A/N : Enjoy Reading!
Habang tinatahak namin ang daan papasok sa Hacienda ay hindi ko maiwasan ang mangilabot dahil sa mga tunog ng iba't-ibang hayop na nadadaanan namin. Malalaking puno ang mga nakahilera sa daanan kaya presko ang hangin na nalalanghap ko.
Pero dahil sa isiping maraming aswang ang lugar na ito ay halos hindi ko mafeel ang kalinisan ng hangin dahil lalu lang naninindig ang aking mga balahibo.
Kakaibang pakiramdam ang dala ng hangin habang dumadampi ito sa aking balat. Ramdam na ramdam kong malayo na ako sa mapolusyong syudad ng Maynila.
Habang dinadama ko ang hangin ay ramdam ko naman ang paminsang pagsulyap sa akin ng estrangherong tagapagligtas ko.
"Oo. Estranghero parin kami pareho sa isa't-isa dahil wala sa aming dalawa ang naglakas ng loob na kilalanin o magpakilala sa isa't-isa."
Maliwanag ang buwan kaya maaaninag ang mga dahon ng tubo na sumasabay ang pagkumpas sa hangin. Ang ganda ng kalangitan dahil sa mga bituing nagkikislapan. Paano nga kayang nagkaroon ng masasamang elemento sa ganito kagandang lugar?
Pumikit ako upang lalung damhin ang masarap na pakiramdam dulot ng malamig na simoy ng hangin. Pansamantala kong iwinaksi ang nakakakilabot na isipin sa lugar na ito.
Summer pero hindi ko manlang madama ang init na dala noon. Ibang iba sa Maynila na kapag ganitong panahon na ay para ka nang nasa loob ng pugon kung hindi naka aircon ang bahay mo. Pero dito libreng libre ang ganito kasarap at kasariwang hangin.
"Ehem!"
Napadilat ako ng tumikhim ang estranghero, marahil ay inisip nitong nakatulog na ako.
"Bakit?"
Baling ko dito. Kitang-kita ko ang paggalaw ng muscle nito sa braso sanhi ng pagkambyo nito. Lumingon ito sa akin ngunit saglit lang at muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho.
"I wonder why you are here?"
Seryosong tanong nito habang tutok parin sa pagmamaneho.
"Caregiver ako at mayroon akong aalagaan na pasyente sa Hacienda de Catalina." Tugon ko, habang inaaninag ang mukha ng estranghero. Masyadong seryoso ang itsura nito habang tutok sa pagmamaneho
"I see."
Tipid na tugon nito. "Grabe, hambog, siraulo, action star, suplado ngayon naman a man of a few words. Hanep!"
"Ako nga pala si Isabella."
Nakangiting pagpapakilala ko ngunit ni hindi manlang ako nilingon nito. "Dedma ang beauty mo te!"
"Ahem!" Tumikhim muna ako bago lakas loob na tinanong kung ano ang pangalan ng estranghero. "Ikaw ano nga palang pangalan mo? At salamat nga pala tinulungan mo ako kanina."
Nakangiti ko paring sinabi 'yon. Pero letse! Ni hindi manlang ako lingunin! Mukha tuloy akong tanga!
"Bingi yata 'to, ah."
Bulong ko nang hindi ako makakuha ng sagot mula rito.
"I heard you clearly, I-sa-be-lla!"
Patuyang wika nito na talagang inisa-isa pa ang pagbigkas sa bawat kataga ng pangalan ko."Nyeta hindi naman pala bingi pero hindi manlang nasagot!"Pabulong na reklamo ko. Pero may sa dwende yata ang radar ng tainga ng hinayupak kaya nasagap parin nito ang himutok ko.
"Hey! Stop cursing!" Sita nito sa'kin.
"Expression ko 'yon kaya pasensiya!"
Inirapan ko ang estranghero at saka ako humalukipkip sa inuupuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/77161295-288-k989747.jpg)