Hacienda De Catalina(21)

38 1 1
                                        

***
Dahil sa dami ng mga pinamili ay hindi kinaya ni Isabella na bitbitin mag-isa ang mga iyon kaya wala siyang nagawa kundi ang tanggapin nalang ang tulong ni Teo.

Subalit dahil sa pride ng dalaga ay pinilit nitong bitbitin ang karamihan ng kanyang mga pinamili. Isinukbit pa niya sakanyang magkabilaang braso at balikat ang mga shop bag na puno ng groceries. Sa pagmamadali niya kasi ay hindi na niya naisip pang humiram ng pushcart. Kaya kahit na hirap ay hindi nagpaawat ang dalaga. Tuloy ngayon ay nagsisisi siya kung bakit pinagsabay-sabay niyang bilhin ang lahat na pwede naman niyang bilhin kinabukasan.

Nasa kalagitnaan ng parking lot ang kotse ni Teo kaya halos mapugto ang kanyang mga braso dahil sa bigat ng kanyang mga dala, pero pilit niya itong tiniis.

Kita naman ng binata ang hirap ni Isabella sa maraming bitbitin ngunit wala siyang magawa kundi ang mapailing na lamang habang pinagmamasdan ito. Sa tuwing tatanungin niya kasi ito kung kailangan ba nito ang tulong ay inaangilan lamang siya ng dalaga.

"Are you sure, you're okay, Angry Girl? You can give some bags to me." Alok nito sa dalaga.

Huminto naman ito at salubong ang mga kilay na nilingon si Teo.

"Anong akala mo sakin? Embalido? Hoy! Mr. Stranger! Huwag mo kong maliitin dahil hindi mo na ako tauhan ngayon. At higit sa lahat wala kana sa mansyon mo!" Singhal nito kay Teo saka mabilis na nagmartsa.

"Porke't pumayag akong magpahatid sayo ay pwede mo na akong maliitin!" Kuda pa nito habang nagmamadaling maglakad.

Hanggang ngayon ay dinadamdam niya parin ang sinabi ni Teo na isa lamang siyang tagapag-alaga ng lola ng binata.

At sa kakamadali nito ay hindi na napansin ng dalaga ang bote ng mineral water kaya nadulas ito ng kanyang maapakan ang bote.

Napapikit na lamang si Isabella at hinintay ang kanyang pagbagsak sapagkat hindi na niya magagamit pa ang okupado niyang mga kamay.

Pero dahil naman sa mabilis ang reflexes ni Teo ay mabilis nitong nasalo ang dalaga.

"I like it every time you fell into my arms, Angry Girl..." Anito sa dalaga. Halos magdikit ang kanilang mga ilong sa sobrang lapit nila sa isa't-isa.

Napakurap naman ng mabilis si Isabella. Pakiramdam niya ay nanigas siya sa mga bisig ni Teo.

This man really affects her so much.

Parang bigla niyang nakalimutan ang lahat pati na ang kanyang mga bitbit lalu na ng malanghap niya ang hininga nito. At ang mga mata ni Teo ay para siyang hinihigop at tila minamanduhan siya nito na magpaubaya. So, she decided to close her eyes and wait for the next to happen.

But, what she expects did not happen.

Kumawala naman ang matatamis na mga ngiti ni Teo habang pinagmamasdan ang nakapikit na dalaga. Bahagya pa kasing nakaawang ang mga labi nito na tila ay naghihintay ng isang halik.

But, this man is a silly to not granting what her Angry Girl's expecting.

Sinadya ni Teo na tumawa ng may tunog kaya napadilat si Isabella. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ng dalaga pagkakita sa malapad na ngisi ng binata.

Binalanse niya ang kanyang katawan at mabilis na itinulak si Teo.

"Siraulo ka, Teo!" Sigaw nito habang nagmamadaling maglakad. Parang biglang gumaan ang kanyang mga dala-dala dahil sa kahihiyang kanyang nadama.

"Hahaha! You're so cute My Angry Girl!" Pahabol ng binata habang sinusundan ang dalaga.

"She's mine!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon