Chapter 33:Confessions pt. 2

120 4 0
                                    

Blue

Kinapa ko ang phone ko sa maliit na lamesita sa gilid ng aking kama nang marinig ang malalakas na vibration nito.

Sino nanaman kaya 'to? Nakakainis. Panira ng tulog.

Manyak is Calling....

Nang makita kong si Chad ang tumatawag, mas nawalan ako ng ganang sagutin ang phone. For sure naman kasi, walang kwentang bagay nanaman ang sasabihin nito saakin.

Call ended.

Pinatay ko na lang ang tawag niya. Sigurado naman akong hindi na mangungulit yon dahil pinatayan ko siya ng phone. Alam niya na kasi ang ibig sabihin nun. AYAW KO SIYANG KAUSAP, NATUTULOG AKO.

Muli ay ipinikit ko ang mga mata ko ngunit ilang sandali pa ay...

Manyak is calling...

"Ugh. Nanaman? Psh."

At sa pangalawang pagkakataon ay pinatayan ko siya ulit ng phone.

Isang beses pa na tatawag to saakin, talagang mumurahin ko siya ng todong-todo. Ngayon na nga lang ako makakapagrelax, mang-iistorbo pa siya? Hanep naman.

Ilang sandali pa ang nakalilipas...

Sa pangatlong pagkakataon, akalain mo nga naman ang bw*sit, tumawag nanaman.

Bago ko siya sinagot ay humugot muna ako ng boses.

"ANO BA? NATUTULOG AKO HA! ISTORBO KA! kUNG WALA KANG MAGAWA SA BUHAY MO, MANGHULI KA NG ISDA SA DAGAT TAPOS KAPAG NAKAHULI KA NA NG BENTENG ISDA, PAKAWALAN MO! WAG KA NANG TATAWAG DITO ULIT HA! KUNG HINDI, TATAMAAN KA SAAKIN!"

[ANONG SINABI MO?]

Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang marinig ang isang pamilyat na boses na iyon. Napatingin ako sa screen ng phone ko at..at...

Mama <3

WTF?!

[BASTOS NA BATA TO AH! HOY AZUL! NATUTULOG KA NANAMAN DIYAN? KANINA PA AKO TAWAG NG TAWAG SAYO TAPOS NI ISA SA MGA TAWAG KO DI MO SINASAGOT TAPOS ITO ANG MAGIGING BUNGAD MO SAAKIN? ABA! HUMANDA KA SAAKIN PAGBALIK MO! tIYAK NA TATAMAAN KA SAAKIIIIINNNN!]

Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni mama. Hindi ko naman kasi akalain na siya yun ano -_- Kasalanan talaga ni Chad 'to eh.

"Ah..eh...hehe...sorry na ma, napagod kasi ako sa bya--"

[SORRY SORRY MO DIYAN! BAKA NAKAKALIMUTAN MO, MAMA MO ANG MINUMURA MO KANINA!]

"Sorry na nga eh, kulit -_- Ano ba kasi ang kailangan mo ma?"

[HOY AZUL, YUNG KAPATID MO ALAGAAN MO HA. WAG AN WAG MONG PABABAYAAN YAN. KAPAG YAN NAPAHAMAK, AAHITIN KO ANG LAHAT NG BALAHIBO MO! IPALULUNOK KO TALAGA ANG BENTENG ISDA NA SINASABI MO SAYO]

"Oo na. Babantayan ko HO ng mabuti si Monica. Pero ma, paano kung ako naman ang napahamak? Ipapalunok niyo rin ba kay monica yung benteng isda?"

[CHE! WAG MO NGANG GAWING BIRO ANG LAHAT AZUL! TATAMAAN KA NA TALAGA SAAKIN.]

"Si mama naman. Nagbibiro nga lang e--"

Hindi ko na natapos ang mga sasabihin ko dahil bigla niya akong pinatayan ng phone. Kahit kailan, ang sweet talaga ni mama -_-

Bagot na ipinatong ko ang phone ko sa lamesita ngunit wala pang ilang segundo ay bigla nanaman itong nagring. This time, tiningnan ko na talaga kung sino ang tumatawag.


Manyak is calling...

"Hello?"

[Wow! Pagkatapos ng 12345678 years, sa wakas! Sinagot mo rin yung tawag ko.]

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon