Chapter 20: Ang galit

196 14 5
                                    

Presscon.

¤Minnah

Gaya ng napag-usapan sa mga rules,sumama ako kina baku ngayon sa presscon pero hindi lang daw ako sasabay kasi baka may makakita saakin.

Sabi ni daddy mon,kay manager san na lang muna daw ako sasama.

"Bagay na bagay sayo ang damit na binili ko."puri ni daddy jin saakin nang matapos niya na akong ayusan.

Minsan,naisip ko...hindi kaya sumanib si mama sa katawan ni daddy jin?

O di kaya'y baka naman baekla siya? 0_0

Hindi naman siguro.

"Wow! Bagay na bagay nga sayo ang damit mo!"natutuwang puri din ni daddy chad. "Jin,sa tingin ko dapat mas ramihan pa natin ang pagbili ng damit sa kanya"

Sana hindi lang pink please.

"Oo nga,ang ganda niya sa suot niya."puri naman ni daddy blue.

"Matagal na ho akong maganda"sabi ko sabay flip ng hair. Oh diba? Tuhray!

Napatawa na lamang sila.

"Ikaw wim,anong tingin mo sa kanya?"tanong ni daddy mon sa kay baku.

"Okay lang. Kutong hampas lupa pa rin na kulay pink."

-_-'

Kontrabido! Hmp. Kala mo naman gwapo -_-

"Teka,asan nga pala si myungjin?"tanong ni baku.

Oo nga ano,asan si daddy mj? Pagkakaalam ko,madaling araw na siyang umuwi.

"Yiee! Myungwim is real na talaga!"panunukso naman ni daddy kris habang masayang kumakain ng saging.

Seryosong tanong. UNGGOY BA TALAGA SI DADDY KRIS?!

"Wag kang ano diyan kris. Baka pati balat ng saging ipakain ko sayo."matingkad na sabi sa kanya ni daddy blue.

"Eto naman! Kung nagseselos ka,edi sayo na si wim or si myungjin. Teka,sino bang type m--ouch!"

Isang palo ho ng balat ng saging sa mukha ni daddy kris.

"Kung wala kang sasabihing maganda,tumahimik ka na lang."

"Azul ha! Sumusobra ka na saakin ha! You hurt my feelings! You broke my hearteu!"

Hinawakan niya ang dibdib niya at pakunwaring nasasaktan.

"Bakit? May puso ka ba?"pambabara sa kanya ni daddy blue.

"Ay grabe siya oh,saging nga may puso. Ako pa kayang gwapo lang?"

"Matsing kamo"-daddy blue.

Napatawa na lang kami sa kanilang dalawa. Ang cute nila eh. Bagay nga sila.

Hoy di bagay na magshota ha! Bagay na magbffs lang. #krizul

"Tumawag na nga pala si manager san, mauuna na raw tayo sa presscon. Susunod na lang daw siya."ani ni daddy myungjin.

"E paano si minnah?"tanong ni daddy mon.

"Susunduin niya na lang daw si minnah."nakangiting tugon niya.

Nagsimula na silang kumilos palabas habang ako,hinihintay ko lang si manager san.

Naunang lumabas si baku. Naiinip na raw kasi ito. Sumunod naman si daddy mon at daddy blue. Tapos sina daddy chad at daddy kris.

"Oh minnah,mauuna na kami ha? Hintatin mo na lang si mama san mo."paalam ni daddy jin saakin.

Still,malungkot pa rin ang mga mata ni daddy jin na nakatingin saakin.

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon