CHAPTER 16-NOT TOTAL STRANGER

9.6K 174 2
                                    

"mu.....mma" sabi ng eight months old na bata habang karga siya ng mama niya na tuwang tuwa sa first word ng baby nila.

"papa narinig mo yun? First word ni baby" tuwang tuwa na sabi ng babae sa kanyang asawa.

"ai ang daya bakit mama ang una niyang binigkas" naka pout naman na sabi ng lalaki habang nilalaro ang kamay ng baby. "sa papa baby,pa....pa"

"mu.....mma" ulit ng baby

"hahaha sorry papa, mama talaga una niyang word..." sabi ng babae

"okay lang baby love ka naman ni papa eh kahit si mama ang love mo, ilove you baby, ilove you mama" sabi ng lalaki na nakangiti at hinalikan sa noo ang kanyang baby pati na ang kanyang asawa

Madilim ang kanilang mukha na parang anino tanging ang mga ngiti nila ang makikita sa kanilang mukha pero ang boses ng babae parang minsan ko na siyang narinig pati na rin ang ngiti nung lalaki.

"we love you too papa" sabi naman ng babae

Biglang dumilim ang paligid at nakita ko yung magasawa sa isang kotse hindi nila kasama yung bata naguusap lang sila tungkol sa nangyaring date nila para sa kanilang anniversary.

"thank you mama for this sobrang mahal kita at nag enjoy din ako sa date natin. Happy anivversay ulit." Sabi ng lalaki na madilim pa rin ang mukha pero mababakas sa boses niya kung gaano siya kasaya sa buong araw na magkasama silang mag asawa.

"ako din papa sobrang saya ko din sa araw na to, happy anniversary papa I love you." Sagot naman ng babae at hinalikan niya ang asawa sa pisngi dahil nagddrive ito. Maya maya napansin ng babae na parang nabalisa ang lalaki kaya tinanong niya ito kung ano ang problema "papa anong problema" nagaalala na rin niyang tanong.

"nawalan tayo ng preno delikado to.." labis na ang kaba na nararamdaman ng magasawa ng may biglang sumulpot na malaking truck sa harapan nila pilit nilang iniwas ang kanilang sasakyan na mahagip ng truck pero sa pagiwas nila ay babangga sila sa isa pang sasakyan sa harap nila wala ng magawa yung lalaki dahil hindi rin nagfufunction ang break ng sasakyan, kaya inalis na niya ang kanyang seatbelt para iligtas ang kanyang asawa pero sa kasamaang palad ay nag stuck ang seatbelt niya... "urgh mama..." tiningnan niya ang asawa at pilit parin niyang inanaalis ang seatbelt niya hanggang sa makakita sila ng nakakasilaw na liwanag....

"WAG...." Hinganl na hingal akong napabangon sa kama ko.. panaginip...masamang panaginip.

Sino ba sila bakit sila ang nakikita ko sa panaginip ko at yung babae parang pamilyar yung boses niya..nakarinig ako ng mga yabag na nagmamadali sa pagpunta sa kwarto ko tiningnan ko yung pinto ng kwarto ko at iniluwa nun ang aking mama, papa at kapatid na si mel agad lumapit sakin si papa at hinawakan ang magkabilang pisngi ko

"okay ka lang ba anak? Anong nangyari?"nagaalalang tanong ni papa di ko masagot yung tanong niya dahil hanggang ngayon kinakapos pa rin ako ng hinga at sobrang pinagpapawisan...inabutan ako ni mama ng isang basong tubig

"oh anak inumin mo to para kumalma ka." Pagkatapos kong inumin yung tubig tinanong nila ako kung anong nangyari sakin

"panaginip ma. Isang car accident di ko alam kung sino sila pero natakot ako bigla... pakiramdam ko ako yung nasa aksidente. Di ko Makita yung mukha nila....ma natatakot ako.." lumapit na din sakin si mel at inaalo ako

"tahan na ate walang mangyayaring masama.." pagaalo niya "wala naman tayong kotse nuh kaya wag ka nang magalala" biro niya na nakapagpagaan ng paligid...

Tumawa na lang din sina mama at papa "oo nga naman kung sino man yung nasa panaginip mo tiyak akong wala satin yun...." Sabi ni papa.

"at saka kabaligtaran ng pangyayari sa realidad ang sa panaginip kaya wag ka ng magalala...bumaba na tayo para makakain na tayo ng agahan" sabi ni mama at tumayo na sila dumereto naman ako sa banyo para mag ayos ng sarili pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush lumabas na rin ako ng kwarto ko

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon