Hacienda de Catalina(12)

18 0 0
                                        

***
Gaya ng inaasahan ko ay nagulat ang mga taong nakakasulubong ko sa mansyon dahil sa itsura ko. Hindi man diretsahang magtanong ang mga ito sa akin ay alam ko na ang kanilang mga iniisip.

Nasa gitna na ako ng hagdan ng sakto namang makakasalubong ko pababa si Señora Amelia. Nagtataka ang mga tingin nito sa akin. Marahil ay dahil sa suot-suot ko ang damit ni Teo at hawak-hawak ko naman sa aking mga kamay ang sarili kong damit.

"Magandang tanghali po Señorita Amelia!" nahihiyang bati ko rito.

"Where have you been, hija?" Takang tanong nito habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Ah... Eh... Galing ho ako doon sa water falls nag swimming." Nauutal na wika ko. Medyo nangangatog narin dahil sa lamig.

"I see... Sige na, hija, mag bihis kana at mukhang nilalamig kana yata,"

Wika nito na minsan pang pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan.

"Excuse me po!" Nahihiyang paalam ko kay Señora Amelia.

Ngunit napalingon akong muli dahil nahagip ng tingin ko na parang makahulugan itong ngumiti.

Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o dala ng pangangatog na nararamdaman ko kaya marahil ay parang nagdiliryo ako ng gising at nakita kong may makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Señora Amelia, pero nang tingnan ko naman ito ng diretso ay seryoso naman ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Isinawalang bahala ko na lamang iyon at nagmadali nang pumanhik ng hagdan. Ramdam ko ang nakasunod na mga tingin sa akin ng Señora kaya mabilis na akong dumiretso sa kwarto at nagbihis.
Magtatanghalian na pala kaya binilisan ko na ang pagkilos at ng matapos ay pinuntahan ko sa kwarto nito si Doña Catalina.

"Magandang tanghali po Mamita!" Masiglang bati ko dito. "Pasensiya na po kayo at nalate ako ng punta sa inyo. Nawili po kasi ako doon sa water falls sa likod nitong mansyon." Paliwanag ko sa Doña.

"Okay, lang hija. Nandiyan naman si Lita, kaya hindi mo kailangan humingi ng paumanhin." Nakangiting wika ng Doña. Kamusta ang pamamasyal mo, hindi kaba naligaw?"

"Hindi naman po, Mamita. Saka sinundo po ako ni Teo." Nahihiyang tugon ko.

"Mukhang nagkakasundo na kayo ng apo kong si Teo." Nangungumpirmang anito. Hindi ako umimik at tipid na ngumiti lamang. Kabaligtaran kasi ang iniisip ng Doña sa totoong nangyayari sa amin ni Teo.

Tinapik ni Doña Catalina ang gilid nito hudyat na maupo ako roon. Agad naman din akong tumalima at naupo sa gilid ng kama nito.

"Gusto ko ang pagkakasundo ninyo ng apo ko, hija." Nagniningning ang mga matang wika ng Doña. Mabilis na nag-init at namula ang aking mukha sa tinuran nito. Nahihiya man ay may galak akong nadama sa kaalamang iyon. At sa kalooban ko ay parang may nagbubunyi. Kahit pa ang totoo ay ilang sandali palang ang nakakaraan matapos kaming magtalo ni Teo.

Inabot nito ang aking mga palad at tinapik-tapik iyon.

"Hija, kung may gugustohin man akong paghabilinan sa mahal kong apong si Teo..." Pinutol nito ang sasabihin at tiningnan ako ng diretso sa aking mga mata saka ito matamis na ngumiti sa akin. "Iyon ay walang iba kundi ikaw, Isabella. Masaya akong lilisan kung alam kong ikaw ang kanyang makakatuwang sa pagbuo ng kanyang sariling pamilya."

Nag-init ang sulok ng aking mga mata subalit pinigilan ko ang maluha sa mga sinabi ng Doña. Bugso marahil ng aking nadarama kaya mahigpit kong nayakap si Doña Catalina.

"Buong puso ko pong ipinagpapasalamat ang tiwalang inyong ibinibigay sa akin, Doña Catalina. Subalit gustohin ko mang ibigay sa inyo ang inyong nais... Tanging si Teo po lamang ang makakapagbigay katuparan niyon"

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at masuyo akong hinaplos nito sa aking mukha.

"Hija, kayong dalawa ni Teo ang makakapagbigay noon sa akin. Tanging kayong dalawa lamang..."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Halo-halo ang emosyong aking nararamdaman sa mga oras na 'yon. Naroon ang kagalakan sa ibinigay na bindisyon sa akin, ni Doña Catalina... Sa amin ni Teo. Hindi ko sukat akalain na may makikilala akong kasing yaman nila na hindi kasing sakim nung mga mayayamang pumatay sa aking mga magulang.

Subalit mas lamang ang pangambang maaring ako lang ang nakakaramdan ng ganitong klase ng kagalakan. Dahil magpasahanggang ngayon ay hindi ko parin kilala ng lubusan si Teo. Kilala ko lamang ito base sa kwento ng donya sa akin. Hindi ko rin alam ang totoong estado nito lalu na pagdating sa kanyang usaping puso. At nagdudulot iyon ng pangamba at takot sa akin.

Sa mga panahong inilagi ko dito sa mansyon ay hindi ko na maipagkakaila sa aking sarili ang tunay kong nararamdaman. Dahil si Teo ay parang isang kumunoy na unti-unti akong inilulubog at hindi ko alam kong kakayanin ko pang umahon...

Lumipas nanaman ang mga araw na hindi ko napapagkinita si Teo. Nangangamba at nag-aalala man ay wala akong magawa dahil sa isiping wala naman akong karapatang alamin ang pinagkakaabalahan nito.

Palubog na ang araw at heto nanaman ako, umaasang makikita ko si Teo kahit pa hindi ako nito pansinin. Ang mahalaga lang sa akin ay makita ko siyang maayos.

Lumabas ako at pumunta sa harden. Nilibang ko ang aking mga mata na halos buong linggo nang nalulungkot dahil sa pagkabigong masilayan ang taong nais nitong makita sa bawat segundo.

Umupo ako sa duyan na nasa ilalim ng malaking puno habang pinapanood na kinakain ng dilim ang liwanag. Napalingon ako sa daang tumutumbok sa bukana ng mansyon nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng sasakyan. Hindi ako nagkamali, sasakyan nga ni Teo ang paparating. Parang nagpi-pyesta ang kalooban ko pagkakita sa sasakyan nitong tinatahak ang daan patungo sa entrada ng mansyon.

Mabilis akong tumayo mula sa duyan at patakbong tumungo sa entrada ng mansyon. Malapad ang ngiti kong inantay ang pag-ibis ni Teo mula sa sasakyan nito at nasasabik na akong makausap ito, dahil desidido na akong sabihin sakanya ang napag-usapan namin ni Doña Catalina at aminin sakanya ang tunay kong nararamdaman. Matagal ko rin itong pinag-isipan bago ako humantong sa desisyon kong ito. Maaring hindi tama sa paningin ng iba dahil babae ako, pero bahala na...

Parang nag slow motion ang lahat ng bumukas ang pinto sa driver seat at lumabas mula roon si Teo, ngunit napawi ang ngiti ko ng lagpasan lang ako nito at hindi manlang tapunan kahit sulyap. Parang tinaga ang dibdib ko pero hindi ko ininda iyon. Inisip ko nalang na marahil ay hindi lamang ako napansin nito. Akma na akong susundan ito ngunit napatda ako ng hindi ito dumiretso sa pinto ng mansyon. Sa halip ay umikot lamang ito at binuksan ang pintuan sa passenger seat.

Nalaglag ang aking panga pagkakita sa mataas na takong ng mamahaling sapatos na kulay maroon.

    ~To be continued...~

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon