Chapter 8- meet the girlfriend

12.7K 254 0
                                    


4:30 pa lang pinagready na ako ni mel para sa date ko "daw" siya na rin nag ayos sakin siya kasi ang magaling sa ganyan kinurl lang niya yung buhok ko at nilagyan lang niya ako ng konting make up sinuot ko na rin yung dress na binigay sakin nung delivery boy kanina pati yung stiletto na kasama dun sa dineliver all in all maganda naman ang kinalabasan.

"ang ganda mo na ate pero mas maganda pa rin ako sayo."sabay irap niya ng pabiro sakin haha cute ng kapatid ko nuh.

"oo na alam ko naman yun nuh."nag tawanan lang kami.maya maya may narinig kaming bumusina sa baba.

"anjan na ata yung sundo mo ate sige na. enjoy." Bumaba na kami paglabas ko ng gate nakita ko agad ang napaka gwapo kong prince charming.haha feel na feel ko eh

"you look good."tiningnan niya pa ko mula ulo hanggang paa nag pout lang ako. Good lang psh siya sobrang gwapo niya tapos ako good lang waaah bakit ba di kami bagay?wag ka nan gang umasa reaycie agreement lang to at pambayad utang na loob wag kang mafafall s aka gwapuhan niya dahil never siyang magkakagusto sayo nuh.."haha biro lang. you look stunning sabi ko na nga ba babagay sayo yung dress eh"ngumiti siya OMG pwede na ako mamatay. Ay wag pala maraming iiyak haha feeler. "so let's go?"aya niya pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya wow lang as in wow ang gentleman niya.na speechless na talaga ako mula nung dumating siya. Ang gwapo kasi talaga ng date ko ngayon eh sinong di maii speechless deba?

Nung makasakay na siya ng kotse pinaandar niya din ito agad sobrang tahimik nabibingi na ko sa katahimikan ah.so I decided na basagin ang katahimikan "so kinakareer mo talaga yung rule# 4 ha?"

Tumingin siya sakin saglit..saka niya binalik yung tingin sa daan "maybe next time pa natin yun magagawa."

"so hindi to date?"pahiya naman ang beauty ko dun ha.

"uhm.. date din naman...family date.."ngumiti siya ng awkward sakin. Luh?family date?bigla akong kinabahan napalunok na lang ako bigla sa kaba "don't worry di naman sila nangangain basta tandaan mo lang yung pinagusapan natin, kung pano tayo nagkakilala at kung gano natin kamahal ang isa't isa. Okey?"

"ngayon na talaga?bakit biglaan? Di ba pwedeng next time na lang di pa ako ready eh."

"relax im here okay."ngumiti siya sakin kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango sa kanya. Ilang minuto din ang itinagal ng biyahe namin ng pumasok kami sa isang malaking bakuran. Nakakalula dito sa labas talagang ang yaman nila ang lawak ng bakuran tapos ang laki ng nung bahay may garden din sila at halatang alagang alaga meron ding fountain sa gitna nung flower box na puno ng roses. Ang ganda

Bumaba siya sa kotse niya tapos pumunta siya sa may side ko at pinagbuksan niya ko ng pinto sabay kaming pumasok sa kanilang bahay nung nandun na kami sa tapat ng pintuan ng bahay nila hinawakan niya yung kamay ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko lumingon siya sakin at ngumiti. Bakit ganun parang nag slow motion yung pagharap niya sakin para akong mawawalan ng hangin natauhan lang ako nung nag goodevening na siya dun sa mga taong nasa hapagkainan. Waaaah pano kami napunta dito? Ganun na ba katagal yung pagdedaydream ko at di ko napansin nan aka pasok na kami sa loob.

"mom, dad meet my girlfriend Reaycie Alvarez."inakbayan niya ako saka ngumiti ulit siya quota na siya kakangiti ha baka di na ako makaalis ng buhay dito sa bahay nila mamatay ako sa kilig eh.

"good evening po tita, tito"ngumiti lang ako di ko alam ang gagawin ko ang sama makatingin yung papa ni sir prince kahit na gwapo siya at mukhang bata nakakatakot parin siya. Lumapit sakin ang isang batang babae ang ganda niya mukhang siya ang kapatid ni sir prince.sa tingin ko five years old lang siya.

"hi ate ang ganda mo naman ako si princess Julie de larra. So anong gusto mo itawag sakin?" tanong niya na may ngiti sa labi tiningnan ko lang si boss parang nagulat din siya sa ginawa ng kapatid niya pati mama at papa niya.

Umupo ako para makapanatay ko siya,"pwede ba kita tawaging princess? Ang cute mo kasi eh.mukha kang princess."pinisil ko bigla yung mukha niya pero hindi sobra baka masaktan siya kahit nanggigil ako sa kanya pinigilan ko ang sarili ko haha. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap

"sige.sige ...gusto ko yun, ikaw ang gusto ko maging ate hindi yung babaeng laging nandito."nag pout siya ang cute niya lalo di ko napigilang panggigilan siya ang cute cute niya kasi eh"ah...ate .. can't bre..ath"napabitaw ako sakanya tapos tiningnan ko siya nagsorry din ako agad baka di na niya ko gusto dahil sa ginawa ko pero nagulat ako nung ngumiti siya at saka niya ako kiniss sa cheecks ko.

"mukhang gusto ka ng kapatid ko ah haha..."binuhat ko lang si princess nag pabuhat na siya sakin di naman siya ganun kabigat keri lang.bumaling siya kay princess"ako ba walang kiss?"nagpout pa siya ang cute niya din eh.inabot ni princess yung dalawang kamay niya sa kuya niya saka siya kumalong dito inabot naman niya si princess. Ang lapit ng mukha niya sakin OMG ang init hangin please umiwas agad ako ng tingin nung makuha na niya si princess.

"kumain na muna tayo. Maupo ka ija."sabi ng mama niya.ngumiti siya sakin at ganun din ako sa kanya

"salamat po."

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon