Hacienda de Catalina(19)

19 1 0
                                        

****

MANILA

Paglabas ko sa airport ay bumubuhos ang malakas na ulan. Para bang nakikiramay ito sa lungkot na aking nararamdaman.

"Welcome back, Isabella!" Malungkot na usal ko.

Naglakad ako papunta sa pilahan ng mga taxi. Maaga pa at wala pa masyadong mga pasahero kaya nakasakay agad ako.

"Manong, sa Taguig po." Sabi ko sa driver. Itinuro ko rin dito kung saan ako banda sa Taguig. Maluwag ang kalsada kaya wala pang kalahating oras ay narating ko agad ang bahay nila Auntie Lina.

Malakas akong kumatok sa pinto dahil nababasa na ako ng ulan. Hindi ko naman kasi akalain na uulan pala ngayong araw kaya wala akong dalang payong.

Tok! Tok! Tok!

"Auntie! Tao po! Auntie Lina! Tao po!" Malakas na tawag ko kay Auntie Lina.

"Sandali! Sino ba yan! Ang aga-aga nambubulahaw ka!" Sigaw ni Auntie na mukhang maghuhuramintado dahil sa naabala ang pagtulog.

Panggabi nanaman siguro ang duty nito kaya tulog pa ito ng ganitong oras at mukhang naistorbo ko yata ang kanyang pamamahinga.

"Auntie!"Masayang bati ko sabay yakap dito.

Kahit pa bungangera ang tiyahin ko na to ay mahal ko parin siya dahil siya nalang naman ang natitira kong pamilya. At kahit na bungangera si Auntie ay hindi naman ako nito pinabayaan nung ako ay maulila.

"Isabella?" Gulat na anito.

"Isabella, ikaw nga! Halika bilisan mo!" Nang mapagtanto ni Auntie na ako nga ay mabilis ako nitong hinila papasok sa loob ng bahay. Nakakapagtaka ang naging kilos nito kaya inusisa ko agad siya. Napansin ko rin kasi na parang bigla ay naging balisa ito.

"Auntie may problema po ba?" Puno ng pagtataka na usisa ko sakanya.

"Isabella, bakit bumalik kapa rito?" Tila alalang-alala na tanong nito kinukwestiyon ang pag-uwi ko.

"Bakit po? May problema po ba, Auntie?" Nagtatakang tanong ko kay Auntie

"Mayroon, Isabella!" Mabilis na tugon ni Auntie.

"Ano po iyon Auntie?" Nag-aalala naring usisa ko.

"Ilang araw kasi makalipas noong umalis ka ay may mga taong pumunta rito inaalam kung nasaan ka." Nagpabalik-balik si Auntie sa pag paroo't-parito. Nakasunod naman ang mga mata ko sakanya. "Kaku ay hindi ko alam kung nasaan ka. Ilang araw ko rin kasi silang napansin na nagmamatyag rito sa bahay. Kahit nga ang mga kapitbahay natin ay napansin sila. Para nga akong tuliro parati sa tuwing ako ay papasok sa trabaho." Halos maiyak na kwento ni Auntie.

"Sino raw po sila Auntie?"

"Hindi sila nagpakilala, pero isang gabi ay nagulat nalang ako habang ako ay papasok sa trabaho, may bigla nalang kasing dumampot sa akin at ipinasok ako sa isang malaking van. Grabe ang takot ko nung gabing iyon, Isabella. Pinipilit nila akong sabihin kung nasaan ka. Pinagbantaan pa nila ako na kapag nalaman nilang itinatago lamang kita ay papatayin nila ako."

"Sino po kaya sila Auntie?" Naguguluhang tanong ko pa kay Auntie. Wala Kasi talaga akong ideya Kung Sino ang mga taong naghahanap sa akin. At bakit kailangan nilang takutin pa si Auntie Lina.

Ano nga kaya ang pakay nila sa akin?

"Hindi ko din alam, basta ang sabi lang nila sa akin sa oras na makita kita ay dalhin agad kita sa kanila. Natatakot ako para sayo, Isabella, kaya nga hindi na kita kinulit pa." Bakas Ang takot at pag-aalala na ani pa ni Auntie.

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon