilis mawala ang mga problema niya, I mean yung mga iniisip niya?" tanong ko pabalik sa kanya... I want to cook him a food that can make his worries fade.





"tama bang sagutin ang tanong ko ng isa pang tanong." Tapos binatukan ako.




" aray ha...eh nagtatanong lang naman ako para malaman ko kung anong pwedeng lutuin para sa kanya." I pouted. Tsk loko talaga 'tong lalaking to.




"kung lalaki ang nagkakaproblema they often drink alcoholic beverages rather than eating food unlike girls." Sabi niya habang naglilibot pa rin kami dito sa supermarket.




"alangan naman bigyan ko siya ng alak nuh, siraulo ka ba?" sabi ko sa kanya, ng may biglang nahagip ang mata ko. "aha alam ko na. do you know how to bake cookies?" I asked, nakakita kasi ako ng box of cookies at kung ako ang tatanungin better na cookies na lang ang ibigay ko diba. tingin niyo?




Tumango siya kaya lumawak ang ngiti ko, hinila ko siya sa may box ng mga cookies. "akala ko ba mag bebake tayo ng cookies? Eh bakit dito mo ako dinala." Tanong niya napayuko naman ako kasi tama nga naman siya, ang totoo niyan gusto ko din ng cookies nastress ako this past few days.




"hindi ko kasi alam ang mga bibilhin para sa cookies eh." sagot ko na lang at yumuko, maya maya naramdaman ko yung kamay niya sa kamay ko at hinila ako sa may bilihan ng harina, baking, powder sugar at kung ano ano pa.




Dinouble ko lahat ng kinuha niyang ingredients pag hindi siya nakatingin, nung magbabayad na kami nakita na niya na doble-doble ang mga ingredients ng pigilan ko siya at binigyan ng pambayad, di naman niya yun tinanggap kaya nginitian ko na lang siya.




"bakit ka ba naglagay ng maraming ingredients ha?" tanong niya sakin habang pina-punch nung cashier lahat ng binili namin.




"e-eh ano..ah para siguradong may matira, baka mamaya palpak yung mga ginawa mabuti na yung may reserba.yun..ganun nga." Palusot ko. Hindi naman ako mahirap turuan nuh. Sadyang gusto ko lang maka tikim din ng cookies.

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon