Chapter 7- Good news

12.3K 253 3
                                    

"good morning pa." dito na nakatulog si papa sa ospital mula nung maoperahan si mama madalas na dito si papa di na nga siya halos umuuwi eh minsan maaga pa lang andito na siya tapos pag uwi niya galing trabaho dito na siya dederetso nakikita ko yung sobrang pagmamahal ni papa kay mama nakakatuwa namang isipin na ganto magmahalan ang pamilyang kinagisnan ko naiinggit ako kay mama sana magkaroon din ako ng lalaking magmamahal sakin gaya ng pagmamahal ni papa kay mama."ako na muna dito papa umuwi na muna kayo para makapagpahinga ka na din." Di sumagot si papa ngumiti lang siya sakin saka lumapit.niyakap niya ko ng sobrang higpit ramdam ko yung halo halong emosyon ni papa base lang sa yakap niya sakin.

"nak...thank you ah dahil lagi kang nandyan kahit di mo kami kadugo ikaw yung nakaalalay samin..mahal na mahal kita anak."ramdam kong nabasa na yung balikat ko sa pagiyak ni papa.

"papa naman tigilan na natin ang kadramahan..isang pamilya tayo okay? Sino pa bang magtutulungan syempre tayo tayo din. Saka kayo din naman ganun din sakin" niyakap ko pabalik si papa.naiiyak na din ako natigil lang ako ng may mapansin ako."papa .....papa si mama."sa gulat humiwalay sakin si papa at tumingin kay mama."nakita kong gumalaw yung daliri ni mama, papa lumapit kami sa kanya at tiningnan siya mabuti

"tumawag ka ng doctor bilis."natatarantang sabi niya. Bilis bilis akong lumabas para tumawag ng doctor ng makabalik ako nakita ko si Melanie umiiyak siya pero halata sa kanyang mukha na masaya siya niyakap niya agad ako ng Makita niya ako.

Pinahid naming yung mga luha sa mata naming nung lumapit yung doctor samin."doc anong balita sa asawa ko?"sabihin mo okay na siya...doc parang awa mo na please

"Good news, she's stable now mr. alvarez nakakapagtaka nga na ang bilis ng progress niya she's a strong woman, gising na rin po siya after two days pwede na po siyang umuwe. Hinahanap na po kayo ng pasyente. Excuse me."di pa nakaka alis yung doctor nagunahan na kami sa pagpasok sa kwarto ni mama.

"mama okay ka na ba?.....anong nararamdaman mo?....may gusto ka bang kainin?"sunod sunod na tanong ni papa kay mama."tumawa na lang kami ni mel sa inasal ni papa ang oa niya kasi kundi lang naghihina si mama ngayon baka humagalpak na rin siya ng tawa kaya lang hindi pa niya kaya kaya napapangiti na lang siya sa ginagawa ni papa.

"okay na ako papa wag kang oa..ano bang sabi ng doctor?.makakauwi na daw ba ako?"mama

"mama wag excited,after two days ka pa pwedeng umuwi magpahinga ka muna baka kung ano mangyari sayo.masyado mo naman kami na miss sermonan sa umaga pag late kami nagising eh time out muna." Sabay sabay kaming tumawa sa sinabi ni mel.nilapitan naming si mama at niyakap siya. Thank you Lord di mo nga talaga kami pinabayaan.

******

Umuwi na kami ni mel ayaw kasi umuwi pa ni papa maya maya daw siya umuwi pagkatulog ni mama babantayn daw muna niya ito.paguwi naming ng bahay may nadatna kami sa labas ng bahay naming na lalaki nakatalikod siya samin pero base sa suot niya mukhang delivery boy.

"kuya may kailangan po ba kayo?"tanong ko dun sa lalaki nung makalapit kami.

"hinahanap ko po si ms. Reaycie alvarez"tugon niya.nagkatinginan lang kami ni mel, ngumiti siya sakin ng nakakaloko, tong batang to minsan di mo malaman kung galit ba sakin oh ano eh minsan sweet minsan maldita pero alam ko mahal ako niyan masyado lang maarte haha

"ah...ako po yun"may inabot siya sakin na box sabi niya may nagpapabigay daw pagka received ko umalis na din siya agad.pagkapasok na pagka pasok namin ni mel agad niya ako kinulit na buksan ko daw yung box pagkabukas ko tumambad sakin ang isang blue dress simple lang siya pero halatang mamahalin at may kasama siyang silver na stiletto ang ganda..

"uy ate kanino daw galing?

"ewan ko"tiningnan ko yung card wala naman nakapangalan basta ang nakalagay lang susunduin ako mamaya 6 pm sharp. bossy masyado ha. Eh kung hindi ako sumama sino ba kasi to mamaya kidnaper pala to sosyal naman ng kidnaper ko pinadalhan pa ako ng mamahaling damit.

"mukhang may date ka mamaya ah?" biro niya

Rule#4: they will date consistently....ommo O__O

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon