CHAPTER 50- REVELATION

8.1K 152 12
                                    




JACOB’s POV

I’ve been here for almost two hours sa tapat ng operating room kung saan dinala si reaycie pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumabas ang mga doctor. Nagaalala na ako, hindi ko kaya kung may mangyayari sa kanyang masama. Bakit ba naman kasi ako umalis ng gabing yun? bakit ba kasi hindi ko agad siya nakuha sa kamay nina Melissa.


Ilang minuto ang lumipas ng dumating yung ang mama at papa ni reaycie pati na si mel. “kumusta si reaycie?” tanong agad ng mama ni reaycie na agad naman nakalapit sakin.


“hindi pa po lumalabas ang doctor tita kaya wala pa akong balita.” Plain na sabi ko.. halo halo na rin kasi ang emosyon na nararamdaman ko at di ko alam kung paano ko haharapin ang pamilya niya to thunk na kasalanan ko kung bakit siya nasa sitwasyon na ganyan.  Ramdam ko rin ang sobrang pagaalala ng buong pamilya niya.



“sana maging maayos na si ate.” Sabi ni mel.


“magiging maayos din siya, malakas siya diba.” pagaalo ni Tristan na kasama pala nilang pumunta dito.


“sana  nga.” Sabi na lang niya at naupo na rin sila katabi ko.


“pupunta muna kami sa tito victor niyo.” Paalam ng papa niya.tumango na lang ako at ganun din sina mel.


Umalis na yung magasawa at pumunta sa second floor ng hospital kung nasaan ang kwarto ni tito victor at Alvin. dumating naman sina mommy. “I heard what happen kumusta si RC?” tanong agad ni mommy. Halata sa kanya ang sobrang pagaalala mas matindi pa nga ata ang pagaalala niya kaysa sa mama ni reaycie eh. minsan nga naiisip ko na parang mas anak pa ang turing ni mommy kay reaycie kesa sakin dahil sa tuwing umuuwi ako ng bahay naming siya agad ang tinatanong niya bago niya ako kumustahin.


“wala pang progress mom, hindi pa lumalabas ang doctor.” Sabi ko na may halo na ring pagaalala. Habang tumatagal lalo tumitindi ang kaba na nararamdaman ko natatakot ako na ba ka hindi niya makyanan ang operation.


“oh my God, I hope she’ll be okay.” Sabi ni mommy.


“I know she will.” Sabi sa kanya ni daddy. At alam kong pati siya ay nagaalala na rin. Hindi naman maipagkakaila na napalapit din sa kanila si reaycie kahit ilang beses lang niya ito nakita.



“tito.” I exclaimed ng makita ko si tito na naglalakad papunta sa pwesto namin. “dapat po magpahinga rin po muna kayo, may injury din kayo.” Tumayo na ako at lumapit sa kanila para sana alalayan si tito pero tumanggi siya.



“I’m fine gusto ko lang malaman ang lagay ng anak ko. How is she?” tanong niya na nakatingin lang din sakin. I’m thankful na hindi siya galit sakin sa kabila ng nangyari.


“we still don’t have any idea tito. But I hope she’ll be okay.” Sabi ko na lang. ayoko ipakita sa kanya na kinakabahan ako habang patagal ng patagal ang oras na hindi lumalabas ang doctor mula sa kwarto ni reaycie.

Nabaling naman ang tingin niya sa likod ko kung nasaan si mommy, tumungin naman ako kila mommy pero nakatalikod lang siya samin at halata parin ang pagkataranta.


“james?” pagkuha nya ng attensyon ni daddy.



Lumingon naman si daddy at mommy sa gawi naming. Ako lang ba o talagang namutla si daddy? Pati si tito ay parang biglang natigilan. Habang si mommy naman ay parang walang clue kung anong nangyayari sa paligid niya dahil tanging pagaalala lang ang nakikita ko at hindi man lang siya nag tuon ng attensyon kay tito pero si tito sa kanya lang nakatingin or should I say nakatitig.



“v-victor?” lumingon kay daddy si tito na may nagtatakang tingin at nakakunot ang noo at ibinalik kay mommy ang tingin niya, lumapit siya dito at agad na niyakap si mommy nagulat naman kami sa ginawa niya.



“Amanda.” Mahinang bigkas ni tito habang yakap pa rin niya si mommy gamit ang isang kamay niya dahil injured pa ang isang braso niya.



“s-sino ka ba?” tanong ni mommy at pilit na itinutulak si tito. Tumingin ako kay daddy pero umiwas lang siya ng tingin pero hindi nakatakas sakin ang pagiging guilty niya ano bang nagyayari dito?


“ako ‘to si victor……” sabi niya ng humiwalay kay mommy at hinawakan pa ang pisngi niya.nagulat na lang kami at tingin ko lamang ang pagkagulat ko sa huling sinabi niya. “ang asawa mo……hindi mo ba ako nakikilala?” he said, na parang naiiyak na. napaupo na lang ako sa upuan na inuupuan ko kanina.


What on earth is happening? Asawa ni tito victor si mommy? Ibig sabihin siya din ang mommy ni reaycie? Ibig sabihin ba nito magkapatid kami?



THIRD PERSON’s POV

“I don’t know you..” sabi ni Amanda sa lalaking nakahawak sa pisngi niya. “james.” Tawag niya sa asawa niya na para bang humihingi ng tulong. Pero wala siyang narinig mula sa asawa.


Tumingi naman si victor sa matalik niyang kaibigan na parang nanghihingi ng paliwanag. “I’m sorry vic.” Sabi na lang ni james.


“how?” sabi ni victor. “all this time nasayo lang siya? How come shes with you? Why on earth you didn’t tell me?” sunod sunod na tanong ni victor sa kaibigan ngunit wala siyang nakuhang sagot dito kaya hindi niya napigilan ang sarili niya na suntukin ang kaibigan kahit pa nakacast ang kabilang braso niya.



“james..” sigaw ni Amanda at agad na nilapitan ang asawa. “sino ka ba? Bakit kailangan mong gawin sa asawa ko yun.” nagulat naman si victor sa sinabi ni Amanda.



“asawa?amanda ako ang asawa mo.” Sabi niya at pilit na pinaghihiwalay sina Amanda at james.



“ano ba bitawan mo nga ako..” nagpumiglas si Amanda sa pagkakahawak ni victor, magsasalita pa lang sana si james para magpaliwanag ng lumabas ang doctor.


“family of the patient?” agad na nagbago ang atmosphere sa kanila at tanging pagaalala lang ang mababakas sa kanilang mga mukha. Agad ring lumapit si victor sa doctor at sinabing siya ang ama ni reaycie. “I’m sorry pero. Ginawa namin ang makakaya namin….” Sabi ng doctor pero bago niya matuloy ang sasabihin niya ay agad siyang pinutol sa pagsasalita ni victor ngunit nanatili lamang tahimik si jacob.


“wag na wag mong sasabihin sakin na may nangyaring masama sa anak ko.” Madiin na sabi ni victor sa doctor at pinipigilan na lang niyang wag ituon sa doctor ang galit niya dahil sa sinabi nito. “I’m not gonna accept if you’ll tell me na wala na ang anak ko.” Sabi niya sa doctor at nilapitan na siya ng mama at papa ni reaycie.


“calm down victor. Ginawa nila kung ano ang kaya nila, we’re not God para pigilan ang pagkawala ng isang tao. Let’s just face what happen.” Sabi ng papa niya.


“calm down? Anak ko yung nandon sa loob..at anong let’s just face what happen? Bakit ba ang dali mo lang tanggapin na wala na ang anak ko?anak mo rin siya pero bakit ganyan ka umasta.?” Sigaw niya na hindi na talaga napigilan ang sobrang galit.


“hindi lang ikaw an gang nahihirapan sa sitwasyon victor, magulang niya rin kami kaya pwede ba wag kang umasta na ikaw lang ang nasasaktan.” Galit na sigaw rin ng mama ni reaycie.


Biglang tumahimik ang paligid at walang sinuman ang nagtangka na magsalita dahil alam nilang puro hinanakit lang at pangungulila ang sasabihin nila, tanging ang impit na paghikbi ng mga babae ang maririnig sa buong paligid.



“I think hindi tayo nagkakaintindihan.” Pagbabasag ng doctor sa katahimikan. At may lumabas na dalawang nurse sa likod niya. “we did our best for your daughter and the operation didn’t go well,…”sabi ng doctor at sandaling tumahimik naghahanap ng tamang word na hindi masasaktan ang mga taong kaharap niya. “masyadong sensitive ang naging lagay niya dahil malapit sa puso niya ang balang tumama sa kanya. It became difficult for us para matanggal ang bala dahil maling galaw lang namin siguradong mamatay siya….we successfully operated her but we’re not sure kung kelan siya gigising all we have now is faith.. ipagdasal na lang natin siya na gumaling I know that it’s the only thing we can hold on to. Diyos na lang ang makapagsasabi kung kelan siya magigising o kung magigising pa ba siya. Ililipat na namin siya sa private room and maya maya lang pwede niyo na siyang puntahan sa kwarto niya. Excuse me.” Sabi ng doctor at umalis na.


VICTOR’s POV

Nakahinga na ako ng maluwag ng sabihin ng doctor na successful ang operation pero ang hindi ko lang nagustuhan ay nung sabihin niyang kung kelan siya magigising o kung magigising pa ba siya. Gusto ko siyang sapakin, ano bang karapatan niyang sabihin na hindi na magigising ang anak ko?


Nung ilabas si reaycie sa operating room ay agad din akong sumunod kung saang kwarto siya dadalhin. Hindi ko na muna inisip yung nagyari kanina. Gusto ko muna malapitan ang anak ko at tsaka ko na lang ayusin yung samin nina james.



Hindi ko alam kung bakit di ako natatandaan ng asawa ko, at lalong hindi ko alam kung bakit naging asawa ni james ang asawa ko. Saksi siya kung gaano ko kamahal si Amanda at alam niya ang lahat ng pinagdaanan namin maliban na lang matapos nung accident dahil nawalan ako ng balita mula ng magising ako sa tatlong taon na pag kacomatose ko.



It’s hard for me to see my wife with someone else at ang malala pa hindi niya man lang ako nakikilala. Urghhh.
Pagkapasok ko sa kwarto ng anak ko ay agad akong naupo sa tabi niya. “anak…”tawag ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako naririnig. “I finally found your mom, gumising ka na para makita mo na rin siya.” At hinawakan ko ang kamay niya. Ilang minuto pa akong nakatitig sa kanya at tanging mukha lang Amanda ang nakikita ko. Magkamukha sila, yung pilik mata niya, yung ilong niya, yung labi niya lahat ng yon nakuha niya sa mommy niya. “anak I don’t know kung makakasama pa natin siya, she already has another family but I hope na mabuo ulit tayo.” Sabi ko at pinahid ang luha sa mata ko.


Naramdaman ko na may nagbukas ng pinto at hindi na ako nag abala na tingnan kung sino yun dahil akala ko ay si marcie lang ang babaeng itinuturing na mama ni reaycie at reaynel na papa niya. “mr. dela fuente.” Nilingon ko at talong pulis ang bumungad sakin, naalala ko yung isang anak ko. Aaminin ko na nagkamali ako nung sinabi kong si Elaine lang ang anak ko o mas kilala bilang si reaycie pero hindi niyo naman ako masisisi kung bago pa lang ako nagrerecover sa amnesia ko that time. Hindi ko naalala si Natalie ang mama ni luke na ex girlfriend ko. Actually nung time na tinitigan ko siya nung panahon na plano niya kaming patayin dun ko lang naalala ang lahat ng nakaraan kasama ang mama niya at pati na ang pag approach niya sakin.


“bakit?” tanong ko.


“nasa presinto na po lahat ng suspect at kailangan kayo doon para sa statement niyo. Tumango ako sa kanila at lumabas na sila hinalikan ko muna sa noo si reaycie bago ako lumabas ng kwarto niya, nakasalubong ko pa sina james at Amanda sa labas ng kwarto ni reaycie at binigyan ko lang ng masamang tingin si james at tsaka umalis. Tsaka ko na siya haharapin pagkatapos ng problema ko sa mga anak ko.



Pagdating ko sa presinto pinapasok nila ako sa isang kwarto at nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay hindi nalalayo sa edad ni reaycie at ang isa ko pang anak. Naupo ang pulis sa katapat nila at pinaupo na rin nila ako sa isa pang upuan sa kanan nung pulis.

Tinanong lang nila kung ano ang nangyari at sinabi ko naman sa kanila habang hindi ako maka tingin ng deretso kay luke,ayoko siyang makita dito sa kulungan pero di biro ang nangyari kay reaycie ng dahil sa kanya. Binaril niya si reaycie at nayon ay nagaagaw buhay pa rin siya. Hindi man nanggaling ang statement na yon pero siya na mismo ang umamin na nabaril niya si reaycie. Gusto kong magalit dahil sa ginawa niya sa kapatid niya pero di ko magawa mas nanaig ang pagiging ama ko sa kanya.


Dadalhin na sana sila sa selda nila ng pinakiusap ko sa pulis na gusto ko munang makausap ang anak ko at mabuti na lang pinayagan nila ako.



Ilang minuto din ang namagitan samin bago ako nagsalita. “I’m sorry, alam kong malaki ang pagkukulang ko sayo at sa mama mo, sorry sa lahat ng nangyari. Kahit gaano ko ka gusto na ilabas ka dito, hindi maalis yung takot nab aka dahil sa galit mo sakin ay tuluyang mawala ang kapatid mo.”


“I’m not sorry for what I’ve done to you….” Sabi niya habang nakatingin sa braso ko na may cast ng dahil sa pagkabaril niya sakin. “but I’m sorry for what happen to my sister…..siguro tama na muna yon dahil kahit anong pagusapan natin ngayon hindi magbabago yung tingin ko sayo. You’re a jerk, and that’s the reason why I hate you.” Tumayo na siya at sumunod sa pulis na naghihintay sa kanya… umuwi na ako matapos nun at pilit inaalis sa isip ko lahat ng nangyari sa araw na’to gabi na at gusto ko ng magpahinga pero hindi ako dinadalaw ng antok. Lumabas ako ng kwarto ko at dumeretso sa kotse ko hindi ko na ginising ang driver at nagdrive na lang ako papuntang hospital. Pagpasok ko sa kwarto ni reaycie ay wala akong nadatnan maliban sa anak kong walang malay. Siguro ay lumabas lang si reaymel kaya wala siya dito.


Umupo ako sa tabi ng kama niya at hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha niya. “anak, wag mo akong iiwan ha. Ikaw na lang ang meron ako. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka pa.”


Wala akong ka ide-idea kung paano ko aayusin ang pamilya ko, everything about me is wrecked and I don’t know to fix it. Paano ba maayos ang lahat ng ‘to? Ayokong gumising ka na panay problema ang sasalubong sayo. Mahal na mahal kita anak, sorry if I’m being pain in the ass.


“ I hope everything will turn out fine.”

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon