Hacienda de Catalina(6)

25 2 2
                                    

A/N : Salamat sa time enjoy reading!

Hating gabi na at dilat na dilat parin ako. Binabagabag ng mga salitang namutawi sa magagandang labi ng estranghero.

Ano nga kaya ang ibig nitong sabihin at bakit para itong kabute'ng bigla nalang sumusulpot sa mga oras na hindi ko inaasahan?

Halos isang buwan narin akong nananatili rito sa mansyon pero hanggang ngayon ay hindi ko parin lubusang kilala ang mga Aragon. Maging ang pagkatao ni Temoteo ay hindi parin malinaw sa akin. Kaya palaisipan sa akin ang bawat katagang manggagaling dito.

Ilang taon na kaya siya?
Anu-ano kaya ang mga pinag-gagawa niya maliban sa pamamahala nitong Hacienda?
Bakit kaya siya parang kabute?
Bakit niya rin kaya ako palaging pinagtatawanan?
Bakit niya kaya palaging sinisira ang araw ko?
At bakit niya kaya sinasabing kahinaan niya ang galit ko? Ang gulo niya!

Pero ito talaga ang pinakamalaking katanungan sa isip ko...

"MY GIRLFRIEND NA KAYA SIYA?"

Nang hindi parin ako dalawin ng antok ay napagpasyahan kong bumaba para kumuha ng tubig. Napatalon pa ako sa gulat nang may marinig akong kalabog sa gawi ng study room. Pumihit ako upang silipin kung ano 'yung kumalabog at nakita kong nakabukas ang pinto nito. Agad akong kinilabutan dahil hindi normal sa akin na naiiwang bukas ang pinto ng aklatan.

"Hindi kaya may multo dito sa mansyon?" Wala sa sariling usal ko.

Napalunok ako dahil sa naisip. Ganito pa naman ang mga napapanood ko sa mga horror movies, malalaking bahay at luma kaya tinitirhan ng mga multo.

Dala ng kyuryusidad ay sinilip ko ang loob ng study room kahit pa nagtitindigan ang aking mga balahibo dahil sa nerbiyos. Isang anino ang nakita ko sa loob na tila may hinahanap.

"Hindi kaya magnanakaw ito?"

Kumubli ako sa gilid ng pinto nang pumihit ito paharap sa akin. Nataranta ako sa takot na baka nakita ako nito kaya agad kong dinampot ang isang vase at iniamba kung sakaling lalabas ito. Hindi nga nagtagal ay narinig ko ang mga yabag nito papunta sa gawi ng pinto kung saan ako nakakubli. Bumilang ako sa isip bago ko ubod ng lakas na inihampas dito ang vase. Tinamaan ito sa batok kaya agad itong bumagsak at nawalan ng malay.

Lumikha ng ingay ang nabasag na vase kaya mabilis na nagsitakbuhan palapit ang mga gwardya. Mabilis din na nagliwanag ang paligid ng may magbukas ng mga ilaw. Naitakip ko sa aking bibig ang mga palad ko nang makilala ko ang taong pinukpok ko ng vase.

"Oh my gosh! Paanong..?"

Mabilis akong kumilos upang daluhan ito. Hindi ko na naisip ang mga bubog ng vase na nagkalat, basta na lamang ako lumuhod upang kapain ang pulso nito kung pumipintig pa.

"Ano pa'ng tinatayo-tayo ninyo diyan? Buhatin niyo na siya at dalhin na natin sa ospital!"

Naghihistiryang utos ko sa mga tauhan ng mga Aragon. Abot-abot ang kaba ko sa pangambang maari nitong ikamatay ang ginawa kong pagpukpok sakanyang ulo. Isa-isa ng bumagsak ang mga luha ko nang makita ko kung gaano kadaming dugo ang umaagos sa likurang bahagi ng ulo, Teo.

"I'm sorry, Teo! I'm sorry! Hindi ko sinasadya! Sorry!"

Yakap ko ito sa loob ng van na sinasakyan namin. Sapu-sapo ko ang kanyang ulo na may sugat para maampat ang pagdurugo. Humahagulgol narin ako sa sobrang takot at kung anu-ano na ang pumapasok sa aking isipan na maaring mangyari sakanya.

"Bilisan mo pa! Baka maubusan, si Teo, ng dugo! Parang awa mo na bilisan mo pa!!!"

Halos paliparin na ng driver ang sasakyan sa pagmamadali pero dahil nga sa may kalayuan ang ospital kaya hindi agad namin marating ito.

Hacienda De Catalina Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon