Hacienda de Catalina(7)

31 2 0
                                    

***

Tatlong araw na nanatili sa ospital si Teo, at sa loob ng tatlong araw na iyon ay halos hindi kami nag-iimikan. Hanggang sa makauwi kami ng bahay ay ako parin ang nag-aasikaso sakanya.

Sobrang bigat na ng nararamdaman ko at hindi ko na ito matagalan kaya nagpasya na akong linawin dito ang hindi namin pagkakaunawaan.

Pagkalapag ko ng mga pinagkainan nito ay muli ko itong hinarap. Pero hindi niya manlang ako tinitingnan.

"Teo, gusto ko sanang humingi ng paumanhin sa nagawa ko sa'yo. Hindi ko sinasadyang mapukpok kita nga vase."

"Forget about it. No one has to blame."

Matabang na wika nito na hindi manlang ako nilingon o kahit sulyapan man lamang. Parang may kung anong parte sa akin ang sumakit sa paraan ng pakikitungo nito sa akin. Dahil doon ay nag-init nanaman ang aking mga mata pero sinikap kong pigilan ang namuong mga luha.

Paano ko naman siya kakausapin kung ganito kalamig ang pakikitungo niya sa akin.

Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago muling nagsalita upang magpaalam.

"I think you're okay now. Dapat sigurong si Doña Catalina na ulit ang alagaan ko. Tawagin mo nalang si Nay Lita kapag may kailangan kapa."

Tinalikuran ko na ito upang kuhanin ang kanyang pinagkainan at lumabas na ng kwarto pero narinig ko itong nagmura.

"Bullshit!"

Nabitawan ko ang tray na pinaglagyan ng pinagkainan ni Teo ng bigla nalang ako nitong kabigin sa beywang at mariin nitong inangkin ang mga labi ko.

Napapikit ako sa paraan ng paghalik nito na tila gusto nitong iparating sa akin ang galit sa pamamagitan ng mga halik na iyon.

"Shit! First kiss ko kaya 'to!  Bakit ganun? Diba sabi nila kapag first kiss matamis at masarap? Bakit sakin masakit at mahapdi?"

Sabagay hindi na nga pala first kiss to kasi hinalikan ko na siya habang siya ay tulog sa ospital. Pero kahit pa, diba dapat ay masarap to katulad sa mga panood at mga nababasa libro?

Teka...hindi kaya first time ito ni stranger at hindi rin siya marunong kaya masakit siya humalik?

Habang tumatagal ay padiin ng padiin ang ginagawa nitong paghalik kaya talagang nasasaktan ng mga labi ko.

Nagtangka akong itulak ito dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking mga labi ngunit lalu lamang nitong dinidiinan ang mga labi ko. Kinuyumos ko ang likurang bahagi ng suot nitong t-shirt dahil sa sakit na dulot ng paghalik nito ngunit wala parin iyong epekto. Hanggang sa namalayan ko nalang na ang mararahas na mga halik nito ay unti-unting naging banayad.

Naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi, marahil ay dahil sa iba't-ibang damdaming dulot sa akin ng mga halik na iyon.

Pinunasan nito ang mga luha ko at kinabig ako nito ng yakap. Hindi lang basta yakap kundi sobrang higpit na yakap.

"I'm sorry, angry girl, i'm sorry!" Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. "Did I hurt you that bad?" Umiling ako pero panay ang landas ng mga luha ko. "Shit! I'm really that bastard to make you cry! I'm sorry!"

Muli akong niyakap ni Teo. At narinig ko siyang tumawa, samantalang ako ay gulong-gulo na.

Bakit niya ako niyakap at hinalikan tapos magso-sorry? Ang gulo naman ng taong 'to!

Maaaring si Teo na nga si Mr. Right. Ngunit paano ako makakasigurong siya nga ang Mr. Right ko na nakalaan para sakin?

"Teo! Kailangan ko nang lumabas, pupuntahan ko pa ang Mamita mo."

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon