Chapter 13:Ang multo sa kusina

219 13 4
                                    

Makalipas ang ilang araw..

Tuesday

¤Wim

"Welcome home baku!"

Masiglang salubong nila saakin saka nagpasabog ng maraming confetti sa pagpasok ko sa pintuan.

Tingnan mo 'tong mga 'to,baku lang tawag sakin ni minnah kailangan baku na rin ang tawag nila saakin? Hanep  -_-

"Siguro naman at nagtanda ka na?"mataray na tanong saakin ni manager san.

Lagi naman siyang ganyan e,lagi niya na lang akong tinatarayan.

Tss. Masanay ka na wim.

"Oo nga,wag kasi matakaw."pagsasang-ayon naman ni minnah.

"Tumahimik ka nga siyan kutong lupa. Hindi yung sabat ka ng sabat sa usapan namin."sagot ko naman.

"Kaya ka kinakarma wim e,ang sungit-sungit mo kasi"ani chad.

"Hindi kaya!"pagtututol ko sa kanya,napatawa lang sila.

"Oh. Kain na tayo."

Inilahad ni blue ang isang chocolate cake.

Nako,duda ata ako neto ah.

"Sino nagbake?"tanong ko.

"Ako at si minnah."-blue.

"Walang lason 'to?"

"Nang-iinsulto ka ba? Kahit lasunin ka namin,di naman tatalab sayo e."cold na sabi nito.

Sorna,naninigurado lang e.

"Teka,wala pa rin akong tiwala e. Si asul at minnah kaya ang nagbake. Mas kampante ako kapag si jin e."

"Pigilan niyo ako. May hahampasin ako ng pusit dito."

Natawa lamang sila kay blue. Pero seryoso,palpak kaya magbake si blue tapos si minnah...marunong ba siya?

Kumuha ako ng tinidor at kumuha ng konti sa cake.

"So masarap ba?"tanong ni blue.

Yung totoo,hindi siya masarap.

Sobrang sarap!

"Sa tingin ko,may konting kulang pa e."

Pero grabe,umaapaw sasarap yung chocolate!

"Huh? Ano namang kulang?"tanong ni hampalu.

Napa-ngisi na lamang ako.

"Sugar. Kulang ang tamis."

"Huh? Di nga?"

Kumuha rin siya ng kutsara niya at tumikim.

"Hindi naman ah."

"Patikim nga."sabi naman ng iba.

"Masarap naman at mukhang tama lang yung asukal."ani ni jin.

"Sanay lang siguro ako sa mga luto ni jin."sabi ko pa.

Kung di niyo na itatanong,chef dati si jin pero secret lang natin kasi ayaw niya ng banggitin ang anumang meron sa past niya.

Nagbibitter-bitteran e.

"Oh? Marunong ka palang magluto daddy jin! Nakita ko kasi yung pink na apron at pot holder sa locker mo."saad naman ni minnah.

Napangiti lang si jin ng mapait.

"Pasok na muna ako sa kwarto."cold na sabi nito.

¤Minnah

"Pasok na muna ako sa kwarto"

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon