Chapter 17: Ang malaking hamon sa aspire

191 17 3
                                    

¤Minnah

"Pagkatapos mong maghugas ng plato diyan,mag-mop ka ng buong kusina."

"Huh? Malinis naman na ang kusina ah?"angal ni baku.

Itrinapo ko ang hintuturo ko sa sahig at ipinakita sa kanya.

"Madumi."pang-aasar ko.

Iwinagsi niya sa lababo ang platong hinuhugasan niya.

Aba,nagdadabog.

Humarap siya saakin.

"Hoy,kutong-lupa. Ako ba ginagantihan mo?"

"Hindi."mabigat na sagot ko.

Napatingin kami sa sulok nang marinig na tumatawa ang ibang members ng aspire.

Aba,nagsasaya. Kala nila huh.

"Anong tinatawa-tawa niyo diyan?"masungit na sabi sa kanila ni baku.

Humarap ako ng nakapamewang sa kanila

"Oo nga,anong tinatawa-tawa niyo diyan?"sabi ko naman.

"Si wim kasi hahahaha! Nakakatawa! Di na kami sanay na siya ang naglilinis eh! Ngayon niya lang ulit yan ginawa hahaha!"halos mamatay na sa kakatawa si daddy chad.

Oh,ano namang nakakatawa?

"Akalain mo,yung dating nag-uutos,inuutusan na ngayon? Hahahaha!"-daddy kris.

Mga batugan na 'to -_-

"Kung akala niyong si wim lang ang maglilinis,kasama kayo ano! Ano kayo sinuswerte?"-ako

Natigil sila sa paghagikhik.

"Teka,bakit kami nasali diyan minnah?"tanong ni daddy blue.

"Oo nga."-pagsasang-ayon naman ni daddy mon.

"Bakit naman kayo hindi masasali? Napag-usapan na namin to ni mama sans. Na kapag nanalo ako sa larong ito,hindi lang si baku ang magiging slave ko kundi pati na rin kayong lahat. Kung hindi,isusumbong ko kayo kay mama sans at siya na ang bahalang magpataw ng parusa niyo."

Oo,nag-usap na kami ni mama sans at agad naman itong pumayag sa plano ko. Good idea nga raw eh kasi hindi lang daw sa gawaing condo tamad ang aspire kundi na rin sa kanilang practices.

Pero di niya alam yung tungkol sa usb na may lamang kadramahan ni baku.

Kung alam niyo lang yung laman non,di mo talga maiisip na si daddy wim yon. Medyo naawa nga ako e.

"Ah,so eto pala yung sinasabi mo saakin. Sila pala yung magiging katulong ko. Hanep ka rin ano? Ginawa mo akong mayordoma."angal ni baku.

"Rule no.7"

"Tch."

"Oh,ano naman yang mga rules na yan?"tanong ni daddy chad.

Napangiti nanaman ako.

"Simple lang ang mga rules at sigurado akong magugustuhan niyo."

¤Wim

Nakakainis. Grabe,nakakainis talaga. Yung feeling na bawal kang magreklamo?

"Oh,anong nangyayari dito?"tanong ni myungjin na katatapos lang maligo. Yan si myungjin. Kaya di update lagi sa balita kasi nauuna siyang maligo kesa sa kumain. Antagal niya lagi sa banyo. Yung tipong tapos na kaming lahat kumain tapos siya,nasa banyo pa lang. Parang babae kung kumilos.

"MJ! Tulungan mo kami MJ!"

Ang OA ni chad tch.

May paluhod-luhod pang nalalaman.

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon