CHAPTER 46-MASK MAN

8.1K 173 40
                                    



Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad akong bumangon at nag kusot ng mata sandali. Inayos ko ang higaan ko at tsaka dumeretso ng banyo. Pagkatapos kong magayos ng sarili ay bumaba na ako, hindi nga pala ako muna papasok ngayon sa office ewan ko kung bakit pero sabi ni daddy wag daw muna akong pumasok ng opisina.




Pagbaba ko sa sala ay may nakita akong mga hindi pamilyar na pigura ng tatlong tao na nakikipag usap kay mama. "o, ayan nap ala siya eh." sabi niya sa kausap ng makita ako.




"good morning ma." Bati ko at humalik sa pisngi niya.




"eto nga pala si Arthur, art for short daw. Siya ang inutusan ng daddy mo na gumawa ng gown mo." Sabi niya.



"hi." Sabi nung Arthur daw at nakipagkamay sakin, sa paraan pa lang ng pagsasalita niya masasabi kong silahis siya, hindi man bakla pero malambot kumilos. "ito nga pala si june at Sandra mga assistant ko." Pakilala niya sa dalawang babaeng kasama niya. Gaano ba kahirap ako sukatan ng gown at kailangan pang tatlo silang pumunta dito naiilang tuloy ako.



"hi."bati rin nung dalawa. Iniabot nila sa akin ang brochure kung saan nakalagay ang mga pamimilian ng design ng gown ko daw.




Ilang minute na pero parang wala akong nagustuhan ni isa siguro sadyang wala lang sa vocabulary ko ang salitang fashion.tsk



"mukhang wala kang mapili kahit ano jan ah?" tanong ni art or should I say it's a mere statement. Tumango ako bilang tugon habang tumingin lang sa kanya ng bahagya at ibinalik na rin sa brochure ang tingin. "ganito na lang, susukatan na lang kita, tapos ipapakita ko na lang sayo ang output the day before your party." Suggest niya. Tumingin ako sa kanya sandali. Dapat ba akong magtiwala sa kanya? Paano kung hindi ko rin magustuhan ang gagawin niya? Paano kung mapahiya ako sa mga colleague ni daddy. Bumuntung hininga ako at...tumango na lang, pinagkatiwalaan nga siya ni daddy eh. siguro naman dapat ko rin siyang pagkatiwalaan.




Pag katapos mag meryenda ay umalis na din sila... ako naman ay bumalik sa kwarto ko at kinuha ang sketch pad ko at nagsimulang mag sketch, bakit ba parang wala ako sa best mood ko ngayon....madalas kasi pag wala ako sa mood sketch pad at lapis ang hawak ko.




*********


Saturday na at mamayang gabi ang party ko daw. Nakaupo pa rin ako sa kama ko...at nakatingin sa blue gown na nakasuot sa isang mannequin simple lang ang itsura niya pero para sakin mas okay na 'to kesa sobrang eleganteng gown.


Tumayo na ako at dumeretso ng banyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Tumayo na ako at dumeretso ng banyo. Pagkatapos sa banyo ay bumaba na ako sa dining table nandon na silang lahat. "ready ka na makilala ang magiging business associates mo?" tanong sakin ni daddy habang kumakain. Napatingin naman ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niya niyang sabihin.




"ano pong ibig niyong sabihin daddy?" tanong ko kasi wala naman akong natatandaan na may business associates ako na dapat makilala eh..

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon