Chapter 8:Ang hindi inaasahang pagkikita.

208 16 0
                                    

¤Chad

Kinakabahan akong hawakan ang door knob.

Gusto kong umatras at hanapin si minnah ngunit may parte ng katawan ko abg nagsasabing huwag at hayaan na lang.

Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.

Ano ba ang dapat na gawin chad?

Napabuntong-hininga ako.

Ano ba talaga ang tama?

Lord,bigyan niyo po ako ng sign.

Bahala na nga.

Binitawan ko ang door knob at saka humakbang pabalik kay minnah.

Ngunit bago ko pa man iyon magawa ay bigla na akong pinogilan ng boses ni wim.

"Chad! Saan ka pupunta?"

Gusto kong sumagot ng  "kay minnah."

Pero...

Naduwag ako..

"Uhm...wala..nalaglag ko kasi yung 500 ko,hinahanap ko lang.."pangangatwiran ko.

"Ah..pagkatapos mong hanapin yung 500 mo,pumasok ka na sa loob. Maaga pa daw ang practice bukas."

Napatango na lamang ako.

Wala na akong magagawa.

Yung sign,sinabi niya na kung ano ang dapat gawin.

Sana...

Sana lang..

Sana walang masamang mangyari sayo minnah..

Patawad..

¤Hazumi

Kanina..

Sa mall..

Akala ko,panghihinaan naman ako ng loob..

Akala ko..masuduwag nanaman ako...

Pero ang saya ko..

Ang saya-saya ko...

"Nagawa ko siyang harapin ate..nagawa ko.."bulong ko sa litrato ni ate.

Umiiyak ako na tumatawa na parang ewan. Buong buhay ko,ninais kong makita si chad ulit pero di ko nagawa pero ngayon...

..nagkaroon na ako ng lakas para harapin siya..

At isisi sa kanya ang lahat-lahat..

"Hazumi?"

Napalingon ako kay mayu na bestfriend ng kapatid ko.

"Oh,umiiyak ka nanaman. Iniiyakan mo naman si Ate Izumi."

"Masaya lang ako mayu. Wag mo akong alalahanin."

"Aish! Bakit naman di kita alalahanin? Eh bestfriend kita? Tulog ka na ah."

Napatango na lamang ako sa kanya.

Pagkatapos niyang umalis at maisara ang pintuan ay ipinatong ko ang picture frame sa lamesita sa gilid ng kama ko at saka tumayo.

Hindi ko pa balak matulog kasi hindi pa ako inaantok at isa pa,gusto kong makapag-isip.

Sinuot ko ang jacket ko saka lumabas ng condo. Balak ko sanang bumili ng alak sa convenience store at maglasing sa park.

Nanaman.

Ito kasi talaga ang ginagawa ko kung nadedepress ako.

Habang naglalakad papunta sa park..

"Daddy chad,asan ka na ba?"

Ay may bata akong nakitang humahagulhol sa daan.

Teka,gabi na ah.

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon