Chapter 47:

21 1 0
                                    

"Nervous?"

Nilingon ko isang pamilyar na boses. It was Chad.

I nodded with a smile on a face tapos tinapik-tapik niya ang braso ko.

"I didn't expect that you'll come here."sabi ko sa kanya.

"I think we deserve to come here. May invitation card kami eh." another voice answered, it was kris with Jin in a pink suit.

"Myungji--Andrew, we missed you. Di pa namin alam yung rason kung bakit ito ang pinili mo pero no matter what you choose, we will accept it." dagdag pa ni Chad.

"Tama ka. We have to move on already. Wala na rin namang magbabago" Mon, who was the best man added.

CHAPTER 47: The marriage

"Wim, bumangon ka n--"

Napahinto si Blue nang biglang may masipang bote ng alak. Napabuntong hininga ito saka tiningnan ng nakakaloko si Wim na nakaratay pa rin sa kama.

"Wim, ayusin mo nga ang sarili mo. Ilang araw ka nang ganyan. Go wash yourself up bago pa man mag umpisa ang kasal."iritang ani ni Blue ngunit ungol lang ang sagot nito.

"Wi--"

"Just leave me alone Blue."

Sinapo ni Blue ang kanyang noo. Akmang tatawag na sana siya kina Chad nang bigla niyang marinig si Wim na humihikbi.

Sa totoo lang ay naaawa na ito sa kaibigan ngunit wala siyang magawa. Wala silang magawa. Lalo na nang madatnan nila ang si Wim na naglaslas.

Kung para sa kanila ay masakit, triple ang naging sakit nito kay Wim. Para siyang binabangungot. Durog na durog. Ayaw kumain, madalang magsalita.

Naupo si Blue sa paanan ng kama ni Wim at saglit na tumahimik. Di niya alam kung ano ang kanyang sasabihin para makumbinsidong sumama si Wim sa kasal ni Myungjin.

Kung hindi lang talaga sa plano nila, hindi niya naman pipilitin si Wim eh pero kailangan nilang makumbinsi si Myungjin natanggap na nila ang totoo para malaman ang buong katotohanan at para hindi na rin maghinala si Mon na alam na nila ang lahat.

"You should come. Minnah was waiting for you there. Iiwan ko na lang ang invitation card saka yung suit mo diyan."ani ni Blue bago tuluyang umalis sa kanyang kwarto.

Di nagtagal ay unti-unting bumangon si Wim sa kanyang higaan at nanginginig na damputin ang invitation card saka ito galit na pinunit.

Padabog niyang dinampot ang kanyang cellphone nang bigla itong nagring. He was called 22 times by Chad and 3 missed calls from an unknown number. Agad niyang dinial ang unknown number at agad naman itong sinagot.

"Who the hell are you? Stop ruining my life!"

[Stop ruining your life? But you ruined your life Wim. Sampung taon na ang nakakaraan. Kulang pa yan para sa pagpatay saakin.]

"Casey Chang..."gulat at halos pabulong niyang wika.

[Today is my wedding day. Did you already receive my invitation card?]

Napayukom si wim ng kanyang kamao at hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon. 

[Your friends are already here. Want to see them alive?]

"CASEY CHA--"

Napasuntok na lamang si Wim sa pader nang bigla itong patayan ni Casey. Dali-dali siyang kumilos at pumunta sa simbahan. Habang nagmamaneho ay  pilit niyang tinatawagan ang kanyang mga kaibigan ngunit ni isa rito ay walang sumasagot.

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon