***
May katagalan narin akong nanatili dito sa hacienda ngunit hindi ko parin naiikot ang kabuuan nito.
Nagawi ako sa bahagi ng mansyon na may mga nakatanim na puno ng mahogany. Nasa likurang bahagi ito ng mga medicinal plants kaya hindi mo agad ito mapapansin.
May naririnig akong lagaslas ng tubig kaya sinundan ko kung saan ito nanggagaling.
Mas maraming puno na ang naroon. Yung iba ay malalapad ang mga katawan at may mga baging na nakasabit. Halatang may edad na ang mga punong ito kaya marahil ay ganun nalang kadami ang mga nakasabit dito.
Marami karing maririnig na huni ng ibon. Mga nagliliparang paru-paro at iba pang mga insekto.
Nalibang ako sa paligid kaya hindi ko na napansing napalayo na pala ako sa mansyon. Palakas ng palakas narin ang naririnig kong lagaslas ng tubig.
Dahil sa kuryosidad at maaga pa naman ay napagdesisyunan kong tahakin nalang ang gawi ng kung saan nanggagaling ang lagaslas ng tubig.
Nang marating ko ang pinakatumbok ng tinatahak kong daan ay bumungad sa akin ang napakagandang waterfalls.
Naingganyo akong lumusong sa tubig dahil sa linaw nito.
"Wala naman sigurong ibang tao dito kaya okay lang naman sigurong maghubad ako."
Kibit balikat na usal ko. Hinubad ko ang suot kung shorts at hanging blouse. Ipinatong ko ang mga ito sa malaking bato na naroon.
Buti nalang pala terno lahat ng bra at panty ko, hehe...
Ternong red lace na bra at panty ang suot ko kaya para narin akong naka two piece.
Ang lamig ng tubig kaya saglit akong nanginig, pero nang masanay ang balat ay na enjoy ko na ang tubig.
Nagpabalik-balik ako sa paglangoy at ng mapagod ay lumapit ako sa falls. Ang sarap sa pakiramdam ng bumabagsak na tubig sa aking katawan.
Napaka relaxing ng tubig at ng buong kapaligiran. Sobrang ganda kasi nito. Masyadong tago ang bahaging iyon kaya marahil ay walang napapadpad doon.
Nagpalutang-lutang ako sa tubig ng nakatihaya at nakapikit. Damang-dama ko ang kapayapaan ng buong paligid. Tanging ang lagaslas lang ng tubig at huni ng mga ibon ang aking naririnig.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang presensiya ng kung sino man kaya nagmulat ako ng aking mga mata.
Agad kong naitakip ang dalawang braso sa aking dibdib pagkakita ko sa madilim na mukha ni Timoteo Aragon.
"A-a-ano'ng ginagawa mo dito?"
Nauutal kong tanong dito. Hindi ko ito matingnan ng diretso dahil sa pagkaasiwa ko sa paraan ng pagkakatingin nito sa akin.
Kitang-kita ko rin ang sunod-sunod na mga paglunok nito maging ang pamumula ng mukha nito.
"Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo, Isabella? What are you doing here?"
Seryosong tanong nito. Bakas sa tono ang pagkadisgusto sa pagpunta ko sa bahaging ito ng hacienda.
"Bulag kaba? Edi malamang nagsu-swimming! Bakit ipinagbabawal ba ang maligo dito sa falls?"
Mataray na tugon ko dito upang maitago ang pagkaasiwa sa mga titig nito.
Ano nanaman kaya ang problema nito? Nagswimming lang naman ako may masama ba do'n? Hirap talaga ispelingin nitong estrangherong 'to!
Kitang-kita ko ang paggalaw ng mga panga nito tanda ng pagpipigil nito ng galit. Nagpakawala pa ito ng isang mabigat na buntong hininga.
Kumabog naman ang dibdib ko ng tignan ako nito mula ulo hanggang paa. Saka ito nagpakawala ng nakakainsultong ngiti.
"Bullshit! Isabella! How many times do I have to tell you to stop exposing your self in this fucking place?!" Galit na bulyaw nito sa akin.
"Wala namang ibang tao dito, Teo! Kaya anong ipinagpuputok ng butsi mo?!"
Galit naring sigaw ko sakanya, dahil hindi ko talaga maintindihan kung ano ang kanyang ikinagagalit. Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa ko. Saka bakit ba niya ako pinagbabawalan...daig pa niya ang boyfriend ko kung makaasta.
Makikitang pilit nitong kinakalma ang sarili basi sa paggalaw ng mga muscle nito sa mukha.
"Look, Isabella. You're just a stranger in this place and you have no idea how many asshole you are satisfying watching your naked body here!"
Kalmado pero mababakas ang galit sa boses na wika nito.
Hindi naman ako naked, ah? Anong tingin niya dito sa suot kung panty at bra, invisible? Pambihira!
Hirap talaga ispelingin nitong taong 'to, nakakaasar!
"Huh! Ano ba'ng pakialam mo sa 'kin, Teo? Saka, teka nga! Namimihasa kana yatang pakialaman ang pananamit ko? Boyfriend ba kita? Ha?"
Kitang-kita ko ang pag rihestro ng pagkadismaya sa mukha nito. Mapakla itong tumawa.
"Yeah! You're right! Who am I to show bullshit concerns!" Malamig pa sa yelong turan nito saka ito tumalikod.
Ang lalaki ng mga hakbang nito kaya mabilis itong nakalayo sa akin.
"Anong problema no'n?"
Naguguluhang usal ko saka sumunod dito. Dinampot ko ang mga damit ko at hindi manlang pinagkaabalahang suotin ang mga iyon.
"Hoy! Teo! Ano ba'ng problema mo?!"
Sigaw ko habang hinahabol ito. Lalad takbo ang ginagawa ko dahil napakabilis nito. Tumigil ito at lumingon sa akin at dinig na dinig ko ang mga pagmumura nito.
"Bullshit! Balak mo ba talagang maglakad ng nakahubad hanggang sa mansyon, Isabella?"
Nanggagalaiting tanong nito while holding the bridge of his nose. His looks full of frustrations kaya gusto ko nang matawa dahil sa itsura nito.
Gosh! He's so damn gorgeous kapag napipikon, kaya hindi ko naiwasan ang mangiti at kiligin.
Hinubad nito ang suot na polo at nagmartsa pabalik saka iyon ibinalot sa akin. Nalanghap ko ang mabangong amoy nito ng magsalikop ang dalawang braso nito paikot sa buo kong katawan, kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi.
Tinitigan kong mabuti ang adams apple nito na perpektong gumagalaw sanhi ng kanyang paglunok. Maging ang mga muscles sa dibdib nito ay hindi ko mapigilang titigan. Para kasing nag-aanyaya ang mga muscles sa dibdib nito na hawakan iyon ng kung sino mang makakasilay sa mga iyon. Napapalunok ako sa bawat pag galaw ng kanyang dibdib. At parang nag-iinit ang kabuuan ko habang tinitingnan ang iyon.
Napakislot ako ng magdaiti ang mga balat namin sa braso. Nagtayuan din ang mga balahibo ko sa braso at parang isang katirbang boltahe ng kuryente ang dumaloy mula doon papunta sa dibdib ko at nagdulot ito ng kakaibang pakiramadam sa akin.
Hindi ko maintindihan pero parang kinikilig talaga ako sa tuwing magkakadikit ang mga balat namin ni Teo. Is this love na nga kaya? Gosh! Ang hirap naman idifine ng love na 'yan!
Nagka crush din naman ako noong nag-aaral pa ako at marami din namang nanligaw sa akin kahit papaano. Pero ni minsan ay hindi ko manlang naranasan ang magka boyfriend, dahil narin sa kahigpitan ng tita ko na wala ng bukambibig kundi ang utang na loob na dapat kong tanawin at bayaran sa kanila.
Hindi ko tuloy ma figure out kung love na ba itong nararamdaman ko o crush parin ito. Pero iba kasi ang kilig ko noon sa mga naging crush ko kesa sa kilig na nararamdaman ko ngayon kapagka si Teo ang nakakasama ko. Banyaga ang naipapadama niya sa akin kaya ang hirap idipina.
Noon kasi kapag may nakita na akong negative sa mga crush ko ay natu-turn off ako kaagad. Pero kay Teo iba. Kasi kahit na nakakaasar siya at minsan nakakagalit narin at mahirap intindihin ay nandun parin ang kilig kapag nagdidikit kaming dalawa. Saka I always felt conscious kapag alam kong nasa paligid siya.
"Miss laway mo baka tumulo!"
Nakakainsultong turan nito na nakapag pabalik sa akin sa reyalidad.
"Shit!"
Palatak ko habang tinitingnan itong umiiling na naglalakad palayo.
~To Be Continued...~
