Hacienda de Catalina 20

15 1 0
                                        

heart_angel85

3rd POV

Early Morning

"Good morning handsome!" Bungad na bati ni Eufem kay Teo. Nasa terrace ito at may hawak na tasa ng kape. Kasama ni Eufem ang iba nilang mga pinsan nang datnan ni Teo ang mga ito. Ang aga-aga naghuhumiyaw na ang itsura nito sa kaartehan.

"Good morning po kuya naming handsome!" Sabay-sabay din na bati ng mga magpipinsan kay Teo.

"Good morning!" Walang kagana-ganang bato nito sa kanila. Kumikirot kasi ang kanyang sintido dahil sa dami ng nainom nang nagdaang gabi.

"Hey! Bakit parang pasan mo ang mundo, eh, napakaganda ng umaga?" Mapang-asar na puna ni Eufem sa pinsan.

"Naku, po, Ate Fem! Busy ka masyado kagabi kaya dimo alam ang mga kaganapan!" Si Nicolette

"Oo nga, Ate Fem!" Parang choir na Sabay-sabay nilang tugon.

"Ano ang ibig ninyong sabihin" kuryosong tanong nito.

"Iyang si kuya inaway ba naman si ate Isabella, kaya ayun tuloy walk away ang drama ni ate girl." Muwestra ni Nicolette kay Teo.

"So you mean, umalis si Isabella nang hindi kayo okay?" Natatawang anito kay Teo.

"Anong umalis? Kagabi lang yun, winalk-out-an ako." Asar na tugon naman ni Teo.

"Hello! Isabella is gone!" May pa tirik pa ng matang ani Eufem.

"What do you mean Isabella is gone?" Kunot noong pangungumpirma nito kay Eufem.

"She's gone! She left! She went back to Manila. Duh...!" Maarteng anito pa.

"What?" Napatayo mula sa kinauupuan si Teo dahil sa sinabi ng pinsan.

"Gulat na gulat, couz?" Mapang-asar na ani Eufem.

Tila nawalang bigla ang hang ups ng binata sa nagdaang gabi dahil sa sinabi ni Eufem.

Hindi na nito pinansin pa si Eufem. Mabilis na itong tumakbo paakyat at tinungo ang silid ni Isabella. Malinis at maayos ang kama. Wala itong bakas na may natulog doon ng nagdaang gabi. Kinatok nito ang cr bago iyon buksan ngunit walang tao. Pinagbubuksan din nito ang mga kabinet. Maging ang mga iyon ay malinis na at wala nang mga gamit na laman. Napaupo na lamang si Teo sa kama at nakayukong inihilamos ang mga palad sa kanyang mukha.

"Wala na siya, hijo. Bumalik na si Isabella ng Manila." Hindi nito namalayang pumasok ang kanyang abuela sa kwarto.

"This can't be, Mamita. Hindi siya maaring bumalik ng syudad." Desperadong turan nito. Naisuklay nito ang mga daliri sakanyang buhok.

"Ano ang ibig mong sabihin, hijo?" Nagtatakang tanong ng donya.

"She's in danger..." Hindi na naitago ng binata ang pag-aalala sakanyang tinig.

"I don't understand you, hijo?"

Ipinaliwanag ni Teo ang lahat kay kay Donya Catalina at tulad ng inaasahan nito ay nagulat ito sa nalaman.

"Go and save her." Nag-aalalang mando ng kanyang lola.

"I will, Mamita." Pangako nito hindi lang sa Donya kundi sakanyang sarili.

Humalik ang binata sa noo ng kanyang Mamita bago ko ito tinalikuran at nagmamadali na itong tumungo sakanyang silid. Una nitong tinawagan ang FESA saktong naroon si Lander kaya hindi na siya nahirapang hagilapin pa ito.

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon