Hacienda de Catalina(3)

55 3 2
                                    

Enjoy Reading!

Nagising ako sa tilaok ng mga manok hudyat na mag-uumaga na. Inabot ko ang alarm clock na nakapatong sa side table at pinatay upang hindi na ito mag-ingay pa.

Nag-unat muna ako bago tuluyang bumangon at dumiretso sa banyo upang mag sipilyo at maligo.

Simpleng blouse at shorts ang napili kong suotin pagkatapos maligo. Sigurado naman kasi akong may ibibigay din naman na uniform sa akin mamaya kaya ito na muna pansamantala. Naglagay din ako ng pulbo at lip tint para maging presentable tingnan ang aking itsura. Hindi ko na hinintay pang matuyo ang aking buhok, agad na akong lumabas ng kwarto at tinungo ang kusina para mag kape bago ako mag umpisa sa aking trabaho.

Madilim pa ang paligid ngunit may mga dim lights na nagsisilbing liwanag ng buong mansyon. Nakailang liko na ako ay hindi ko parin mahanap ang kusina kaya bubulong-bulong na ako sa asar.

"Hay! Nasaan na ba kasi iyong kusinang yun?! Kailangan ko pa yata ng mapa bago ko mahanap iyon!" Himutok ko.

Sisilip-silip ako sa bawat pasilyong madaanan ko ngunit para na akong hilong talilong eh hindi ko parin natunton ang kusina.

"Hay! Ano ba 'yan!"

Napapakamot sa ulong reklamo ko kahit wala naman akong kuto. Hahakbang na sana ako nang biglang may magsalita sa aking likuran kaya napatalon ako sa gulat.

"What are you looking for?"

"Ay! Aswang ka!!!"

Gulat na gulat kong sigaw at halos atakehin ako sa puso sa sobrang gulat. Ngunit ang estrangherong ito walang ginawa kundi ang pagtawanan lang ako.

"Hahahahahahahahahaha!!!!!!!!!"
"Hahahahahahahahahaha!!!!!!!!!"
"Hahahahahahahhahaha!!!!!!!!!!"

Sa sobrang asar ko ay mabilis kong pinalipad ang kamao ko papunta sa mukha ng siraulong tawa ng tawa ngunit umiwas ito kaya  sumubsob ako sa lakas ng bwelo ko upang sapakin ito.

Napapikit ako ng mariin upang hintaying magtagpo ang aking mukha at ang malasalamin sa kintab na sahig. Ngunit bago paman ako bumagsak sa mamahalin at makintab na sahig na iyon ay may braso nang sumalo sa aking beywang.

"Ooopppsss!!! Be careful throwing your fist. You might get hurt..."

Paanas na bulong nito sa aking tainga saka ako iniwang nakalutang sa ere. Naririnig ko pa ang malutong na halakhak niya habang papalayo.

"Shit! Shit! Shit! Kamuntik nang masaktan ang mukha ko do'n, ah?! Aarrrgggghhhhh!!!!!!!!!!!
I hate you stranger!!!!!!!!!!!!!!!"

Sa sobrang asar ay hindi ko naiwasang sumigaw. Marahil ay nabulahaw ang mga gwardya kaya hinihingal na nagsipuntahan ang mga ito sa kinaroroonan ko.

"Ma'am! May problema po ba?"
Usisa no'ng isa sa mga ito.

"Ah... Hehe... Wala po kuya, pasensiya na. Kamuntik lang po kasi akong madulas kaya po napasigaw ako." Pilit ang tawang palusot ko rito.

"Ah... Gano'n po ba. Sige po ma'am ingat nalang po kayo madulas po talaga iyong sahig. Sige po maiwan na namin kayo!"

Paalam ng mga ito. Ngunit bago paman sila tuluyang makaalis ay nagpaturo na ako kung saan ba dito banda ang kitchen.

Sa awa ng Diyos ay narating ko din ang kusina. Mayroong machine panggawa ng kape pero dahil sa wala naman kami nun kaya hindi ko iyon alam gamitin. Sa takot na baka makasira pa ako ng gamit ay mas pinili ko nalang magpakulo ng tubig gamit ang electric kettle na naroon. At infairness ha, mukha itong mamahalin kahit mukhang lumang istelo rin ang itsura nito.

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon