CHAPTER 32-CLAIRE MELISSA CHUA

7.2K 124 5
                                    



"tara?" tanong niya sakin.. pagkababa ko sa sala galing sa kwarto ko.. nag aaya na agad siyang umalis di pa man lang ako kumakain.



"hoy Alvin baka po hindi niyo alam na hindi pa ako kumakain..masyado pang maaga..para ka namang may hinahabol diyan eh." sabi ko habang naglalakad papunta sa kusina..



Hindi ko alam kung anong nasa utak ng lalaking 'to at naisipan na gawin to. Mula ng magusap kami sa park nung gabi kinabukasan sinundo niya ako sa bahay tapos pati sa opisina sinundo niya ako...ang hindi ko pa maintindihan pag inihahatid niya ako sa opisina he will kiss me in the tip of my nose then he will grin devilishly habang nakatingin sa likod ko pag lilingon naman ako wala naman akong nakikita..naaaning na ata siya eh..



Wala siyang sinabi matapos niyang sabihin na may magagawa ako para mabalik kami sa dati ni Jacob ang huli lang niyang sinabi ng maihatid niya ako sa bahay ay "magtiwala ka lang sakin..and just go with the flow" with a big smile in his face..oh diba ang laking tulong nung sinabi niya...tsk



"oo na.hindi pa rin naman ako nakain eh."



"so dito ka pa makikikain?" naupo na ako sa upuan para sakin.at siya naman ay sa katapat kong upuan.



"masama?"



"oo masama.may bahay ka naman eh."



"hmm tita oh ayaw niya akong pakainin dito..akala mo naman siya ang nagluto." Sumbong niya kay mama. Pabulong niyang sinabi yung bandang dulo kaya di ko masyadong narinig.



Tumawa lang sina mama.tsaka inaya na kaming kumain.



"hoy anong binubulong bulong mo diyan ha?" tanong ko pero di niya lang ako pinansin at sumubo na ng pagkain.kaya kumain na lang din ako..nagkuwentuhan lang sina mama habang ako di nila pinapansin.huhuhu grabe sila mas Masaya pa sila na kasama nila si Alvin kesa sakin..tsk tsk



Pagkatapos kumain umalis na rin kami.pag labas naming pinagbuksan niya agad ako ng pinto ng kotse. Yes my kotse na po siya.masipag kasi eh laging ang daming project.



At gaya ng ginagawa niya this past few days inihahatid niya ako hanggang lobby. Tapos ikikiss sa tungki ng ilong. Hindi na rin ako masyadong nagulat. Nasasanay na siguro ako sa ginagawa niya eh. pag katapos niyang gawin yun tumingin siya sa likod ko kaya naman tumingin din ako kung saan siya nakatingin. I saw sir Jacob he's heading toward the elevator. Nakita kaya niya.. bwiset talaga 'tong Alvin na 'to.. anong gagawin ko kung nakita nga niya baka magalit yun sakin.pero bakit naman siya magagalit diba nga sinabi niya na di naman niya ako minahal. Waaaah, pero diba nga my plan is to bring him back pero mukhang din a mangyayari.

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon