***
Ikinuwento ko ang lahat kay Teo mula sa pagpapalayas sa amin sa aming tirahan hanggang sa trahedyang ikinamatay ng aking mga magulang.
~Flashback~
Papasok na ako sa aming bahay galing sa eskwelahan no'ng marinig kong may kausap sila Mama at Papa.
Fred, Analyn, pinapaalis na tayo sa lupaing ito. Dahil ayon sa abogado nitong may-ari ng lupa ay idedevelop umano ang lugar natin at patatayuan ito ng first class condominium. Sisimulan na diumano nila ang project kaya kailangan nadaw natin lisanin ang lugar na ito agad-agad.
Desperadong pahayag ng pinuno nitong aming kumonidad.
Pero paano na ang mga pamilya natin, Rodulfo? Ang mga anak natin? Basta nalang ba tayong aalis dito at hahayaan ang mga mayayaman na 'yun na tratuhin tayong parang mga basura na basta nalang nilang wawalisin at itatapon ng ganun-ganun nalang?!
Bakas na bakas ang galit sa tinig na pagtutol ni Papa sa tangkang pag-papaalis sa amin sa aming mga tirahan.
Hindi na ba natin sila maaring pakiusapan, Rodulfo? Dito na tayo nagsipag lakihan. Dito narin tayo bumuo ng ating mga kanya-kanyang pamilya. Subukan ulit nating makiusap!
Pagsusumamo ni Mama. Naikuyom ko ng mahigpit ang aking mga palad sa sobrang galit na aking nararamdaman.
Ilang beses na natin iyong ginawa, Analyn. Pero hindi nila tayo dininig. Bibigyan naman diumano tayo ng compensation. Bawat pamilya ay makakakuha ng 50,000.
50,000, Rodulfo? Hanggang saan makakarating ang halagang iyon? Sa atin itong lupa! Galing ito sa ating mga ninuno na inagaw ng mga gahamang iyon!
Nanggigigil sa galit na sigaw ni Papa.
Alfredo, kumalma ka!
Awat ni Mama, kay Papa. Tumulo ang mga luha ko sa awa para sa aking mga magulang. Kitang-kita ang kawalang pag-asa sa itsura ng mga ito. Bagsak ang mga balikat ni Papa habang nakakuyom ang mga palad nitong nakapatong sa mesa.
Maging ang pinuno ng aming kumunidad ay bagsak narin ang balikat sa kawalang magawa.
Parang pinipiga ang puso ko na makita ang aking mga magulang sa ganoong sitwasyon.
Walang tigil sa pagluha si Mama habang pinapakalma nito si Papa.
Bakit kasi may mga taong sakim at makasarili?! Mayayaman na nga gusto pa lalung magpayaman! Bakit kapag mahirap ka ay lalu kapang pahihirapan?! Bakit may mga taong walang puso kagaya nila?!
Ilang araw ang lumipas na tahimik ang aming kumunidad. Hanggang isang umaga ay nagising ako sa mga kalabog na nanggagaling sa labas at sa sigawan ng mga tao. Agad kong pinuntahan sila Mama at Papa sa kwarto nila ngunit wala akong nadatnan.
Sinilip ko kung ano'ng kaganapan ang nangyayari sa labas, bakit ganun nalang ang nililikhang ingay.
Naitakip ko sa bibig ang aking palad pagkakita sa mga nangyayari sa aming lugar. Isang malaking bulldozer ang agad kong nakita hindi kalayuan sa aming tahanan. Unti-unti nitong sinisira ang bawat bahay na madaanan.
May mga fire track din na bumubuga ng malakas na tubig para hawiin ang mga tao.
May mga nagliliparang mga bato at kung anu-ano pang mga bagay. Kitang kita ko kung paanong gawing barikada ng mga tagaroon sa aming kumunidad ang kanilang mga sarili.
Kapit bisig ang mga ito upang harangin ang mga nagtatangkang gibain ang aming mga tirahan, ngunit tila langgam naman sa dami ang mga pulis at sundalo na naroon na pursigidong paalisin ang mga nakabarikadang katawan ng mga tao.
