Hacienda de Catalina(4)

37 1 0
                                    

A/N : Enjoy Reading!

Matapos kung bihisan, pakainin at painumin ng gamot ang Donya ay lumabas ako sa harden.

"Wooowww!!! Ganito pala kaganda ang harden na ito. Kung sa gabi ay tila paraiso ito na puno ng mga tala. Sa umaga pala ay higit pa!"

Namamanghang usal ko pagkakita sa kagandahang taglay ng harden. Kitang kita kung paano ito minahal at inalagaan.

Isang harden na puno ng mga iba't-ibang klase at makukulay na mga bulaklak. Humahalimuyak sa bango ng mga bulakak ang buong pagilid. Sa gitna ng mga ito ay may puno na kung saan ay may nakasabit na dalawang duyan sa mga sanga nito. Ang isang puno ay may pasadyang paikot na mesa at mga upuan. May bahagi din ng harden kung saan nakalagay ang palaruan ng mga bata.

Hindi lang ito mukhang paraiso kundi isang paraiso talaga. Halos hindi ako magkamayaw sa kakaikot sa paligid upang hipuin at amoyin ang mga nag-gagandahang bulaklak at kung anu-ano pang mga halaman na naroon.

Para akong paslit na tuwang-tuwa sa paraisong kinaroroonan. Ito ang unang beses sa tanang buhay ko na makakita ako ng ganito kagandang lugar. Ito ang klase ng lugar na hindi mo aayawan sa ganda.

Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ipinagpalit ni Doña Catalina ang banyagang bansa sa ganito kagandang paraiso. Kahit ako man ang lumugar sa Donya ay hinding-hindi ko rin ipagpapalit ang ganito kagandang lugar.

Natapos ang maghapon na hindi ko nakita ang aswang 'este' ang estranghero pala, hehe...

Nang matapos akong maghapunan ay pinuntahan ko muna ang Donya sa silid nito. Gising pa ito ngunit nakatanaw lang sa malayo.

"Magandang gabi po, Doña Catalina!" Masiglang bati ko dito. As usual walang reaksyon ito. "Gusto niyo po ba'ng kwentohan ko kayo?" Wala akong nakuhang tugon mula sa Donya pero ipinagpatuloy ko ang ideyang kwentohan ito. Umayos ako ng upo at nag-umpisang mag kwento.

"Sa isang maganda at mayamang syudad ay may nakatagong kumunidad na kalat kung ituring ng lipunan. May isang simply at masayang pamilya ang doo'y naninirahan. Isang araw, isang delobyo ang pumutol sa kanilang kasiyahan. Ang kumunidad na kalat kung ituring ng lipunan ay tuluyang nilinisan. Ang masayang pamilya ay nabalot ng kalungkutan dahil sa pagkawala ng kanilang tahanan. Hindi naglaon ang Hari at Reyna ng isang masayang tahanan ay biglang lumisan. Paglisan na wala ng balikan...

Habang nagkukwento ako ay kumilos ang mga mata ng Donya at dumapo sa akin. Napangiti ako dahil alam kong nakuha ko ang atensiyon nito.

Naiwanang mag-isa at nalungkot ang prinsesa ng masayang tahanan. Ang dating masayang tahanan ay nabalot ng kalungkutan. Ngunit! Dahil sa karahasan ang prinsesang naiwan ay walang ibang makakapitan kundi ang sarili lamang. Muling bumangon ang prinsesa at ipinakita sa lahat na kaya niyang muling pagliwanagin ang nagdilim niyang kapaligiran. Dahil sa pagpupursigi niya ay muling sumikat ang busilak na araw at ang kapaligiran ay muling nagliwanag... Liwanag na para sa iba'y sapat ngunit sa puso ng prinsesa ay kulang.." muli ay nilukob ng kalungkutan ang aking kalooban. Ngitian ko ang Donya. Ngiting pilit na sa likod ay kalungkutan.

Mataman lamang itong naka titig at nakikinig sa akin hanggang sa matapos akong magkwento.

Pabalik na sana ako sa aking silid ng muli ay maagaw ang atensyon ko ng malaking kwadro ng mag-asawang Don at Donya ng kanilang kasal. Sobrang namamangha talaga ako habang ito ay pinagmamasdan.

"Sana balang araw makatagpo rin ako ng pag-ibig na katulad ng sa inyo." Tila nangangarap na wika ko.

"They won't answer you!"

"Ay aswang na kabayo!!!"

Napatalon pa ako sa gulat nang biglang may bumulong sa tainga ko mula sa aking likuran. Kasunod no'n ay ang malakas na tawa.

"Hahaha!!!! You're so jumpy angry girl! Hahaha!!!!"

Hagalpak talaga ang tawang wika sa akin ng estranghero na ikinakulo ng dugo ko paakyat sa aking ulo. At sa mga oras na 'to ay para nanaman akong bulkang gusto nang bumuga ng kumukulong lava at gusto kung ibuhos lahat sa mukha ng hambog at siraulong estranghero na ito. At nang mapagtanto ko ang tawag nito sa akin ay lalung nagpanting ang aking tainga.

"Ano daw? Angry girl? Anong akala niya sa'kin online games na pwede niyang gawing libangan? Siraulong 'to!"

"Hey! Easy..! Hahaha!!! Look at you angry girl, your face looks like a burning lava in kanlaon! Hahaha!!!!"

Lentik na 'to! Ang tibay talagang inulit pa!

"How did you address me? Huh?! Angry girl?!" Umigting ang panga ko sa sobrang galit sa hambog na siraulong 'to.

"Will you stop making fun of me, Huh? You know what i'm feeling right now, MR. STRANGER?!" Pinakadiinan ko talaga ang pag tawag ko sakanya ng stranger. "I am more than like a burning volcano and I really wanted to pour on your face every drop of burning lava I have!"

Nanginginig ang mga kalamnang sigaw ko sa pag mumukha nito saka nakakuyom ang mga palad na nagmadaling umalis sa harap nito.

Napatigil ako at nagpapadyak ng mapagtantong mali ang direksyong tinatahak ko. Mabilis akong pumihit pabalik. At nandoon parin ang estranghero sa pinto ng kwarto ng Doña habang pinagmamasdan ang katangahan ko. Tinapunan ko ito ng isang napakasamang tingin bago ako tuluyang pumasok sa aking silid.

~To Be Continued...~

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon