CHAPTER 49- UNTITLED

7.5K 133 2
                                    


“no, I love you so much that I can’t let you feel hurt.” Sabi niya ng mag angat siya ng tingin. I can say that I am lucky having a father who cares and love me but thinking of how my brother feels make me doubt if that love was for real. Napuno ang paligid ng nakakbinging katahimikan hanggang sa may isang boses kaming narinig mula sa sulok na hindi naming napansin habang kami naguusap.


“how sweet? Oh how I adore your love.” Mapang uyam niyang sabi. Ganun ba talaga kalala ang nagawa ni daddy para magalit siya ng ganito at umabot kami sa punto na kailangan niya pa kaming dukutin at pahirapan.



“I’m sorry luke, patawarin mo ako kung ano man ang nagawa ko sayo, nakikiusap ako sayo wag mong saktan ang anak ko. Ako lang naman ang may atraso sayo hindi ba?” pagmamakaawa ni daddy. Ayoko siyang makita na ganito, parang dinudurog ang puso kapag nakikitang nasasaktan ang mga taong mahalaga sakin.



“I’m sorry? Akala mo ba ganun lang kadali yun?hindi mo alam ang pinagdaanan ko.” Sabi niya, mababakas sa tono ng pananalita niya ang galit. “I suffer living alone samantalang ikaw nagpapakasarap….. nagpakilala naman ako sayo pero anong sabi mo? Wala kang ibang anak maliban dito?” sabay tutok niya sakin ng baril na hawak niya… nakaramdam na ako ng matinding takot dahil sa ginawa niya.



“ibaba mo ang baril mo luke..” sabi ng katabi ko na ngayon lang nagsalita, siguro ay nagulat rin siya sa mga nalaman niya.


“bakit? May magagawa ka ba? Haha wag mo akong patawanin Alvin kasi alam mo na wala kang magagawa.” At sa kanya naman itinutok ang baril na hawak niya. Pero agad din niya itong inilipat kay daddy at nakangisi siya na parang demonyo..


Please Lord, alam kong hindi ako madalas lumapit sayo..hindi ko alam kung naging karapatdapat ba ako sa inyo pero hinihiling ko na wag mo kaming pabayaan lalong lalo na ang daddy ko. Alam kong nagkasala siya kay luke pero alam ko din na may dahilan ang lahat ng yun… he’s been a good father, he deserve to have a second chance to be a father to luke…help him please kahit kapalit ang buhay ko, maligtas lang ang daddy ko.



“naging miserable ako ng dahil sayo, hindi ako papaya na kayo Masaya pero ako naghihirap.. let’s be fair I became miserable so will you.” At ikinasa na niya ang baril na hawak niya na nakaharap pa rin kaya.


“wag please nakikiusap ako sayo luke, hindi naman ginusto ni daddy na masaktan ka. pwede pa natin maayos ito.” Pakiusap ko sa kanya habang tuloy pa rin ang pag agos ng luha ko. Nakita ko naman sa isang tabi si Melissa na naka tingin samin at ngumisi siya sakin ng mag tagpo ang mga mata namin.



“hindi ginusto? Wala kanga lam RC, palibhasa kasi nakukuha mo lahat ng gusto mo. At tingin mo ba maayos pa to? Nagkakamali ka.dahil hindi ako matatahimik hanggat hindi ako nakakapaghiganti sa magaling mong ama.” Sabi niya ng hindi man lang bumabaling sa akin.

“bakit? Kapag ba pinatay mo siya magiging Masaya ka na ha?” Ilang minuto siyang natigilan. “Pag pinatay mo ba siya matatahimik ka na? isipin mo ama mo rin siya.wag mong hayaan ang sarili mo na kainin ng galit mo.”



Lumingon siya sakin at dahan dahan niyang ibinaba ang baril niya, naka hinga naman ako ng maluwag dahil akala ko ay natauhan na siya pero nagkamali ako.



“ama ko?haha mula ng ipagtabuyan niya ako hindi ko na siya ama.. at kung mamatay kayo ngayon ako na ang magiging pinaka Masaya dahil makakaganti na ako sa kanya at makukuha ko na ang matagal ng dapat ay sa akin.”


“hindi totoo yan.” Mahina kong sabi sapat para marinig niya, “hindi ka magiging Masaya kahit mapatay mo siya. At bali-baliktarin mo man ang mundo siya pa rin ang ama mo.” Buong tapang kong sabi dahilan para lalo siyang mainis sakin. I don’t mind, basta gusto kong sabihin kung anong nakikita ko sa mga mata niya. Alam kong nangungulila lang siya.



“MANAHIMIK KA.” Sigaw niya dahilan para mapa atras ako ng bahagya. “WALA AKONG PAKI KUNG ANG TINGIN MO AY AMA KO SIYA MAMATAY KAYONG LAHAT.”



Determinado na siyang kalabitin ang gatilyo ng baril at hindi ko na rin makita ang luke na nakilala ko noon. Masungit pero masiyahin, matulungin at medaling maka gaanan ng loob. Tanging galit at poot ang nakikita ko sa kanya ngayon.


*BANG*


“urggggh”
O___O nanlaki ang mata ko sa ginawa niya,alam kong kaya niyang pumatay pero di ko akalain na tototohanin niya.


“DADDY.” Sigaw ko.binaril niya si daddy sa kanang braso niya…at ngayon ay namimilipit na siya sa sakit. “please tama na luke wag ang daddy please.” Nilapitan ko na siya, hindi ko kayang makita siyang ganyan kahit may doubt ako sa kanya mahal ko pa rin siya.



Bigla na lang bumagsak si luke kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. Si Alvin, sinuntok niya si luke hindi ko alam kung paano niya nakalas ang tali niya at agad na nasuntok si luke. Ilang beses niyang sinuntok si luke. Nabitawan niya na rin ang baril niya at napatapon kung saan.agad naman akong nilapitan ni alavin at kinalas ang pagkakagapos ko.ng matanggal niya ito ay agad kong nilapitang si daddy, pinunit ko na ang laylayan ng damit ko at itinali na sa braso ni daddy para mapigilan ang pagdurugo ng may mapansin ako sa di kalayuan.



Nakaitim na lalaki at natatkluban ang kanyang mukha pero dahil sa hubog ng kanyang katawan alam ko lalaki siya, may hawak rin siyang baril, tiningnan ko kung saan nakatutok ang kanyang baril at laking gulat ko ng makitang sa nakahigang si luke nakatapat ang baril niya.


Tumayo si luke at muling pinulot ang baril at itinutok kay Alvin. “napaka pakialamero mo, ang dapat sayo mamatay na rin.” Sabi niya, pero wala na sa kanya ang attensyon ko kundi sa lalaki na nakaambang barilin rin siya.


“LUKE!”sigaw ko at agad na tumakbo sa kanya ng makita kong kalabitin ng lalaki ang gatilyo. Alam kong hindi ako aabot, pero sinubukan ko parin, kahit na nagawa niyang barilin si daddy hindi nun maiaalis na mahalaga siya sakin.. kapatid ko siya at dapat ko siyang protektahan. Alam kong nadala lang siya ng galit niya. Agad ko siyang niyakap ng makalapit ako sa kanya at bahagyang ibinaling siya sa kanan para hindi tamaan ng baril


*BANG*

*COUGH*

Kasabay ng pagtulo ng dugo mula sa bibig ko ay ang huling salitang binitawan ko sa kanya. “ma-mahal kita ku-kuya.” At unti unti ng bumigat ang pakiramdam ko. Nakita kong bumubuka ang bibig ni Alvin at ni daddy pero wala akong marinig na boses mula sa kanila, hanggang sa tuluyan ng nanlabo ang paningin ko at naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa malamig na sahig.


LUKE’s POV

Nakatutok na ang baril ko sa pakialamerong Alvin na yung ng biglang sumigaw si RC na siyang dahilan para mapalingon ako sa kanya.“LUKE!”tumakbo siya palapit sa akin at bigla na lang akong niyakap. Parang biglang tumigil ang mundo ko. Galit ako sa kanya, galit ako sa daddy niya na daddy ko rin. Gusto kong maghiganti at alisin ang mga ngiting nakita ko sa kanya pag kasama niya ang daddy niya. Hindi siya dapat maging Masaya.pero sa simpleng yakap niya parang nakalimutan ko lahat ng pakay ko sa mag amang ‘to.


*BANG*

*COUGH*

“REAYCIE/ELAINE” sabay na sigaw ng bestfriend at daddy niya.


Tiningnan ko siya na nanlalaki ang mata, umuubo siya ng dugo..anong nagawa ko? Tiningnan ko ang kamay ko at nakita dun ang baril,natumba na siya sa sahig kasabay na napaupo rin ako para sana alalayan siya. “ma-mahal kita ku-kuya.” Agad kong nabitawan ang baril na hawak ko at hinwakan ang mukha niya.



“RC. Wag kang pipikit.” Mahina kong sabi at naramdaman ko na lang na may mainit na likidong tumulo sa pisngi ko. “I’m sorry, I’m sorry.” Paulit-ulit kong sabi at niyakap ulit siya.



“nadala ka naman agad ng drama niya… mahina ka talaga kahit kelan luke. Mabuti pa isama na rin kita sa target ko.” At itinutok niya ang baril sakin.

“hindi ako papayag.” Biglang may humarang sa harapan namin ni RC na parang pinoprotektahan kami. Hindi na ako maka pagisip ng tama. Bakit mo ba ‘to ginawa RC. Hindi kop ala kayang makita kang nasasaktan.


“ibaba niyo ang mga baril niyo.” Wala na ako paki alam sa paligid ko. Ang gusto ko na lang mangyari ay makaalis dito at madala agad ang kapatid ko sa hospital.hindi ko alam kung paano pa niya ako mapapatawad. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ba niya ko. Pero isa lang ang gusto ko, ang mabuhay siya.


Bigla na lang akong makaramdam na may kumuha kay RC mula sakin. Tiningnan ko naman kung sino siya. Tumago lang siya kaya tumango din ako sa kanya, agad naman niyang binuhat si RC at isinakay sa sasakyan niya.. naramdaman ko ang malamig na bagay sa pulsuhan ko at nakita ang mga pulis na inaakay ako. Hindi na ako pumalag dahil alam kong malaki ang kasalanan ko.


Naniwala ako kay Melissa na magiging Masaya ako kapag naghiganti ako. Pero wala akong maramdaman kahit konting saya. Tama si RC hindi ako magiging Masaya kahit mapatay ko pa silang lahat. Isinakay na ako ng mga pulis sa sasakyan nila at dinala na sa police station.

JACOB’s POV

Sh*t………. sh*t…….. nahuli na ako. Ng malaman ko na nawala si boss nung araw na iniwan ko siya sa garden ay agad akong pumunta sa bahay nila at tinanong ang parents niya kung anong nangyari . Nakaramdam ako ng sobrang takot nun at halos hindi ako mapakali.


Flashback
“RC/REAYCIE” may dalawang lalaki ang tumawag sa kanya, tumayo naman siya ng makita niya ang mga ito. “we’re so worried about you.” Sabi ng bestfriend niya.tsk

Tumayo siya kaya tumayo na rin ako, nakita ko ang gulat sa mukha ng bestfriend niya ng makita ako. “uhm so-sorry.” Narinig kong sabi niya sa best friend niya.

“I guess you don’t need me anymore, I have to go.” Sabi ko na lang dahil na bubwiset ako sa pagmumukha ng dalawang lalaking ‘to


Umalis na ako at dumeretso na sa condo ko tinext ko na lang si kent at marvz na mauuna na ako. Mga kaibigan ko sila at business partners, kasama rin sila sa party ni mr. Dela Fuente.


*marvz calling*.agad ko namang sinagot ang tawag niya.


“hello?”

“jacob, may nangyari.” Bigla naman akong kinabahan sa tono ng pagsasalita niya. Mukhang masama ang nangyari dahil hindi na niya nagawang bumati.


“anong nangyari” tanong ko.


“yung anak ni mr. Dela Fuente at yung bestfriend niya. Nakidnap.”

Loading…..


Loading…..


Loading….

yung anak ni mr. Dela Fuente at yung bestfriend niya. Nakidnap.


yung anak ni mr. Dela Fuente at yung bestfriend niya. Nakidnap.


yung anak ni mr. Dela Fuente at yung bestfriend niya. Nakidnap.

“WHAT?nasan ka?”


“andito pa rin sa mansion.” Hindi ko na siya sinagot at agad na ibinaba ang tawag, nagmadali akong bumalik sa mansion, only to find her mother crying pati na si mel.


“anong nangyari?” tanong ko na nakakuha ng attensyon nila.


“kuya jacob si ate…” sbai ni mel na iyak lang ng iyak. “may kumuha sa kanila nina kuya Alvin at kuya luke.” Parang tumigil ang mundo ko ng malaman kong nasa panganib siya.



“si tito?” tanong ko.



“inuutusan na niya ang mga tao niya para hanapin sila.” This is bad, what if si Melissa ay may gawa nito? Paano kung siya ang pagbalingan ni Melissa ng galit dahil sa pagiwan ko sa kanya nung araw ng kasal namin. Hindi pwede to.


Agad akong umalis at tinawagan lahat ng connection ko. Pinahanap ko sila. It took a week to find their location but the worse news was they also got tito victor..


Flashback ends

May kasama kaming mga pulis at handa na silang huluhin kung sino man ang may pakana nito. Sumama na rin ako pag pasok.  Nakita kong nahuli na ang mga tao sa loob at tama ang hinala ko na si Melissa ang may pakana nito and worst kasabwat niya si luke… sinasabi ko na nga ba hindi siya mapapagkatiwalaan eh. agad kong hinanap si reaycie but I only find her in the arm of this bastard, yakap yakap niya si reaycie. Gusto ko siyang hilahin at bugbugin. Lumapit ako sa kanila and I was taken a a back when I saw blood on the floor. Reaycie’s blood. Naghina ako bigla pero hindi ito ang tamang panahon para magdrama kailangan siyang madala agad sa hospital. Kinuha ko siya mula sa kamay ni luke, nag angat sya ng paningin at hindi nakatakas sa akin ang mga luhang pinakawalan niya. Sinaktan niya si reaycie, pero bakit siya umiyak? Mahal niya ba si reaycie? Oras lang na gumaling siya hinding hindi na siya makakalapit sa kanya. tumango na lang ako sa kanya at ganun din siya kaya binuhat ko na siya at dinala sa sasakyan ko. At agad na dinala sa hospital. Dinala na siya sa emergency room at agad naman siyang inasikaso ng mga doctor. Maya maya pa dumating na sina tito pati ang bestfriend niya na puno din ng sugat. Inasikaso na din sila ng mga nurse at doctor, ako na lang ang naiwan dito sa waiting area.



Ang tanga ko. Kung hindi ko siya iniwan nung gabing yun hindi sana aabot sa ganito. Kasalanan ko to eh..napasabunot na lang ako sa buhok ko..hindi ko kakayanin kung mawawala siya sakin..mahal na mahal ko siya. Please let her live. I can trade my life just see her alive..kahit na habang buhay pa akong magdusa makita ko lang siyang buhay okay lang sakin. Gusto ko ulit makita ang mga ngiti niya kahit hindi na ako ang dahilan. Kahit masakit na iba ang piliin niya basta mabuhay lang siya wala na kong pakialam basta mabuhay lang siya.


There is nothing precious than her, she’s my life, she’s the reason why I live she’s the reason why I fight this life. Kung mamatay siya mabuti pang mamatay na rin lang ako.



Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon