Chapter 19: Ang DNA Result

183 15 3
                                    

¤Manager San

Ayan na..

Malalaman ko na..

Konti na lang...

Ipinikit ko ang mga mata ko at tuluyang inilabas ang papel.

*Riiiing! Riiing! Riin--

Bigla kong naitapon sa kung saan ang papel na hawak ko.

Kakagulat naman. Sino ba 'to?

"Hello?"sagot ko sa telepono.

Si myungjin.

[Hello?manager san?]

"Oh myungjin,gabi na ah. Napatawag ka?"

[Hmmmm... available ka ba ngayon?]

"Bakit?"

[Hindi kasi ako makatulog eh.]

"Teka,saan ka ba ngayon?"

[Nasa labas ng condo unit mo]

Pagkasabi niya non,agad akong tumakbo papunta sa pintuan ng condo at sinilip kung andon nga si MJ and Gosh,andun nga siya.

Binuksan ko siya kaagad.

"Huy,gabi na ah!"

Ngumiti muna siya bago nagsalita.

"Kakauwi ko lang. Tapos naisipan kong daanan ka para dalhan ka ng paborito mong pagkain"

Bahagya niyang itinaas ang isang supot na naglalaman ng...

Tentententen!

"Siopao yan. Galing pa yan kay mama."

Agad kong kinuha ang supot.

Paborito ko 'to eh. Gosh,tagal ko nang hindi nakakakain ng siopao!

"Siopao nga! Thankyou MJ!"pasalamat ko saka naghug sa kanya.

Ngunit agad ko rin binawi ang sarili ko nang marealize kong nasa labas nga pala kami ng condo ngayon.

Alam niyo na,baka may mga chismosa't-chismoso ditong artista,trainee o di kaya'y mga fans na gala ano.

"Ah..manager san,mauuna na ako. A-ano kasi..baka nakakaabala ako at isa pa..isa pa idinaan ko lang yan hehehe at.."

"Tuloy ka na muna mj."

Bahagya siyang natigilan sa pautal-utal niya noong hinawakan ko ang kamay niya.

Teka,ninenerbyos ba ang isang ito?

"Ah..eh..ano kasi..wag na lang.."nangamit siya ng kanyang batok.

"Tsk! Samahan mo na akong kumain ng siopao sa loob."pamimilit ko.

Bago niya pa mam ibinuka ang bibig niya ay agad ko na siyang hinila papasok.

Chochoosy-choosy pa 'to eh.

"Anong gusto mo? Coffee? Tea? O--"

"Ikaw."simpleng sagot niya na ikinagulat ko.

Ano bang ibig niyang sabihin?

"H-Ha?"

"Ikaw na ang bahalang pumili."nakangiting pagdurugtong niya.

Ah yun naman pala eh kala ko kung ano na. Jusko. Kinabahan naman ako.

Agad kong tinungo ang kusina at nagtimpla na lamang ng juice para saaming dalawa.

Pagkatapos kong magtimpla ng juice ay agad ko itong inilapag sa lamesa.

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon