Hacienda de Catalina

119 2 0
                                    

A/N : Ang lahat ng nakasulat na pangalan ng tao kaganapan at lugar ay purong kathang isip lamang. Alin mang pagkakahawig sa totoong buhay ay nagkataon lamang.

Ps : Pagpasensiyahan po ang mga grammatical at typo errors. SALAMAT!

heart_angel85

Enjoy Reading!

~SIMULA~

"Ms. Isabella Muñez!"

Halos hindi na ako makahinga ng marinig kong tawagin ng empleyado ng agency na aking ina-applyan ang aking pangalan. Agad akong tumayo at inayos ang aking sarili bago lumapit dito.

"Good morning, ma'am! I am Isabella Muñez po!" Pagpapakilala ko dito.

"You're next. Please follow me."

Seryosong anito bago muling pumihit pabalik sa loob ng silid kung saan ini-interview ang mga aplikante. Sumunod ako papasok sa loob ng silid na iyon. Pagkapasok ko ay bumungad agad sa akin ang medyo may edad ng babae. Nakasalamin ito at kitang-kita ang pagiging istrekto basi sa itsura nito at sa paraan ng pagkakatitig nito sa akin. Kaya lalung kumabog ang aking dibdib sa tindi ng kaba sa maaring kahinatnan ng interview kong ito.

"Have a seat!"

Iminuwestra nito ang upuang nasa harap ng lamesa nito. Inilahad din nito sa akin ang kanyang kamay kaya iniabot ko ang hawak kong folder kung saan nakalagay ang aking mga credentials. Saglit niya itong pinasadahan ng tingin bago bumaling sa akin.

"So, you don't have any experiences in the hospitals except for your OJT. Hindi karin nakapag take ng board exams. What is the reason for me to hire you then?" Matalas ang tingin na tanong nito sa akin, kaya mas lalu pang nagkarambola ang mga kabayo sa dibdib ko. Inayos ko muna ang sarili at nilunok ang namuo kong laway at pinalakas ang aking loob bago sumagot.

Hindi pweding hindi ako matanggap dito dahil baka makalbo na ako ng tiyahin ko kapag umuwi ako ng wala paring nakukuhang trabaho.

"Kaya mo yan Isabella! Aja!" Sabi ko sa isip ko para mapalakas ang aking loob.

"Yes, ma'am! Sa ngayon po kasi ay financially unstable kami kaya po hindi ako nakapagtake ng board exam. Kaya nga po sinisikap kong makapasok ng trabaho at makapag-ipon para po sa susunod ay makapag take na ako. At tungkol naman po sa experience, wala pa nga po akong experience pero makakaasa po kayong maayos ako magtrabaho at higit sa lahat ay mapagkakatiwalaan ninyo ako pagdating sa pag-aalaga ng pasyente dahil mahaba po ang aking pasensiya. Kaya ko rin pong magtiis gaano man po kahirap alagaan ang pasyenteng ibibigay ninyo sa akin. Masayahin din po ako kaya paniguradong mabilis na gagaling ang mga magiging pasyente ko. Saka kung titingnan niyo rin po yung mga evaluations ko sa mga OJT's ko ay puro po positive." Mahaba, masigla at taas noong sagot ko sa nag-iinterview.

Biglang nagsalubong ang kilay nito kaya kinabahan ako. Napayuko ako pati balikat ko ay bumagsak dahil sa naging reaksyon nito. Sa nakikita ko ay wala na akong pag-asa.

"Hay... Isabella! Ihanda mo nalang 'yang tainga at buhok mo pagkauwi mo mamaya!"

Mataman itong nakatingin sa  aking resumè saka ito susulyap sa akin na tila nais nitong basahin ang laman ng aking isipan.

"Don't be upset Ms. Muñez. I think you will be fit for the position." Seryosong anito.

Parang isang anghel ang narinig kong nagsalita kaya pakiramdam ko ay may biglang bumanat sa magkabilang gilid ng aking bibig kaya ganun nalang kalapad ang mga ngiting rumihestro sa aking mukha. Mabilis akong napatayo at inabot ang kamay ng nag-iinterview sa akin.

"Ma'am! Thank you! Thank you po! Hulog kayo ng langit sa akin, maraming-maraming salamat po!!!" Galak na galak na wika ko dito. Tumikhim ito kaya bigla akong napabitaw sa mga kamay nito.

"Pasensiya na po, ma'am, na over whelmed lang po! Hehe..."
Napapailing itong ngumiti at tumingin sa akin ng makahulugan.

"But, Ms. Muñez... Are you willing to work outside Metro Manila?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.

"Outside Metro Manila, ma'am? Saan ho ba? North Luzon o South Luzon?"
Malapad parin ang ngiting tanong ko. Pero umiling ito saka mataman ako nitong tinitigan, tila ba inaanalisa nito ang magiging desisyon ko.

"It's in Region VI, Ms. Muñez!" Nang-aarok ang mga tingin nito sa akin.

"Region VI ,ma'am?!"
Biglang nanlaki ang mga mata ko at sa sobrang laki ay halos lumuwa na talaga ang mga eyeballs ko. Tumaas ang isang kilay nito pati narin ang sulok ng kanyang labi.

"Yes! Negros Occidental to be exact!" Marahil ay nabanaag nito ang pag-aalinlangan sa mukha ko kaya mabilis ako nitong binigyan ng option. "It's up to you, Ms. Muñez, take it or leave it."

Napaisip ako bigla dahil sa lugar na binanggit nito.

"Gosh! Hindi ko maimagine kung gaano kalayo iyon? Paano na ang beautiful skin ko?! Baka mangitim ako doon and worst baka maraming aswang doon! Iyon pa naman ang mga napapanood ko sa tv at nababasa ko sa mga pocketbooks, na madami nga daw aswang sa probinsyang iyon! Gosh!"

"Are you okay, Ms. Muñez?!"

Naputol ang pag-iisip ko nang magtanong iyong taga interview.

"Ah... Eh... Yes, ma'am! Okay lang po ako! Ah... Ma'am, matanong ko lang ho, magkano ba yung magiging sahod ko kapag tinanggap ko iyong alok ninyo?"

Nagpakawala ito ng evil smile kaya nanayo ang mga balahibo ko sa buong katawan.

"A salary that no one can refuse, Ms. Muñez..." Makahulugang wika nito.

"Talaga po?!!!"

Na curious ako bigla kaya talagang nakaantabay ako sa isasagot nito.

"Yes! 100K! With all the benefits that every nurses deserves to have, Ms. Muñez."

"100K?!!! As in ONE HUNDRED THOUSAND PESOS???!!!"

Nanlalaki ang mga matang tanong ko dito at halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng tumango ito. Dahil sa kumpirmasyon nito ay walang pagdadalawang isip kong tinanggap ang alok nito.

"Gosh! Tatanggi paba ako? Ikaw kaya?! Umaatikabong 100K plus all the benefits?! Gosh! Baliw lang ang tatanggi sa ganoon ka gandang offer! Kiber na kahit sangkatirbang aswang pa ang meron sa lugar na yun! LOL! Kaya... AJA! Isabella!!!"

~To Be Continued~

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon