CHAPTER 47- ABDUCTION

7K 138 7
                                    

“Elaine..” narinig ko ang isang babae na tumatawag sa pangalan na Elaine…sino ba si Elaine? Pilit kong hinahanap kung sino man ang tumatawag nay un pero tanging kadiliman lang ang nakikita ko.. lumakad ako ng lumakad ngunit kahit malayo na ang nalalakad ko ay wala pa rin akong nakikita. “Elaine” tawag nanaman ng tinig. Nagpalinga linga ako ngunit wala pa rin akong makita.

“sino ka ba?” sigaw ko sa kawalan pero tanging pag echo lang ng boses ko ang naririnig ko… bakit ba ako affected sa pangalang Elaine ni hindi ko man lang siya kilala pero parang sinasabi ng instinct ko na hanapin ko kung sino man ang nagmamayari ng boses.

“Elaine….anak,..tatandaan mo na mahal na mahal ka ni mommy at daddy okay…gusto ko paglaki mo maging mabuti kang bata.” Narinig kong sabi ng tinig ng babae…base sa tono ng boses niya alam kong Masaya siya…napangiti ako ng marealized ko na masaya siya dahil kasama niya ang anak niya. Napatigil na rin ako sa paglalakad ko at narinig na muli ang boses. “I love you my princess and I promise to love you until my last breath….hindi ko hahayaan na masaktan ka.” *SPLASSH*

Nagising ako dahil sa lamig na naramdaman ko… iminulat ko dahan dahan ang mata ko ngunit gaya ng sa panaginip ko wala akong ibang nakita maliban sa kadiliman.pilit kong iginalaw ang katawan ko ngunit naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko mula ulo hanggang paa..doon ko narealized na nakatali ang dalawa kong kamay pati na ang paa ko. Kahit di ko nakikita ang paligid ko dahil sa piring sa aking mata ramdam ko ang tatlong pares ng mata na nakatingin sakin..

Tinanggal ng isang tao ang piring sa aking mata dahilan para masilaw ako sa liwanag na dala ng ilaw sa loob ng lugar kung saan ako naroon. “mabuti naman at gising kana.” Sabi ng isang pamilyar na boses, pinilit kong makita kung sino man ang nagsalita. Nakita ko siyang nakaupo sa isang monoblock sa harapan ko habang ako naman ay nakaupo sa sahig may tali ang kamay at paa. “walang excitement kung sasaktan kita na wala kang malay.” Sabi pa niya.

“hhmmm…hhmmmm.” Ngayon ko lang napansin na may tape pala ang aking bibig. Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para tumawa siya ng malakas.

“hahaha ang nakakatakot naman ang mga tingin mo…bakit? Kaya mo ba ako?” tanong niya na may halong pangaasar… “you’ll never get away from me, tandaan mo yan.”

Hindi na lang ako sumagot dahil alam ko naman na hindi rin ako makakapagsalita. Pinilit kong kalagin ang tali sa kamay ko ngunit dahil sa sobrang higpit nito lalo lamang itong sumasakit at kulang na lang ay bumaon sa balat ko ang lubid na ginamit nila sakin.

“gusto ko yan…sige try to untie yourself para naman may thrill.” Sabi niya na nagdekwatro pa sa kanyang pagkakaupo.

Ibinaling ko sa paligid ang paningin ko para makita kung sino pa ang ibang kasama naming sa malawak na kwartong to. Nakita ko ang dalawang lalaki na may malaking katawan na parang mga bouncer. Napalunok ako ng laway dahil sa isipin na sa laki ng katawan nila ay kayang kaya nila akong patayin any time na gusto nila.

Nakita ko ang isa na may hawak na latigo at ang isa naman ay may hawak na balde, siya siguro ang nagbuhos sakin ng tubig para magising ako… kinuha ng babaeng nasa harap ko ang latigo sa isang lalaki at lumapit sakin.. nalaki ang mata ko ng marealize kung ano ang gagawin niya..oh no..my precious skin…tsk RC ngayon mo pa inisip ang balat mo? Letse naman oh hindi nga ako sinasaktan nina mama tapos siya ang lakas ng loob na saktan ako.

*swing* (sound effect yan ng latigo na nagsway sa hangin walang kokontra.☺)

“hmmmmm” sigaw ko ng maramdaman ko ang pagdampi ng latigo sa likod ko. May suot akong damit pero pakiramdam ko tumagos lang yung taligo sa damit ko at deretso sa balat ko..ilang ulit niya pang ginawa yun tanging pagungol lang sa sakit at ang umiyak ang nagawa ko…pumunta siya sa harapan ko na may ngiting tagumpay.. tinanggal niya ang tape sa bibig ko, kulang na lang sumigaw ako sa sakit sa paraan niya ng pagtanggal sa tape.

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon