chapter 5 - the deal

13.6K 313 4
                                    

Masaya akong pumasok sa office kahit di pa ganun kaayos ang lahat nagtitiwala ako na ang Lord na ang Bahala. Kailangan lang talaga ng tiwala sa kanya alam ko na kailangan ko pa rin ng pera dahil di pa tapos yung operasyon..pero Alam Kong makakahanap kami ng paraan


After ko malaman Kay papa yung magandang balita na may nagmagandang loob para sa down payment ng operasyon ni mama agad agad akong pumunta sa hospital gusto ko kasi malaman kung sino siya para makapagpasalamat ako sa kanya ng personal pero Hindi nagbigay ang hospital ng information tungkol dun sa tumulong samin kaya palaisipan pa din samin kung sino siya at kung sino man siya sobra kaming nagpapasalamat sa kanya.


"Girl kumusta kana? Ano bang nangyari kahapon bakit umalis ka agad di ka na pumasok nung hapon.nagalala kami Sayo ha." Yan agad ang bungad sakin ni ivy nakakatuwa lang kasi alam Kong anjan sila para sakin kahit kelan lang kami nagkakilala.


"Nagka emergency lang pasensya na ha di na ako nakapagpaalam." Ngumiti na lang ako sa kanya.


"Haist okay lang nuh, Tara na nga at magtrabaho na tayo balita ko bago na supervisor natin at sobrang sungit daw." Sabi nya na may kasama pang irap umagang umaga ganyan siya.tsk


Ifinocus ko na lang yung sarili ko sa trabaho ko ayoko muna isipin yung tungkol Kay mama baka sa sobrang lungkot di ako makapagtrabaho ng maayos. Ilang oras din ang lumipas ng bigla akong tawagin ng secretary ni sir prince, yun ang tawag ko sa kanya sa isip ko lang siya pwedeng tawagin na ganun baka masisante ako agad eh
He he


"Ms. Alvarez pinapatawag ka ni Mr. De larra pumunta ka daw po sa office niya ngayon na."


"Sige po susunod na po ako." Lumabas na din siya ng department namin nagmadali naman ako para makita ko agad si sir prince hihihi


Kumatok ako pinapasok din naman niya ako.


"Sir pinapatawag niyo daw po ako?"


"Please have a seat" pagkasabi niya nun umupo ako."so how was your mom?" Nagulat ako sa tanong niya ang natatandaan ko na sinabi ko kahapon may emergency pero di ko sinabi na tungkol Kay mama pano kaya niya nalaman yun? pero parang nasabi ko nga siguro nakalimutan ko lang. "I have my ways in everything ms. Alvarez" sabi ko nga eh.


" ah...eh nasimulan na po yung operation para sa kanyang heart transplant."


"I'm glad na nakatulong ako" ngumiti siya skin.


OMG ngumiti siya sakin ang gwapo niya talaga para akong matutunaw sa ngiti niya.pero teka lang ano pala yung sinabi Niya?


"Ano po yun sir?"


"Sabi ko I'm glad na nakatulong ako sayo" so siya yun?


"Ikaw po yung ng bigay ng down payment para maoperahan si mama.?" Gulat pa rin ako sa nalaman ko


"Down payment?haha Tito ko yung may ari nung hospital na pinagdalhan niyo sa mama mo.kaya di niyo na kelangan bayaran yung bill niyo."


"Talaga po?waaah thank you boss." Sa sobrang tuwa ko di ko na napigilan yung sarili ko at niyakap ko na siya.


"Ehem" ha? Hala ? Ano bang ginawa ko?


"Uhm sorry point sir..at ano uhm.. Thank you po" di ako makatingin sa kanya ng diretso ano ba naman kasing pumasok sa utak ko at ginawa ko yun?


"*ehem*...may kapalit yun." Tumingin siya skin mula ulo hanggang paa tiningnan ko rin yung sarili ko saka ako napayakap sa sarili ko. Ano bang iniisip niya? Kahit crush ko siya wala akong planong ibigay yung katawan ko sa kanya nuh.


"Pffft hahaha wala akong interest sa katawan mo miss.haha" nangiinsulto ba siya makatawa naman siya parang wala ng bukas napairap na lang ako sa kanya ng lihim kainis siya.


"Ano po bang kapalit BOSS?" Tsk kainis siya may side pala siyang ganyan kala ko puro serious mode lang siya Hindi pala.ilang minuto pa siyang tawa ng tawa hanggang sa tumigil din siya at bumalik na sa pagiging serious type


"Didn't I tell you na walang pwedeng tumawag sakin ng ganyan?" Luh? Nagalit na ata si koya.haha ako kasi ang inasar niya eh.loko din siya eh


"Hehe sorry sir ^_^V" di naman pala siya ganun kasungit eh.


"Tsk fine.so I'm gonna ask a favor from you kapalit nung tulong na binigay ko para makabawe ka skin."


"Ano naman po yin sir?"


"I want you to be my girlfriend." O__O ano daw pwede pa rewind?


I want you to be my girlfriend


I want you to be my girlfriend


I want you to be my girlfriend


Waaaaah totoo ba yung narinig ko gusto Niya ako maging girlfriend?pwede na ba ako kiligin.waaaaah gusto niya ako maging girlfriend...


*snap*


Huh?dun lang ako bumalik sa sarili ko."uhm sir seryoso po ba kayo?"


"Yes I'm dead serious...." Naging mas seryoso yung mukha niya "I want you to pretend as my girlfriend"


Pretend? Para namang biglang gumuho yung mundo ko pretend lang pala assumera ka kasi reaycie eh ayan tuloy. At saka sa gwapo niyang yan ewan ko kung magkagusto siya sayo.malabong mangyari yun kaya wag ka nang umasa pa.


"I will shoulder all your expenses about your mom kung kina kailangan pa siyang dalhin abroad I'll help." Para Kay mama at sa buong pamilya ko kaya Kong gawin lahat.ngumiti ako sa kanya kahit alam Kong mahirap yun lalo pa at crush ko siya. Aist mas mahalaga ang pamilya ko uunahin ko pa ba yung sarili ko saka crush ko lang naman siya mawawala din yun " so is it a deal?"tanong niya.


"Pwede bang malaman kung bakit kailangan mo ng taong magpapanggap as your girlfriend?if you don't mind sir."


"You'll know kapag pumayag kana sa deal. so?" Tsk my choice pa ba ko?


"Okay."

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon