Chapter 25: Kenna

253 11 5
                                    

¤Minnah

"ANO?!"

Agad kong hinanap ang mga boses na iyon sa sementeryo. Ang pamilyar na mga boses na iyon.

Agad ko namang nahanap at nakita ko sina baku,daddy chad,daddy kris at mama san.

Napangiti ako.

Ngunit naging malungkot din naman ako kaagad.

Gustong gusto ko silang puntahan at yakapin. Sabihing, "Namimiss ko na kayo" ngunit ayaw kumilos ng aking mga paa na para bang sinasabi nila na wag mo na silang guluhin pa.

pero bakit nga ba sila nandito?

May parte ng katawan kong nagsasabing,wag ka nang umasa. Malay mo naman diba na may dadalawin lang din sila dito o di kaya'y nagpaplano silang gumawa ng music video sa sementeryo.

Ngunit kung ano man ang rason,wala na dapat akong pakialam.

Binilisan ko na lamang ang hakbang ko palayo sa kanila.

Yan ang tama minnah. Isa pa,mukhang masaya naman sila na wala ako eh.

Hays. Triple ang lungkot ko ngayon. Una,dahil sa nakita ko sila baku kanina. Pangalawa,nalaman kong patay na nga talaga ang nanay ko. Nakita na kasi yung bangkay niya noong nakaraang buwan kung saan naman ako nakatira sa condo ng aspire. Pangatlo,ngayon alam ko na na mag-isa nalang talaga ako. Walang mauuwian. Walang mapupuntahan. I'm just 6 1/2 years old at di ko na alam kung saan pa ako pupunta neto. Kung saan ako kukuha ng pagkain.

Speaking of pagkain,dadaan nga pala muna ako sa karinderya ni aling celly. May trabaho pa nga pala ako. Jusko. Malapit ko nang makalimutan at pag nagkataon,lublob drum nanaman ako neto.

Napatakbo na ako pauwi.

Takbo.

Takbo.

Takbo.

Boogsh!

Shet. Yung beautiful skin ko! T-T Bakit ba ang tanga ko at di ko nakitang may hahara-harang bato pala dito?!

Dahan-dahan akong tumayo. Napansin ko naman may parte ng tuhod ko na dumudugo.

"Aray."

Ngunit kahit masakit ay kinaya kong tumayo.

Ngunit nabigo ako.

Masyado kayang masakit!

"Gusto mo ba ng tulong bata?"

Napatingin ako sa isang kamay na naglalahad ng tulong saakin.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko sa mukha nito.

Nanlaki ang mga mata kong bigla sa nakita ko.

Napangiti siya saakin.

"Oh ano? Titingnan mo lang ba ako?"

Bigla akong napayakap sa kanya. Bigla akong napayakap kay Daddy Mon.

"Daddy mon..."

Hindi ko namalayan na habang binabanggit ko ang pangalan niya ay umiiyak na pala ako. Sobra ko siyang namiss.

Sobra kong namiss ang pag-eenglish niya saakin.

Gumanti rin siya ng yakap saakin.

"I missed you.."saka niya sinabi.

"Ako rin."tugon ko.

Mon📚

Actually,noong isang arae ko pa nalaman kung saan nakatira si minnah. Kung paano?

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon