Chapter 26:

193 9 2
                                    

Minnah👸

"Oh ayan,maganda ka na!"puri saakin ni ate monica pagkatapos niya akong ayusan.

"Mana sayo!"masiglang sabi ko at ngumiti sa kanya. "Salamat ate monica ha?"

Napangiti din siya saakin.

Nakapagdesisyon na akong pupunta sa concert ng aspire. Gusto ko silang makitang magperform ngayon. Kahit hanggang ngayon na lang. Miss na miss ko na sila eh.

"Excited ka na ba baby?"biglang tanong niya. Napatango lamang ako.

"Kung ganon,tara na?"

Napatango ulit ako bilang pag-sasangayon.

[ Aspirants! Handa na  ba kayong sumigaw,humiyaw at makilig?Excited na ba kayo para sa pinakamalaking event na gaganapin mamaya sa araneta? Sama-sama tayong makiparty sa Aspire biggest concert 2016! 6pm sa araneta colisium! See ya there!]

Napangiti ako sa flash report sa radio. Sigurado akong napakaraming tao doon!

Pagkadating na pagkadating palang namin ni ate monica,marami nang nakatambay sa labas. 4:36 pm palang naman.

Sure nga akong yung iba dito,sa sobrang excited ay di na kumain ng lunch o kahit breakfast man lang eh.

"Sikat na sikat na talaga ang aspire ano?"

Bigla akong napatingin kay atr monica nang bigla siyang nagsalita. Napangiti ito saakin.

"Tandang-tanda ko pa dati,pakanta-kanta lang sila sa school dati. Pasayaw sayaw. Pero ngayon,tingnan mo nga naman."dagdag niya pa.

"Sobrang saya nila noon. Sobrang saya namin noon."bakas ang lungkot sa mga mukha ni ate monica. Wala man lang ako magawa kundi ang titigan siya.

Pagkatapos niyang sabihin ang mga yon ay bigla na lang din akong nalungkot.

"Tara na?"pagaanyaya niya saakin. Napangiti nalang ako sabay baba sa kotse.

Pagpasok namin sa hall kung saan gaganapin ang concert ng Aspire,dumaan muna kami sa comfort room upang makapag-ayos. Isa nga pala si ate monica sa mga admin dito kaya nauna kaming nakapasok.

"Minnah?"

bigla akong natigilan sa pag-aayos ng sarili ko nang marinig ang pagtawag saakin ni manager san. Napatingin lang ako sa kanya. To be honest, Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Minnah!"

Napayakap siya saakin.

"Miss na miss na kita. Miss na miss ka na namin."dugtong niya pa.

"Manager san....hindi na po ba kayo galit saakin?" Umiling-iling siya bilang tugon.

"Sorry. .. Sorry kung nagalit man ako sayo noon.."

"Minna--"

Parehas kaming napatingin ni manager kay ate monica.

"Ikaw pala....san.."

Bakas ang pagkagulat sa mga mukha nilang pareho.

"Monica..."

"San..."

"So ano? Magbabanggitan na lang ba kayo ng pangalan?" tanong ko sa kanila habang nakapamewang.

Nginitian nila ang isa't-isa. 

Ito na kaya ang karugtong ng nawasak nilang pagkakaibigan?

sana.

Sabay-sabay na kaming pumunta sa loob ng hall. Dahil special ang mga kasama ko ay nakaupo kami sa V.I.P, sa may pinakaharapan kung saan tanaw na tanaw mo talaga ang aspire mamaya.

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon