CHAPTER 12-JEALOUSY

11.2K 211 3
                                    

RC's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, umupo ako sa kama ko at kinusot-kusot ko yung mata ko tapos tumingin ako sa wall clock ng kwarto at......O___O

OMMO......

Bakit di ako ginising ni mama.....ay geez wala pa nga pala si mama dito bukas pa siya makakauwi dito...aist anu ba...bakit walang nang gising sakin...

Teka nga??nasa kwarto ko na ako? Diba sa kotse ako nakatulog?

Hindi kaya.....? O.M.G.

si boss kaya ang nagdala sakin dito?

Hala baka binuhat niya ko papunta rito.

Waah!!! Paano kung nabigatan siya sakin, o kaya may nakita siyang di niya magustuhan dito sa kwarto ko..edi instant turn off????

Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa mga naiisip ko. Naisip ko pa talaga yun? Eh napaka layo ng agwat namin. Kahit wala pa siyang makitang nakakaturn off wala pa rin naman akong pag asa sa kanya.

Aist wala na akong time magdaydream pa nang mga nangyari kagabi.

Dali dali na akong nagpunta ng banyo at naligo nang matapos ko lahat ng ritwal ko paliligo agad agad akong bumaba para makakain, dinampot ko na lang yung tinapay na nakahain sa mesa at dali dali tumakbo pa labas ng bahay....

Naabutan ko si Alvin sa labas ng bahay na nililinis yung motor niya...dito nga pala siya titira pansamantala ... nagpaalam ako sa kanya na aalis na ako pero bago ako umalis pinigilan niya ako, ihahatid na daw niya ako....

"hindi na magco-comute na lang ako...."tatalikod na sana ako pero hinawakan niya bigla yung kamay ko..

"hanggang ngayon ba galit ka parin sakin?" aist ano bang sasabihin ko? Alangan naman sabihin ko na oo galit pa rin ako sa kanya edi baka isipin niya bitter ako sa kanya diba?

"hindi noh..ano kaba late na ako kaya nagmamadali na ako." Palusot ko ayoko kasi muna siyang makausap eh, dahil sa nangyari nun.

Flashback***

Kakauwi ko pa lang ng bahay pero yung pagod na naramdaman ko kanina nawalang lahat dahil may date kami ngayon ng aking bee. Anniversary namin ngayon kaya naghahanda na ako para sa date namin.... Ang sabi niya pumunta daw ako dun sa park malapit samin....ayiiieeh feeling ko may surprise siya sakin alam na naman nina mama, kasi nasabi na namin...nung una di naming masabi kasi nga inaanak siya ni mama at akala namin tutol sila samin pero mali pala kasi boto pa pala both family namin saming relasyon.

Nagpaalam na ako kina mama at papa para pumunta dun, sinabihan lang nila ako ng magingat ako..

Pagdating ko sa park wala akong makitang bee..wala akong makitang Alvin Mendoza...asan kaya yung lalaking yun? Nag antay pa ako sa kanya ng isang oras pero wala pa rin siya....

Tatayo na sana ako para umuwi kaya lang bigla siyang dumating nilapitan ko agad siya at niyakap...

"kala ko di kana dadating bee. Happy anniversary" iniabot ko sa kanya yung regalo ko. Saka ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis... kahit naiinis ako kasi late siya binalewala ko muna yun kasi anniversary naman naming ngayon saka ko na lang siya sermonan.hahah

"sorry...." Sabi lang niya tapos napaiwas siya ng tingin

"ano ka ba okay lang yun ang mahalaga naman dumating ka." Okay lang sanay na naman ako laging naghihintay.

Gusto ko idugsong yan kaya lang baka mag away kami sa anniversary namin mahal na mahal ko siya kaya ayaw ko ng nagaaway kami.

Humarap na siya sakin at hinawakan yung kamay ko..enebey kinikilig parin ako.. " I'm breaking up with you." Teka? Tama ba ang narinig ko?

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon