Chapter 23:Ang pagbabago sa buhay ni minnah

219 16 2
                                    

¤Minnah🙆

"Sure ka bang dito ka na lang minnah? Hindi ba delikado na mag-isa ka na lang diyan sa bahay niyo?"tanong ni ate monica.

Oo nga pala,nagpahatid ako sa condo kanina para kunin na ang lahat ng mga gamit ko doon.

Nag-iwan na rin ako ng note sa kanila para naman hindi sila mag-alala saakin.

Pagkatapos nun,tumungo na ako sa dati kong bahay. Bahay namin ni mama.

"Opo. Isa pa ate monica kayang-kaya ko naman mag-isa."

Pinilit kong ngumiti sa kanya ngunit ang totoo niyan ay nalulungkot talaga ako. Natatakot akong mag-isa nanaman. Siguro dahil nasanay akong maraming kasama.

"Uhm...ate monica.."

"Yes minnah?"

"May hihilingin sana ako..."

"Sige,kahit ano."

"Pwede bang secret na lang natin to?"

"Pero bakit?"tanong niya.

"Alam mo naman diba ang sitwasyon ko?"

Oo,ikinuwento ko na rin sa kanya ang problema ko.

"O sige. Pero.."

"Dalawin mo ako dito paminsan-minsan ate monica ah? At kamustahin mo naman ang mga daddies ko at manager san para saakin ah?"inunahan ko siya.

"Minnah..."

"Gabi na ate monica. Sige na,umuwi ka na. Baka mag-alala pa sayo si daddy blue niyan eh."paalam ko sa kanya pagkatapos ay tumalikod na sa kanya.

Naiiyak ako.

"Minnah!"muli niyang tinawag ang pangalan ko.

Napahinto lang ako ngunit di ko magawang humarap sa kanya.

"Okay ka lang ba?"tanong niya.

Napa-okay sign na lamang ako.

"O sige...goodnight.."huling sinabi niya bago umandar ang sasakyan niya.

Iniangat ko ang tingin ko sa aming bahay.

Mag-isa ka nanaman minnah. Sa madilim at walang kabuhay-buhay na bahay na iyan.

"Welcome home saakin."mahinang sambit ko sa aking sarili bago tumuloy.

Simula ngayong araw,mabubuhay na akong mag-isa.

Pagkalipas ng isang linggo at 3 araw.

🎶Women are the best
present present
my real wish is
only you only you
if it’s you, I’m ok
oh I can’t resist everyday
front, back, all the best
from head to toe, best best
la la la la la la la la la
Your fronts are the best🎶

Teka,Familar ang music na yun ah.

Gosh!

"Minnah! Minnah! Andyan na ang aspire! Dali!"sigaw ni manag celia mula sa labas na nagiging fan na ng aspire dahil saaken.

"Talaga ho?!"napatayo ako mula sa kinakaipuan ko.

Bahala na muna mga lalabhan ko diyan ang mahalaga ay mapanood ko ang replay comeback ng aspire!

Tumakbo ako papunta sa tindahan upang makinood and yes! Gosh! Naabutan ko pa!

🎶Your behinds are the best
la la la la la la la la la
from head to toe, best best
la la la la la la la la la
Your fronts are the best, Your behinds are the best
la la la la la la la la la
even all the steps you take  are the best best🎶

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon