heart_angel85
***
Bacolod-Silay International Airport (15:45pm Arrival)Bago lumapag ang eroplano ay makikita mo na ang magandang lupain ng Negros Occidental kung saan ang pinaka main source of income ng mga naninirahan doon ay ang malalapad na mga lupain ng tubo. Kaya siguro tinawag din itong SUGAR CAPITAL OF THE PHILIPPINES.
Nabusog ang aking mga mata sa kakatanaw sa maaliwalas na kapatagan. Kaya parang bulang naglaho ang aking mga agam-agam tungkol sa maaari kong makasalubong sa lugar na ito.
"May aswang nga kaya sa ganito ka gandang lugar?"
Wala sa sariling naiusal ko. Napalingon ako sa aking katabi nang marinig ko itong tumawa. At nalaglag ang panga ko pagkakita sa anyo nito. Nakasuot ito ng mamahaling designer brand ng sunglasses kaya hindi mo makikita ang kanyang mga mata ngunit makikita mo naman ang magandang pagkakahulma ng matangos na ilong nito at ang mapuputi nitong mga ngipin na lumitaw dahil narin sa pagtawa nito.
"Miss! Laway mo baka tumulo! Hahaha!!!"
Tumatawang anito bago tumayo at maglakad na papunta sa exit ng eroplano.
"Aba! Hindi naman yata aswang ang meron dito, kundi hambog na siraulo! Aba'y tumatawa ng wala namang nakakatawa. At ano'ng sinabi niya..? Baka tumulo ang laway ko? Aba! Ang kapal niya, ha! Porke't matangos ang ilong, maganda ang mga labi at mapuputi ang kanyang mga ngipin at masasabi kong ubod siya ng gwapo kahit hindi ko pa makita ang kanyang mga mata na sa palagay ko ay perpekto din ang pagkahulma, eh, tutulo na ang laway ko dahil sakanya...gosh!"
Bubulong-bulong na wika ko habang kinukuha ang aking maleta sa itaas na bahagi ng kinauupuan ko.
"Pero in fairness, ha, may itsura siya."
"Ooopsss..! Correction! Hindi lang may itsura, gwapo nga talaga siya kahit hambog siya."
"Siguro kung mga kamukha niya ang mga sinasabi nilang aswang dito, eh.. Okay narin atleast di gaanong scary, hehe..."
"Maayong hapon, mam! May bagahe ka?"
Nakangiting bati sa akin ng isang mamang naka t-shirt na kulay blue kapareho ng iba pang mga kalalakihan na tumutulong sa pagbubuhat sa mga bagahe ng mga pasahero. Marahil ay isa ito sa mga porter. Ginantihan ko rin ng magandang ngiti ang pagbati nito sa akin.
"Wala po akong ibang bagahe, Manong. Itatanong ko lang po sana kung saan ako dito maaaring sumakay papuntang Hacienda de Catalina?" Tanong ko kay manong na malapad ang pagkakangiti sa akin na akala mo e nakakita ng artista sa pagkakatitig sa akin.
"Bakasyonista kalang diri mam?"
Jusko ano kaya 'tong sinasabi ni manong. Bakasyonista lang ang naintindihan ko at Ma'am sa mga sinabi niya.
"Ah, eh.. Ang ibig niyo po ba'ng sabihin ay kung magbabakasyon lang ako dito?" Tanong ko rito.
"Pasensiya na po, ha... Hindi po kasi ako marunong mag hiligaynon." Medyo pilit ang ngiting sabi ko pa kay manong.
"Ay, ganun ba?"
"Opo, manong. Pwede niyo ba'ng ituro sa akin kung saan ako pweding sumakay papuntang Hacienda de Catalina?"
Muli kong inulit ang tanong kasi parang gusto na yatang makipag kwentohan ni manong sa'kin, hehe...
"Medyo may kalayuan pa mula dito ang Hacienda de Catalina, Day.("INDAY or DAY"Normal na panukoy dito sa probinsya ng mga kababaihan lalu na kung dayo o hindi kakilala) Pwede kang magtaxi diyan sa labas. Pero hanggang sa bayan lang naghahatid ang taxi. Bawal kasi ang kahit na anong pampublikong sasakyan na papasok sa Hacienda, private property na kasi iyon."Mahabang kuda ni manong.
