Chapter 49:

16 0 0
                                    

Sinapo ko ang noo ko nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo nang sinubukan kong makatayo sa aking higaan.

Iniikot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Kung hindi ako nagkakamali, nasa hospital ako. Napatingin ako kay Minnah na nakatulog sa paanan ng kama. Umarko ang ngiti sa labi ko nang mapanatag ang loob kong ligtas siya mula sa pagkakabaril.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan saka ko hinaplos-haplos ang mahaba niyang buhok. Nadisturbo ko ata ang oagtulog nito nang bigla siyang maalimpungatan.

"Baku buti naman at nakagising ka n--"

Hindi ko na napigilan ang sarilu ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Tumugon naman siya. Hinaplos-haplos niya pa nga ang aking likod.

"Baku?"

"Hmmm."

"Pahingi ng pabor."

"Anything baby."

"Can you fulfill my promise to my mom? Take good care of my mommy and to the rest."

"Let's take good care of them together." ani ko saka ko siya tiningnan. She just smiled at me, tipid tapos tumayo siya sa kanyang kinakaupuan at saka lumabas ng pintuan.

Sinundan ko naman siya at paglabas ko sa pintuan ay nakita ko ang isang magandang hardin na punong-puno ng makukulay na bulaklak.

"Minnah!"

Napahinto siya saka niya ako nilingon. Tears were falling from my eyes when she waved at me. After, she turned her back on me saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

Dahan-dahang tumulo ang luha ko. Biglang sumikip ang dibdib ko. I couldn't move my feet para sundan siya na para bang nakadikit ito sa pintuan. When I called her again, hindi niya na ako nilingon pa bagkus ay unti-unti siyang nawala.

"Minnah!"

Bigla akong nakaramdam ng pananakit sa braso ko nang bigla akong nakagising. Afterall, I'm glad that it was just a dream.

"Wim, dahan-dahan. Yung sugat mo." ani ni Blue na akmang tatayo sa couch.

"Where is Minnah? Okay lang ba siya?"

Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong hinila ng dextrose na nakakabit sa kanang kamay ko.

"Wim, ano ka ba! Sabing dahan-dahan, gusto mo bang maputol ang dextrose?" iritang sabi nito saka ako nilapitan. "Calm down first and don't move too much."

"Blue, i need to see my daughter! Where is Minnah?"

"Wim, maraming dugo ang nawala kay minnah. Nasa operating room pa rin siya. Medyo malalim rin kasi ang tama ng bala sa kanya."

Hinila ko ang dextrose na nakakabit sa kamay ko saka ako dali-daling lumabas ng kwarto. Naririnig ko pa ang sigaw ni Blue ngunit hindi ko 'to pinapansin.

Nang makaabot na ako sa kanto ng OR, unti-unting naging mabagal ang mga yapak ko. Nakita ko si Casey na umiiyak habang pinapatahan ni MJ. Tahimik lang din na nakaupo sina Chad, Mon, Kris at Jin.

"Wim, anong ginagawa mo dito?" alalang pagpuna saakin ni Chad ngunit patuloy lamang ako sa paglalakad papunta sa doktor.

"Wim.."-MJ

"Doc, kumusta na po ang pasyente?" diretsong tanong ko. "I am the father of the child."

"Masyadong marami ang nawalang dugo sa anak niyo. B+ is a rare blood. Unfortunately, walang may nagmatch na blood type sa--"

"Doc,  B+ po  ako. Take my blood."

"Wim, you can't. Andaming dugo rin ang nabawas sayo."

"Casey, anak ko rin si Minnah. Kahit man lang ito lang, dito lang ako makabawi sa lahat ng pagkukulang ko."

"But sir, if you donate your blood, I'm afraid that your life would be at risk."

"It's okay. Please settle this now before my child dies."

CHAPTER 49:RECONCILATION


"San, why did you do this?" tanong ni Monica kay San na kanina pa nakatulala.

"San, I didn't know you would able to do this. I thought I know you already but it seems like you are still a stranger to me."

Akmang tatayo na sana si Monica sa kinauupuan niya nang bigla naman siyang hawakan ni San sa kamay.

"Hindi ko sinasadya. Si Casey lang naman ang gusto kong patayin. I didn't know that Wim and Minnah will cover for them."

"But why? Why do you want to kill Casey? Why did you do this to Casey? She was our friend. She was your bestfriend."

"To be honest, I was the one who suggested the CEO na ilagay si Casey sa Asylum. Ako rin ang nagsuggest na ipaabort yung anak niya. I was also the one who told everyone na buntis siya kaya siya napatapon sa industry. I am also the one who drugged her and myungjin para magkaroon siya ng scandal at ako ang makakuha ng slit para sa solo artist. Kasi diba sa ating lahat siya naman yung magaling? Siya naman yung outstanding. Nasa kanya na ang lahat. She was the apple of the eye. Nasa kanya rin ang attention ni Wim. I'm a beast." she said and started crying.

Hindi alam ni Monica kung maaawa ba siya o maiinis o magagalit. But she suddenly slapped San.

"You don't deserve our friendship. You also don't deserve Jin and Wim."iritang sabi niya. "Who will thought that you' ll be the villain? If I were Casey, i will kill you pagkalabas ko pa lang ng asylum. Alam mo yung masakit don? Kasi ang daming nagmamahal sayo kaso sinayang mo. Sinayang mo lahat San. And I think...you deserve to stay here."

"Monica, sandali!" pigil nito nang tinalikuran na siya ni Monica.  "Can you please do me a favor? Please...please tell them I'm sorry."

Hindi siya nilingon ni Monica. Hindi rin siya nagsalita pa. Tuluyan na siyang lumabas at sa pinto umiyak.

Bago sumakay ng taxi ay muli niyang nilingon ang Mental Hospital,

"Sanantha, I hope you'll recover soon." she uttered.

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon