Chapter 30: Ang pagbabalik/Happy Birthday Manager San!

173 7 2
                                    

OCTOBER 23,2016

Minnah :)

*Clang! Clang! Clang!

Nagising ako mula sa isang napakaingay na tunog. Ano ba yan! Panira ng tulog.

"Hoy, kutong lupa. Gising ka na nga. Nagugutom na kami."

Grabe naman, kahapon lang ako nakabalik sa condo tapos aalilain nanaman nila ako. Naks naman.

"Innatok pa ako."

"So inuuna mo pa yang antok mo kesa saamin?"

Napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"Fine, babangon na."

Pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit ko sa sala ay dumiretso muna ako sa banyo para maligo.

"Ano bang gusto niyong ihain ko?"tanong ko kay baku na kasalukuyang nakaupo sa living room at nanonood ng tv.

"Pancakes!"tugon niya naman kaagad. "Tama, pancakes! Yung may syrup ah." Hmp. Demanding.

Teka lang, napansin ko atang walang masyadong nag-iingay dito ngayon ah? At mag-isa lang si baku na nanonood sa may living room.

Nakakapgtaka naman.

"Hoy bakulaw! Asan ang mga aspire?"

"Maka 'hoy bakulaw' naman 'to. Wala akong pakialam sa kanila kaya di ko alam kung saan sila nagpupupunta. Baka naflush na sila sa basin. Check mo dun."

"Kahit kailan, wala kang matinong nasasabi saakin ano? Bilang tatay ko, wala ka man lang mabuting naituturo saakin."

"Yeah,whatever. Magluto ka na nga dun, nagugutom na ako."

"Che! Kung ikaw kaya maglutio ng pancakes mo?"

"Hindi ako marunong. Kaya ikaw na."

-_- Wow ha, ang bait niya talaga -_-

"Lagyan ko nang lason ang pagkain mo mamaya e."pabulong na sabi ko.

"Anong sabi mo?"

"Wala,sabi ko pangit ka."

"Kung pangit ako, pangit ka din. Anak kaya kita."

"Bakit? Kapag tatay kita ibig sabihin ba non, kamukha na kita? Hoy Baku, para sabihin ko sayo, kay mama ako nagmana."

"Bahala ka. Ayaw mong magmana saakin e ang gwapo, gwapo ko naman."rinig kong bulong niya s akanyang sarili. 

Baliw.

Tumungo na ako sa kusina. At pagbukas ko..

"Surprise!"

Bumungad saakin ang aspire na naka-apron pa.

"Goodmorning! PInagluto ka namin minnah."masayang bati ni daddy chad saakin. 

"Eto oh, tikman mo yung pancakes na ginawa ko."sabi naman ni daddy kris habng ipinapakita ang pancakes niyang minold sa saging.

"Saging?"

"Oo, kasi naman banana flavor yan ^_^"

Ehhh? Kahit kailan talaga unggoy si daddy kris.

"Yung akin minnah mas masarap. Mas malinamnam at mas matab--aray!"

"Ayan ka nanaman sa kamanyakan mo e!"-agkokontra ni dady blue.

"Totoo namang malinamnam at matataba ang pancakes na ginawa ko ah."napa-pout si daddy chad.

"Hey, taste my pancakes."bigla namang sumulpot si daddy mon dala-dala ng isang lato ng pancakes. Tinikman ko ito at masarap naman. Pwede na ring pagtyagaan.

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon