CHAPTER 45-SAME HABIT

7.5K 150 9
                                    

Nandito ako ngayon sa hardware para bumili ng bagong paint dahil papalitan ko ang kulay ng kwarto ko. Hindi na kasi ako kumportable sa kulay nito eh.para akong nasusuffocate, siguro dahil hindi lang nasanay ang sistema ko sa kulay pink, pati kasi si mel hindi rin mahilig sa pink..green kasi ang favorite color niya, samantalang ako blue.

Nandito ako sa area ng mga pintura at pumili na lang muna ako ng iba't ibang size ng paint brush, may plano kasi akong lagyan ng mural painting yung kwarto ko. Pagkatapos kong humanap ng mga gagamitin ko dumeretso na ako sa mga paint at namili ng pinturang bagay sa kwarto ko at syempre hindi mawawala ang color blue ^_________^

Nakita ko yung royal blue na paint at gusto ko sanang kunin yun kaya lang hindi ko abot.tumingin ako sa paligid para sana mag hanap ng ilang staff na tutulong sakin pero mukhang mga busy sila. "seems you need help." Muntik na akong mapalon sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Paglingon ko may nakita akong angel-falling angel to be exact. bakit? Nagtanong siya ng ganon pero nakangisi at tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "ang maging maliit noh?" asar pa niya sakin 5'2 lang kasi ang height ko eh siya sa tantya ko nasa 6 feet mahigit.

"edi ikaw na kasi ang matangkad." Sabi ko pinakuha sa kanya yung pintura sa taas.

"kaya mo bang dalhin yan?" tanong niya na naka kunot ang noo. "hindi kaya lalo kang lumiit pag binuhat mo yan.." pang asar niya 2 gallons kasi yung pinakuha ko sa kanya.

"hindi naman ako tanga para buhatin to mag isa, syempre magpapatulong ako sa mga staff dito." Sabi ko sa kanya sabay irap..

"okay....sabi mo eh." at tumalikod na siya.

"hoy saan ka pupunta.?" Tanong ko lumingon siya sakin at saka pinakita lang yung maliit na box na siguro ay tools ang laman. "tulungan mo na ako dito para makauwi na agad ako dito." At nag puppy dog eyes pa ako sa kanya... "hoy luke, sige nanaman oh..please?"

"tsk...kukuha kuha kasi ng marami di naman pala kaya...akala ko bas a staff ka mag papatulong?" tanong niya habnag binuhat na yung ibang pintura at ako naman sa iba.

"eh wala nga akong makitang staff na available eh." sabi ko sa kanya. At dumeretso na kami sa counter at nagbayad. Pinadala na lang namin sa staff nila yung pinamili namin sa kotse at dumaan sa department store para bumili ng bagong bedsheet at iba pa.

"ano ba kasing gagawin mo sa mga yun bakit ang dami mong binili na pintura?" tanong niya na nakasunod pa rin sakin.

"aayusin ko lang yung kwarto ko ang pangit kasi...tsaka wala naman akong ginagawa ngayon kaya ayun..." at ngumiti ako sa kanya.

"pwede ba akong sumama sa bahay niyo? I can help..." nagulat ako sa sinabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya at tinaasan ng kaliwang kilay. "tinatamad pa kasi akong umuwi sa bahay namin.. I hope you don't mind. Kabayaran man lang sa pagtulong ko sayo." Sabi niya, kaya napaisip ako.

"tsk..kung alam ko lang na may kapalit yung pagtulong mo sana hindi na ako nag patulong sayo." Sabi ko at tumalikod na sa kanya.

"kung hindi kita tinulungan baka hanggang mamaya ka pa nakatayo at pilit na inaabot yung pintura don or worse matapunan ka pa ng mga pintura don." Sabi niya at nauna na paglalakad sakin. Tumigil naman ako saglit at pakiramdam ko naguilty ako sa sinabi ko kanina. Joke lang naman yun eh, masyado niya naman sineryoso. Hinabol ko siya at ng makalapit ako sa kanya kinuhit ko siya.

"oy, joke lang naman yun noh..syempre pwede kang sumama sakin sa bahay. Kaibigab nanaman kita eh." sabi ko at yumuko. Lumingon siya sakin at nakita ko ang malapad niyang ngiti. Agad naman niya akong hinila sa bilihan ng mga bedsheet at siya na mismo ang pumili ng kulay, pareho kami ng taste pagdating sa bedsheet plain lang meron mang design pero hindi ganon ka oa.

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon