A/N : Pasensiya na sa mga grammatical & typo errors. Enjoy lang!
*Kinabukasan*
Maaga parin akong nagising dahil sa tilaok ng mga tandang. Pagkabangon ko mula sa higaan ay hindi agad ako pumunta ng banyo sa halip ay dumungaw ako sa malawak na bintana habang nagtatanggal ng muta.
Agad nakipag niig ang malamig na ihip ng hangin sa aking balat. Niyakap ko ang sarili dala ng malamig na simoy ng hangin at ng hamog sa umaga. Madilim pa ang paligid ngunit hindi ito naging balakid upang makita ko ang kagandahan ng paligid.
"Napakaganda talaga dito. Kung sana ay pwede lang na dito na lamang akong manirahan. Hay...kaso hindi, eh, pansamantala lamang ang lahat ng ito."
Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang maisip kong pansamantala lamang ang lahat ng tinatamasa at nakikita ko ngayon.
"Hay... Isabella! Wala naman talagang permanente sa mundo, ano kaba! Kaya nga nalalanta ang mga bulaklak. Nanunuyo ang mga damo at dahon at higit sa lahat namamatay ang mga hayop at mga tao. Wala talagang permanente sa mundo. Kaya iwaglit mo na 'yang lungkot na 'yan at mag focus nalang sa dahilan ng pagparito mo!"
Matapos kung gawin ang mga obligasyon ko nang umagang iyon ay nagpasya akong libutin ang paligid ng mansyon. "Oo! Dahil pangalawang araw ko na dito at hindi ko parin naiikot ito sa sobrang lawak!"
Paglabas ko sa entrada ng mansyon ay may humintong magarang sasakyan. Marahil ay myembro ito ng pamilyang Aragon. Saglit akong tumigil upang batiin ang mga bagong dating.
Umibis ang isang babae at lalake mula sa passenger seat. Base sa mga itsura ng mga ito ay nasa 50's na ang mga edad, pero nagmamalaki ang kasosyalan sa awra ng mga ito. Ang lalake ay parang older vesion ni stranger, marahil ay ito ang kanyang mga magulang. Tumabi ako kay Nay Lita at nakisabay sa mga ito na batiin ang mga bagong dating.
"Magandang umaga Señor Julio at Señora Amelia!"
Sabay-sabay na bati ng mga kasambahay bago yumuko ang mga ito. Nakangiti ring binati ng mag-asawa ang mga kasambahay.
"Magandang umaga din sa inyo, Lita!"
Napatingin ang mga ito sa akin kaya inilabas ko ang pinakamaganda kong ngiti saka binati ang mga ito at nagpakilala.
"Magandang umaga po, Señor, Señora! Ako nga po pala si Isabella. Ako po ang tagapag alaga ni Doña Catalina."
"Magandang umaga din sa'yo, hija! Kamusta na ang Mama?"
Malambing na wika ng magandang Señora.
"Mabuti naman po! Sa ngayon po ay nagpapahinga pa si Doña Catalina."
Matapos ang batiang iyon ay tumuloy na ang mga ito kaya tumuloy narin ako sa aking balak ng umagang iyon.
Umikot ako sa bahagi ng mansyon kung saan naroon ang olympic size na swimming pool. Sa sobrang laki nito ay hindi mo agad mapapansin ang taong nagpapalutang-lutang doon.
Hindi ko ito pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad. Ang ganda ng pagkakaayos ng gawing iyon kung saan puno ng bermuda grass ang paligid. May maliliit na cottage kaya nagmukha itong resort. Naglakad pa ako papunta sa may bandang gawing dulo nito. May kulay puting bakod kung saan matatanaw mo ang gawing kabila nito.
