Chapter 42:

58 2 1
                                    

[First, gisahin natin yung bawang sa olive oil. Make sure na hindi mababatok ang bawang kaya bantayan itong maigi]

Napangiti ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. Kung dati rati'y nagluluto lang ito sa maliit na kusina at nanaginip na siya'y makapagluto sa isang sikat na cooking show, ngayo'y naging isang successful na chef at may sarili pang show itong si Jin Perez.

Nakakaproud na nakakamiss. And i wonder if matitikman ko pa kaya yung luto mo pagkatapos ng lahat? Sana.

Pagkatapos ng ilang oras na paghihintay sa waiting area ng airport, sa wakas at nakarating na rin ang driver ko.

Pinilit kong makatulog dahil medyo nahihilo pa ako at isa pa, na-stuck kami sa traffic. Hindi pa rin talaga nagbabago ang Pilipinas, nakakamiss.

Napatingin ako sa isang billboard na siyang nag stastand out ngayon. Seryoso? Hindi ko aakalain na magiging artista si Blue!

Perl di na rin dapat ako magtaka dahil artista naman sina Monica at si tita. Pero nakakagulat pa rin talaga na nasa isang romcom drama siya. At di niya rin naman ito pinangarap dati.

🎶Don't wanna know
What kind of dress you're wearing tonight
If he's holding onto you so tight
The way I did before
I overdosed
Should've known your love was a game
Now I can't get you out of my brain
Oh, it's such a shame

Natigilan ako sa pagmumuni-muni ko sa mga billboards nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses na 'yon.

🎶That we don't talk anymore, we don't talk anymore
We don't talk anymore, like we used to do
We don't love anymore
What was all of it for?

"Sino yung kumanta niyan?" tanong ko sa drver namin.

"Si Sir Chad po. Yung bida sa My mysterious girl."

So ano 'to? Nag-artista rin si Chad? And woah! Nagkaroon na siya ng single na kanta! Sobrang nakakaproud lang.

Sa loob ng halos apat na taon, sobrang dami na ang nagbago. Hindi lang sa kung ano yung mga naachieve nila, kundi pati na rin ang kanilang physical looks.

Halos hindi ko na sila makilala.

Si Mon na siyang naging leader ng aspire, isang sikat na rapper na siya sa america.

Si Kris naman, naging isang trainee sa korea at balita ko, sa loob ng tatlong buwan ay magdedebut na siya.

Si Wim, wala akong naging masyadong balita tungkol sa kanya maliban na lang sa naging taga pagmana siya ng kanilang company pagkatapos mamatay ng lola niya.

Si Sanantha, isa na siyang top model.

Si Izumi naman, wala na rin akong naging balita sa kanya.

Maraming boy groups ang umusbong simula nang mawala ang Aspire. Nakakalungkot man isipin na isang araw, pag gising ko, wala na ang grupong tinitingala at minahal ko.

Sa sobrang haba ng tulog ko sa hospital, sobrang dami na rin ng mga nangyari. Kabilang na don ang paglimot kay Kwon Myungjin, ang siyang pinakabata sa Aspire.

Kahit papaano, nandito pa rin siya sa puso ko kahit na pansamantala ko siyang nakalimutan at permamenteng nakalimutan na ng mga tao.

I wonder, kapag ba hindi ako naaksidente noong araw na 'yon, ano kaya mangyayari? Would it be the same? Or we will be remain?

Siguro kung hindi lang ako nagkaroon ng amnesia noong araw na' yon baka naayos ko pa lahat. Baka nandyan pa rin ang Aspire. Baka masaya pa rin kami ngayon. Siguro hindi ganito kahirap ang magpakita at magpakilala.

Baka hanggang ngayon, Kwon Myungjin pa rin ang pangalan ko.

CHAPTER 42: Ang pagbabalik ni Kwon Myungjin

"Dad! Welcome back!"

Agad akong sinalubong ni Jennie ng yakap at halik nang makita niya akong bumaba sa kotse.

"How are you baby?" tanong ko sa kanya saka ko siya binuhat.

"I'm fine. I missed you so much dad! Sayang at wala ka noong 7th birthday ko."

"Babawi nalang ako next time ha? By the way, where's your mom?"

"Nagluluto sa kusina for you. Secret lang 'yon pero sinabi ko sayo."

"Oh really?"

"Quiet ka lang na sinabi ko sayo dad ah?"

"Okay baby girl."sabi ko then I smiled at her.

"Dad, don' t call me baby girl. Ang laki ko na for that."

My smile fades slowly nang marinig ko yung mga sinabi niyang 'yon.

"Waeyo, appa?"

Umiling-iling ako saka ko siya binaba.

"Malaki ka na nga. Ang bigat mo na nga e."medyo malungkot na pagkakasabi ko sa kanya.

"Love!"

Napalingon ako kay stacey na siyang fiance ko. We were getting married next month. Siguro nagtataka kayo kung bakit ang laki na ng anak namin but still, di pa rin kami nagpakasal.

4 years ago, isang bata ang nameet ko sa hospital. Parehas kaming nagkaroon ng amnesia. Ako, nang dahil sa car accident at siya naman ay dahil nagkaroon siya ng tumor sa utak. That day na kinausap niya ako, sobrang naging magaan ang loob ko sa kanya na para bang sinasabi ng puso ko na nagkita na kami at kilala ko siya. Yun din ang sinabi niya saakin.

Nabalitaan ko na isa na siyang ulila at pagkatapos ng kanyang recovery ay babalik na siya sa bahay ampunan.

Halos 6 months na hindi kami nagkita hanggang sa isang araw, nang dumalaw kami sa isang bahay ampunan, i saw her crying alone.

Papaalis na kami noon nang biglang may maapakan akong madulas. Nabagok ang ulo ko sa isang kahoy.

Suddenly, nagising ako nang hinahanap ang buong aspire, si Manager San at si Minnah.

Bigla, hindi ko na rin kilala si Stacey na siyang nag-alaga saakin at nagpakilalang girlfriend ko. Hindi ko na rin maalala kung bakit ako nasa Bahay Ampunan. That day, isa lang ang naalala ko.

Yung batang naging kaibigan ko sa ospital ay si Minnah. Sadly, tulad ko, marami din siyang nakalimutan. And what's the worst case? Hindi na babalik ang mga alaala niya kailanman.

And now, nakatayo siya sa harapan ko bilang si Jennie. Hindi ko masabi-sabi sa kanya ang totoo dahil sobrang bata pa siya para intindihin ang mga ito.

At eto na ang bago kong buhay.

Part 1 of 3. To be continued.

Unofficially My Daddy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon