Hacienda de Catalina(18)

29 1 2
                                    

***

Nang lumalim na ang gabi ay unti-unti nang nagsi-alisan ang mga bisita. Nagpahatid narin sakanyang silid si Doña Catalina.

Pagkatapos kong maihatid ang Donya sa silid nito ay tutungo narin sana ako sa aking silid ngunit hinila ako ni Eufem pabalik sa handaan.

"Isabella, the night is not yet over! Let's have fun!" Masayang anito. Ang isa niyang kamay ay may hawak na baso na may lamang alak. Mukhang may tama na ito base sakanyang kilos.

"Hindi, sige, kayo nalang." Tanggi ko.

"Ooops! I won't accept, No, kaya halikana!" Pamimilit pa nito.

Hinila niya ako pababa sa hagdan kaya hindi na ako nakatutol pa.

Hindi na kami sa malaking bulwagan ng mansyon tumuloy. Sa halip ay sa may bahagi na kami ng swimming pool tumungo.

May sinet-up pala silang mini bar sa bahaging iyon. Di tulad kanina iilan nalang ang mga bisitang naroon. Sa tingin ko ay bisita na lamang iyon nila Teo at ng mga pinsan nito. Halos mga kaedaran nalang kasi nila ang mga naroon.

Makabago narin ang mga tugtog at mas maingay na. Palibhasa ay mga nakainom na ang mga ito kaya mas magaslaw na magsikilos.

May naka set up rin na mga disco lights na gawa sa led na may iba't-ibang kulay. Sumasabay rin sa tugtog ang kislap ng mga ito, kaya kahit sino ay mapapaindak din.

Lumapit kami ni Eufem kung nasaan ang isang bartender na nagseserve ng alak. Nakatalikod ito at mukhang may inaayos sa mga lalagyan ng alak at mixing accessories nito.

"Hey, handsome can I have one Pimm's cup, please!" Request ni Eufem sa bartender na agad namang sumunod. Matapos nitong magmando sa bartender ay muli itong bumaling sa akin.

"Don't be shy, Isabella! Just chill and enjoy the night!" Anito sa akin. Winagayway pa nito ang mga kamay sa ere.

"One Pimm's cup for the most beautiful lady I've seen tonight." Anang bartender habang inilalapag ang alak sa harap ni Eufem. Ang mga tingin nito kay Eufem ay napakalagkit na para bang si Eufem lang ang kanyang nakikita. Kitang-kita naman ang pagkagulat sa itsura ni Eufem.

Napakagwapo naman ng bartender na 'to...

Sa mga nakikita ko kasi sa tv parang hindi naman ganito ang itsura ng mga bartender.

Oo, mga gwapo nga sila pero hindi naman kasing gwapo nitong nasa harapan namin ngayon.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kakaiba kasi ang kanilang titigan na tila ba sila ay nagkakaintindihan.

Magkakilala siguro ang dalawang 'to.

Nasaksihan ko kung paanong ang masayahing awra ni Eufem kanina ay biglang magbago.

"Anong ginagawa mo rito?" Tila napopoot na tanong nito sa bartender.

Sabi na eh, magkakilala nga sila...

Ayokong makitsismis kaya dinampot ko nalang ang alak na ginawa ng bartender at nagpaalam na sakanilang dalawa.

"Excuse me, Eufem doon lang ako ha," Paalam ko pero parang hindi ako narinig ni Eufem kaya naglakad na ako palayo sa kanila.

Beer at mumurahing Gin bilog lang ang natikman kong alak kaya ng matikman ko ang ibinigay nilang alak sakin nanibago ako sa lasa nito.

"Ang sarap naman nito!" Manghang sabi ko. Tiningnan ko pa ang hawak ko na basong may laman na alak.

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon