Chapter 21:Ang rebelasyon

186 16 7
                                    

¤Minnah

Napatingin ako sa isang babaeng nakaputing dress na hanggang tuhod lang ang haba. Hindi ko ito agad nakilala dahil naka-mask ito ng puti at hanggang leeg lang ang haba ng buhok.

Ngunit nang tinanggal niya ng paunti-unti ang mask na suot niya ay agad nanlaki ang mga mata ko.

"Ate Izumi?!"

Halos napatingin saakin lahat ng tao doon nang di ko mamalayang napakalakas pala ng pagtawag ko sa kanya.

Nagbow na lang ako at nagsorry.

Nga pala,hindi nakulong si ate izumi kahit na nagtangka siyang patayin si daddy chad. Pinakiusapan ko kasi si mama san na wag na lang magsampa ng kaso sa kanya ngunit kapalit nito ang paglayo niya saamin.

Isa pa,nagpromise naman siya saakin na hindi niya na uulitin ang ginawa niya. At may tiwala naman ako sa kanya.

"Sssshhh! Wag kang maingay! Baka madumog tayo ng mga tao dito."pabulong na sabi nito.

Lumabas na lamang kami ni ate izumi sa hall at tumungo sa parking lot at umupo sa isang bench doon.

"Kamusta ka na minnah?"bigla niyang tanong.

"Okay lang po ate izumi. Ikaw po?"

"Eto,okay lang din. Andito nga pala ako para humingi ng tawad at magpaalam na rin sa aspire."

"Aalis ka? Pero bakit?"

Napangiti siya saakin.

"To move on. At para magkaroon ng bagong buhay sa japan. Naisip ko lang na kapag aalis ako ng bansa at magfofocus sa inaplyan kong trabaho doon ay baka sakali...baka sakaling makalimutan ko ang lahat at masanay na nag-iisa na lang talaga ako."

May lungkot ang mga tinig ni ate izumi. Kahit ako,nalulungkot rin :(

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Hindi ka po nag-iisa ate,andito po ako lagi para sainyo."nakangiting sabi ko sa kanya.

Napayakap siya ng mahigpit saakin.

"Thankyou minnah. Thankyou."

"MINNAH!"

Napahiwalay ako kay ate izumi nang marinig ang napakalakas na pagtawag saakin ni manager san.

Galit na galit siyang lumapit saamin.

"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpupupunta at bakit kasama mo itong babaeng ito?"

"Mama san--"

"Halika na!"

Hindi ako nakapag-paalam ng maayos kay ate izumi dahil bigla na lamang akong hinila ni mama san.

"Mama san,aray po! Masakit!"pag-aangal ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinapansin.

"Mama san! Masakit po!"pag-aangal ko ulit.

Hinarap niya ako.

"Masakit? Masakit?!"

Sa wakas at binitawan niya na ang kamay ko. Namumula nga ito at may daan pa ng kuko.

"Mama san..."

"Wag mo akong tatawaging mama! Hindi mo ako nanay!"pasigaw na sabi nito.

Buti na nga lang at napunta kami ni manager san sa likod ng hall kung saan walang masyadong tao.

Nanginginig ngunit dahan-dahan kong iniangat ang mga kamay ko upang hawakan ang kamay niya ngunit iniwagsi niya ang kamay ko sabay sabing,

"Umalis ka na sa buhay ko,sa buhay ng aspire at sa buhay ni wim!"

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon