CHAPTER 48-LUKE JARED ALONZO

7.4K 142 2
                                    




Nakaupo lang ako sa tabi ng kama habang pinagmamasdan ko ang natutulog na si Alvin isang lingo na kami rito at mula ng una ko siyang makita hindi pa rin siya gumisgising, nagaalala na rin ako. I suffered a lot for just one week, hindi ko alam kung matatagalan ko pa dito. Sa isang lingo nay un wala siyang ibang ginawa kundi saktan ako. kahit anong pilit kong isipin na may sapat siyang dahilan para saktan ako hindi ko maiaalis sa akin na magalit, magalit dahil alam kong sumosobra na siya pero wala akong magawa dahil mahina ako...sana hindi ko na lang nakilala si jacob, sana hindi na lang siya dumating sa buhay ko, sana hindi ko na lang siya minahal. Ang daming sana ng utak ko pero ang puso ko gustong panindigan ang kahibangan ko..nadamay pa ang best friend ko ng dahil sa letseng pagmamahal yan....



"hmmmm." Naramdaman kong gumalaw ng konti si Alvin. Tiningna ko siya at nakitang unti-unti niyang iminulat ang kanyang mata, naupo siya sa kama at inilibot ang paningin sa paligid, nagulat pa siya ng mapadako ang kanyang paningin sa akin. Tinitigan lang niya ako ng matagal at tsaka inilapit niya ang kamay niya sa pisngi ko dahan dahan niyang hinaplos ito, ipinikit ko naman ang aking mata para damahin ang paghaplos niya sa pisngi ko. "anong nagyari?" agad kong minulat ang aking mata at umiwas ng tingin sa kanya. "nasan tayo?" tanong niya.



"hindi ko rin alam." Sabi ko, ayokong tumingin sa kanya dahil nakikita ko lang kung gaano siya nagaalala sakin. Hinawakan niya ang baba ko at pilit iniharap sa kanya. "I'm sorry." Yun na lang ang nasabi ko ng mag tama an gaming paningin.



"bakit ka nagsosorry?"


"kasi ng dahil sa 'kin nasaktan ka, ng dahil sakin nadamay ka pa sa paghihirap ko..ng dahil sakin naiipit ka sa gulo na meron ako." Sabi ko at yumuko.



"wala kang kasalanan. Kung ano man ang situasyon ko ngayon ginusto ko to, hindi mo ako pinilit kaya technically speaking wala kang kasalanan....ngayon sabihin mo, sinong may gawa niyan sayo?" sabay dahan dahan na hinipo ng hintuturo niya ang gilid ng mga sugat sa pisngi ko, napapangiwi at napapaiwas na lang ako ng dahil sa sakit.



"w-wala...wag mo ng pansinin...ang isipin na lang natin ay kung paano tayo makakaalis rito." Tumango naman siya at niyakap ako..


"I will always be right beside you at hindi ko na hahayaan na saktan ka ulit nila."sabi niya habang yakap niya parin ako..bigla na lang bumukas ang pinto ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang pagkakayakap niya sa akin.


"uhh ang sweet niyo naman..."sabi ng taong nagbukas ng pinto.


"ikaw?" sabi ni Alvin na may bakas ng pagkagulat sa mukha niya.


"oh ano naman kung ako? May magagawa ka ba?" at ngumisi pa siya... "gusto ko lang naman makita kayo ngayon dahil siguradong hindi niyo magugustuhan ang mangyayari mamaya." Sabi niya at pinapasok ang isa sa mga tauhan niya na may dalang tray. "mabait naman ako eh kaya papakainin ko muna kayo para naman maging masaya ang paglalaro natin mamaya." At ngumising muli pero sa pagkakataong ito mas nakakatakot ang ngisi niya.



Lumabas na siya ng kwarto at ganun din ang ginawa ng tauhan niya. Kalian ba kami makakaalis sa lugar na to/ siguradong nagaalala na sila, si daddy, si mama, si papa at si mel. Gusto ko na silang makita.



"kumain ka muna para magkaroon ka ng lakas." Sabi ni Alvin habang pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.


***************
Dinala kami sa lugar kung saan kami binugbug noon at gaya ng dati nakagapos ulit kami...gusto ko ng umalis dito, gusto ko ng puntahan ang pamilya ko pero pano?


"ano bang gagawin natin sa dalawang yan? Naiinip na ako ha...ano ba talagang plano mo sa kanila?" sabi ng pamilyar na boses. Boses ng babaeng pumunta sa kwarto kanina, boses ni Melissa.



"wag kang masyadong mainip, bakit di ka na lang mag enjoy habang nakikita mo ang karibal mong nahihirapan." Sabi ng isang pamilyar din na boses ng lalaki..pamilyar ang boses niya ngunit di ko matandaan kung sino ang nagmamayari ng boses na yun.



"tsk... It's better to see her die, nagsasawa na ako sa pagmumukha niya..isa pa ano pang mapupura natin sa kanya? Nailabas ko na ang galit ko sa kanya, now is the time para idispatsya siya.."


"ikaw nakapaghiganti na. ako hindi pa at hindi pa sapat ang ginawa mo para ma satisfy ako."


"bahala ka nga." Sabi ulit nung babae.


"ayaw mo bang makuha ulit si jacob at tuluyan ng mapasayo?" tanong ng lalaki at sa tingin ko ay nakangisi siya habang ginagatungan ang galit ng babae.


"hindi na. hindi ko na siya kailangan..isa siya sa mga taong gusto kong paghigantihan....kung gusto nilang magsama edi magsama sila..magsama sila sa impyerno." Sabi ng babae at wala na akong narinig na ingay maliban  sa pag tsk ng katabi ko.


Maya maya ay lumapit si Melissa sa amin at matalim kaming pinagmasadan lalo na ako.. "pasalamat ka at may kailangan pa siya sayo kung hindi kanina pa kita pinatay." Sabi niya at kinuha ang phone at tila may tinawagan. Lumayo siya sa amin kaya hindi ko na narinig pa ang sinabi niya.,.. nagsisimula na naman akong kabahan, pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.

sinubukan kong igalaw ang tali sa kamay ngunit gaya rin lang ng dati ay sobrang higpit nito... may pumasok namang lalaki, hindi ko makita nag mukha niya ng dahil sa cap niya...


"have you enjoying your stay here?" tanong ng lalaki at itinaas ang ulo niya dahilan para manlaki ang mata ko sa gulat.. bakit siya nadito? Siya ba yung kausap ni Melissa kanina? Siya ba ang may pakana ng lahat ng ito.


"luke." Matigas na sabi ni Alvin. Ngumisi lang naman si luke. "sinasabi ko na nga ba at hindi ka mapagkakatiwalaan." Sabi pa niya


"sino bang may sabi sa inyo na pagkatiwalaan niyo ko?" tanong niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit siya pa? of all people siya pa? "nagulat ba kita RC?" tanong niya at hinwakan ang baba ko para magkaharap kami.


"bakit?" ang tanging nasabi ko, hanggang ngayon ayaw pa rin tanggapin ng sistema ko na kaya niyang gawin to sakin, itinuring ko siyang matalik na kaibigan, pinagkatiwalaan ko siya tapos malalaman ko na siya pala ang may pakana ng pagka kidnap samin.



"bakit? Simple lang, gusto kong bawiin ang dapat ay sa akin..gusto kong kunin lahat ng meron ka na pinagkait sa akin, ipinagkait ng magaling mong ama at oras na ng paniningil." Sabi niya sa nakakatakot na tono.. "ayoko naman patayin ka ng wala kang alam kaya pagbibigyan kita..ask everything you wanted to ask and I will answer it whole heartedly." Sabay hawak sa dibdib niya na parang dinadama ang kanyang puso.


Mukhang wala na nga talaga akong magagawa, ito na nga ba ang katapusan ko? Kung ganun lulubusin ko na ang pagkakataon. "sino ka ba talaga?" sabi ko na pilit pinapakalma ang boses ko pero deep inside para na akong magkocollapse sa kaba.



"gusto mo ba talagang malaman?" seryoso niyang tanong habang naupo sa couch na nasa harap namin. Marahan akong tumango. "o sige, ako si luke jared Alonzo, o mas tamang sabihin kong luke jared Alonzo Dela Fuente." Nagulat ako sa huling sinabi niya...ibg sabihin.. "yes, technically speaking we're sibling pero unfortunately we're not and we can't." humarap naman ako sa kanya na parang nagtataka pa. sinabi niyang magkapatid kami pero binawi rin niya agad. "wanna know why?" tumango ako ngunit wala pa ring boses na lumabas sa labi ko.


"let me tell you a story. There is a guy who happened to have a beloved girlfriend and that girl love the guy so much that she can give herself for that guy. One day they became intimate, the girl bear a child in her womb but the time she told the guy she's pregnant, the guy was already married." Tumigil siya sandali, huminga ng malalim bago ipagpatuloy ang sinasabi niya. "the girl was really depressed knowing that the guy he love, love someone else. She decided to take care of her child alone. She gave birth to a baby boy. Years passed the girl became weak, she told everything about the guy she love to her son. She ask her son to find his father but since his too young he can't do what his mother told him. Later on the mother of this young boy died leaving him a task to find his father so that someone will take care of him.. the boy tried everything in order to live, when he got the chance to find his he took that chance but when he saw his father and he told him that he is his child, he push the child away and told him, 'I don't have any child aside from my Elaine. The boy leaves his father with a big hatred in his heart and promise that he will never ever take him as a father. The end."  Sabi niya. Hindi man niya direkta sinabi kung sino ang nasa kwento niya alam kong siya yun. at yung Elaine na sinabi niya sigurado akong ako yun... kaya pala magaan ang loob ko sa kanya, kaya pala madali akong nagtiwala sa kanya.



"I planned everything, sa bawat pagkikita natin lahat yun planado why? Because I want to find his vulnerability and it happens to be you." Sabi niya at tumayo na. "gusto kong maranasan niya nag mawalan ng minamahal.... Gusto kong maramdaman niya kung paano itakwil ng sariling kadugo.." seryoso siyang nakatingin sakin. I feel sorry for him. Hindi ko alam na ganon pala ang ginawa sa kanya ni daddy.



"hindi ko alam.."



"paano mo malalaman eh puro pagpapakasaya lang naman ang alam niyo.. he gave you everything you need, you want but me?anong binigay niya? Sakit dito."sabay turo niya sa dibdib niya. "you really don't know, you don't know how it feels, you don't know how much pain I bear in my whole life." Madiin niyang sabi, I know pati siya sinisisi ako sa sakit na naranasan niya..


Wala akong maisip na kahit anong sasabihin dahil hindi ko naman talaga alam ang pinagdadaanan niya.


"oh? Can I call it a reunion?" tanong niya kaya napaangat ang ulo ko.


Rumehistro sakin ang matinding kaba. Ano ba talagang plano niya? "daddy?" tanging nasabi ko ng makita kung sino ang dala ng mga tauhang niya. Agad naman siyang tumakbo sa pwesto ko para mayakap ako ngunit hindi pa siya nakakalapit sakin ay agad na siyang hinarang ni luke.


"not so fast victor." Sabay ngisi niya.



"walang hiya ka. Ano bang kailangan mo?" sigaw niya kay luke,



"kailangan ko?revenge.simple as that." Bumaling siya sa mga tauhan niya. "itali na to." At agad namang tumalima ang mga tauhan niya. "I'll give you time to talk bago kayo tuluyang magkahiwahiwalay." Sabi niya at tumalikod na. sinenyasan niya ang mga tauhan niya, mukha namang naintindihan nila ito dahil nakita kong tumango sila sa kanya.


"anak okay ka lang ba?" tanong ni daddy na halos maiyak iyak. Hindi siya makalapit dahil iginapos siya malayo sa amin. "pagbabayaran nila ang ginawa nilang ito sayo."



"daddy." Tawag ko sa kanya, gusto kong malaman kung totoo nga ba lahat ng sinabi ni luke sa akin.


"Princess?" sagot niya.


"totoo ba?...anak niyo ba talaga si luke?" tanong ko at tiningnan kung ano ang itsura niya. Tila nagulat pa siya sa tanong ko, anong ibig sabihin nun? "sabihin niyo ang totoo anak niyo ba si luke jared Alonzo?" tanong ko pa pilit mang pigilan ko ang luha ko pero wala eh hindi ko kaya, tuluy tuloy na bumagsak ang mga luha ko.



"hindi ko alam." Sagot niya at tumungo.



"hindi mo alam? He said, he's your son from your ex girlfriend.......... He says you dump him after he confess being your son." Mahinahon kong sabi, tahimik lang si daddy na parang nagiisip. Ano namang dapat niyang isipin?bakit di na lang niya aminin kung totoo? Bakit kailangan pa niyang talikuran ang sarili niyang anak? Akala ko noon, he's the best father that someone could ever have but it turn out to be a big mistake. Hindi ko akalain na kaya niyang itakwil ang kapatid ko.. "this is unbelievable, hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman niya? Hindi mo man lang ba naisip na galing rin siya sayo pero nagawa mo siyang itakwil... gagawin mo rin ba yun sakin?"hindi ko napigilang tanong sa kanya.


I hate to admit it, pero hindi ko mapigilang isipin na wala siyang kwentang ama, kung sa akin naging mabuti siyang ama pero sa kapatid ko nagawa niyang magpaka jerk..ang sakit, kahit na alam kong hindi ganito sakin si daddy masakit pa rin para sa kapatid ko. How could he... "no, I love you so much that I can't let you feel hurt." Sabi niya ng mag angat siya ng tingin. "hindi ko alam na anak ko siya, hindi ko matandaan kung kelan niya ako inapproach, pero isa lang ang alam ko. Kung sakali mang anak ko siya, hinding hindi ko magagawa sa kanya yun.." sabi ni daddy bakas sa mukha niya ang pagkalito. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kung paniwalaan.. is he even telling the truth? Is luke lying? Ano ba talaga ang totoo? Hindi na ako makapag isip ng maayos. I don't know what to think right now all I know is it's painful, everything  I heard now was all painful.

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon