***
Araw na ngayon ng huwebes at ilang araw nalang ay aalis na ako. At sa bawat araw na lumilipas ay lalung bumibigat ang aking pakiramdaman.Pilit kong iniiwasan si Teo at ang bisita nito. Pero ewan ko ba kahit na ganito kalaki ang mansyon at sadya akong umiiwas ay walang araw parin na hindi ko nakikita ang mga ito.
Hindi ko alam kung nananadya ba ang pagkakataon na lalu akong pasakitan dahil kahit anong iwas ko ay mas lalung ipinapkita sa akin ang dalawa.
Unti-unti ko nang ini-impake ang mga gamit ko, kaya sa tuwing matatapos akong asikasuhin ang Donya ay bumabalik na ako sa aking silid para narin makaiwas sa hindi magandamg tanawin. Gusto ko kasi na sa pag-alis ko ay ang magagandang ala-ala namin ni Teo ang baunin ko. Isa-isa ko iyong binabalikan sa tuwing ako ay mapapag-isa.
Tok! Tok! Tok!
Napalingon ako sa pinto ng may kumatok. Tumayo ako upang ito ay pagbuksan.
"Oh, Maya, ikaw pala.."
"Belle, ipinapatawag ka ni Doña Catalina. Sumabay kanadaw sa kanila sa hapunan." Ipinagataka ko iyon.
"Wag kana magtagal, Belle, at nasa hapag na silang mag-anak." Ani Maya bago tuluyang lumabas ng aking silid.
"Sige, susunod ako agad. Salamat!"
Napabuntong hininga nalang ako ng malalim.
Oh, diba..? Kakasabi ko palang na iniiwasan ko nga si Teo at ang bisita nito pero ito ngayon at makakasabay ko pa ang mga ito sa hapunan. Nakakahiya naman kasi kung tatanggihan ko ang alok ni Doña Catalina kaya mabilis narin akong sumunod kay Maya.
"Magandang gabi po."
Bati ko sa mga ito pagkarating ko sa hapagkainan.Maliban kay Doña Catalina ay naroon din ang mga magulang ni Teo.
"Have a seat, hija!" Muwestra ni Señorita Amelia sa upuan katapat ni Teo.
Nasa tabi naman ni Teo ang kanyang bisita na hanggang sa ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan dahil hindi rin naman ako interesadong malaman kung sino siya at ang pagkatao niya. Kung nobya man siya ni Teo ay labas na ako roon dahil wala rin naman akong karapatan para malaman pa kung ano nga ba ang papel niya sa buhay ni Teo.
"Hi! Belle right?" Bati sa'kin ng babae. Ang ganda ng ngiti nito pero hindi ko iyon masuklian dahil binabalot ng kung ano ang kalooban ko.
"We're not introduced yet, by the way I'm Eufem!" Inabot nito sa akin ang kanyang palad kaya napilitan akong abutin rin iyon at makipagkamay rito.
Mukha namang mabait at totoo ang ipinapakita nito sa akin, pero hindi ko parin iyon masuklian. Para kasi akong sinasampal ng reyalidad na ang mga katulad lamang niya na supistikada, sexy, mayaman at ubod ng ganda ang matitipuhan ng isang Timoteo Antonio Aragon. At hindi ang mga katulad ko na laking squatter na nga ulila pa.
Tahimik ako sa hapag habang masaya namang nagkukwentuhan ang mga ito. Panay ang pang-aasar ni Eufem kay Teo kaya panay naman ang tawa ng mga magulang ni Teo maging ng Donya.
"And I also remember one summer after our senior high school graduation, Teo, try to jump up behind the carabao...gosh! It was so...epic fail! Hahaha!!!!" Halos hindi matapos-tapos ni Eufem ang kwento niya sa kakatawa.
"Fem! Stop it! You're embarassing me too much!" Saway rito ni Teo pero hindi galit or napipikon. Dahil maging ito ay tawa ng tawa na napapahawak pa sakanyang tiyan.
"Eufem, don't mind, Teo...ituloy mo ang kwento, hija..!" Pang-uudyok pa ng ina ni Teo sa babae.
"Ok!" Huminga pa muna si Eufem bago itinuloy ang pagkukwento. Nagulat pa ako ng bigla itong bumaling sa akin.