Hacienda Catalina(17)

33 2 3
                                        

***

Halos manigas ako sa aking kinatatayuan ng tawagin ni Señorita Amelia ang anak.

"Teo, hijo!"

Tawag nito sa anak na kasalukuyang inaalalayan ang kanyang lola kasama ang kanyang ama at si Eufem, na masayang binabati ang mga bisitang nasa pinakamahabang lamesa. Marahil ay ang mga iyon na ang tinutukoy ni Nay Lita na mga pamangkin at iba pang mga apo ng Donya sa mga ito.

Dahil sa pagtawag ni Señorita Amelia kay Teo ay natawag din nito maging ang pansin ng mga kaanak. Pakiramdam ko tuloy ay malulusaw sa nerbiyos ang aking mga binti ng pati ang mga ito ay magsilingunan din sa gawi namin ng Señora.

"Hijo, please introduce, Isabella, to our family!" Magiliw na utos ni Señorita Amelia sa anak ng makalapit ito sa amin.

"Naku, Señorita, nakakahiya ho," tutol ko sa suhestiyon ng Señora.

"No, hija...walang nakakahiya roon! Isa ka sa pinakamalaking bahagi sa mabilis na paggaling ng Mama, kaya huwag kanang mahiya." Anito sa akin.

Tatanggi pa sana ako ng bumaling ito sa anak at abutin ang kamay nito saka ipinatong sa palad ni Teo ang aking kamay.

Nanigas ako ng maramdaman ko ang tila kuryenteng nagmula sa mga palad naming nagkadikit.

Napayuko nalang ako dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang tignan sa mga mata si Teo. Hindi parin kasi mawala sa isipan ko ang mga salitang binitiwan nito noong nakaraang araw.

She's just, Mamita's, private nurse...

Sa tuwing maaalala ko iyon pakiramdam ko ay nanliliit ako.

Tapos ito ako ngayon nakisali pa sa party para kay Doña Catalina. Baka kasi isipin ni Teo na sinasamantala ko ang kabaitan sakin ng kanyang mga magulang lalu na ng kanyang lola.

Pwede bang lumubog nalang ako dito sa kinatatayuan ko? O kaya naman ay maglaho nalang akong bigla?

Kaso imposibleng mangyare ang mga iyon dahil wala naman kami sa fairytale at lalung wala naman akong kapangyarihan.

Lord, help me please...

"Bakit ka nakayuko, Angry Girl? Baka isipin ng mga tao dito inaaway kita..." nagitla ako ng ibulong iyon ni Teo sa mismong tainga ko. Para akong na goosebumps ng sabay na magtayuan ang aking mga balahibo. Iba talaga ang epekto ni stranger sa akin.

"Ha?" Tanging kataga na lumabas sa bibig ko.

Pag angat ko kasi ng aking paningin ay para akong malulusaw sa paraan ng pagkakatingin sakin ni Teo.

Paghanga ba ang nakikita ko sa mga mata nito?

Shit! Imahinasyon nanaman yata itong nakikita ko.

"You look so lovely tonight, Angry Girl." Papuri nito sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin.

Para tuloy tumama sa lotto ang puso ko kung makatalon.

Lord panaginip po ba ito?

Pwede bang wag na po magwakas?

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya itinikom ko nalamang ang aking bibig na umawang.

Nagpatianod ako ng maglakad si Teo papunta sa lamesang kinaroroonan ng kanyang mga kamag-anak.

"Everyone, this is Isabella Muñez. The person behind, Mamita's fast recovery." Pagpapakilala nito sa akin na ikinagulat ko.

Iba kasi ang pagpapakilala nito sa akin ngayon di tulad noong araw na dumating si Eufem.

Hacienda De Catalina Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon