Chapter 18: Ang provlema ni daddy jin

166 14 4
                                    

¤Minnah

"Oh minnah,andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."

Napalingon ako kay daddy blue na bigla na lamang nangugulat mula sa likuran ko.

"Gabi na. Ano pang ginagawa mo?"tanong niya saakin sabay napaupo sa tabi ko.

Kung saan kami? Nasa balkonahe ng condo,nagpapahangin.

Mula noong tumira ako dito,dito na ang pinagtatambayan ko lagi. Bukod sa fresh air,maganda rin kasing pagmasdan dito ang mga bituin. Naaalala ko tuloy yung mga kinukwento ni tita andi tungkol sa mga bituin. Hays.

"Nagpapaantok lang po."simpleng sinagot ko sa kanya.

"Diba yun ang trabaho namin ni mon? E bakit ka pa nagpapaantok?"tanong niya ulit.

"Alam ko pong pagod kayo. Kaya,bukas niyo na lang po gawin. At balita ko maaga pa ang presscon niyo bukas kaya matulog na ho kayo."sagot ko naman.

"Mamaya na konti. Hindi pa ako inaantok"

Oh,himala ata na hindi pa 'to inaantok? Prince tulog to eh.

"Di nga?"paninigurado ko. Di kasi ako makapaniwala ano.

"Bakit? Himala ba?"tanong nanaman niya.

Napatango ako.

Napatawa naman siya ng kaunti ngunit di naglaon ay sumeryoso na ang mukha niya.

"Alam mo,simula noong dumating ka dito,napakarami na ang nagbago. At kasama na don si wim."

"Daddy blue,pwede niyo po ba ako kwentuhan tungkol kay baku? At pati na rin kayong lahat. Gusto ko pa kasi kayong makilala."

Wala kasi talaga akong alam sa kanila lalo na kay baku. Meron nga,kasinungalingan naman.

"Sige,magtanong ka."

Hmm...ano bang itatanong ko?

"Paano ba kayo nagkakilalang lahat?"

Napatitig siya sa langit.

Omp! Don't tell me,nagkakilala sila dahil sa langit? Jusko.

"Ang totoo niyan,magscho-schoolmate lang kami. Well,maliban na lang kay mj at mon. Si MJ kasi,sa korea siya nag-aral. Si Mon naman,sa london. Pero lumipat din naman silang dalawa dito sa pinas. Si mon,naging classmate ko pero si MJ,taga-ibang school siya. At di naman talaga namin kilala si MJ,tanging si Wim lang nakakakilala don. Bestfriends kasi sila."

Ah,bestfriends pala sila? Bakit parang di halata?

"Tapos nagkaroon ng audition sa entertainment nila wim. E magbabarkada na kami? Kaya kami ang kinuha ng lola niya. At doon nabuo ang aspire."

Mayaman pala si baku? At may lola pala siya. Omo,baka kasing-taray din ni lolita miranda. *O*

"Ano-ano naman po ang mga hobbies niyo?"tanong ko.

"Well,ako gustong-gusto ko magsulat ng kanta. Ako nga ang nagsusulat ng kanta para sa aspire e. Maliban pa don,halatang ang favorite ko pang hobby ay matulog."

"Eh sina daddy myungjin? Daddy Kris? Daddy chad? Daddy mon? Daddy jin? at baku? Anong mga hobbies nila?"

"Si myungjin,hilig niyang mag-drawing. Kung ano-ano nga yang dino-drawing niya e. Si Kris naman,hilig niyang sumayaw. May music man o wala. Si chad naman,hilig niya ring sumayaw pero ang favorite hobby niya,ang magpaiyak ng babae. Si Mon naman,mahilig magbasa. Minsan naman nag-susulat din siya ng kanta. Si Jin naman.."

Luminga-linga muna siya.

"..Mahilig yan magluto dati."bulong niya saakin.

"Hindi lang basta luto ano. Masyadong masarap yung mga niluluto niya. At kahit na sino,walang tatalo don. Kahit na si manager san na tinuruan niya na dati. Pero,sad to say,magmula noong nagbakasyon siya dati sa isang lugar,pagbalik niya,nakakapagtaka na di na siya marunong magluto. O mas tamang sabihin na di na siya nagluluto. At alam mo ba,kapag sasapit ang buwan ng mayo,umaalis yan si jin ng di nagpapaalam. Di namin alam kung saan siya pumupunta pero umiiba talaga ang aura niya.Malihim din yan si jin e. Katulad ng daddy mo. Yan si wim,paiba-iba ang mood niyan. Minsan masaya,minsan mabait,minsan masungit. Kapag tumatahimik yan,ibig sabihin may iniisip nanaman yang malalim."

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon