***
Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang hapdi ng sikat ng araw sa aking mukha.
"Shit! Sunday nga pala ngayon, day off ko! Pero paanong?"
Nagtataka kong nilingon ang nakabukas na bintana ng kwarto ko. Nililipad ng hangin ang kurtina kaya pumapasok mula roon ang sinag ng araw na tumama sa aking mukha.
Pero paanong nabuksan ito kung gabi-gabi ay sinisigurado kong nakalock ito bago ako matulog? Ipinikit kong muli ang mga mata upang alalahanin kung naisara ko nga ba nang nagdaang gabi ang bintana.
Ngunit isang sipol ang muling nagpamulat sa aking mga mata. "Oh my gosh! May ibang tao sa kwarto ko?!" Mabilis kung sinundan ang pinagmulan ng sipol at tama nga ako may ibang tao sa aking silid.
"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!"
Salubong ang mga kilay na tanong ko kay Teo.
"Relax! Ang aga-aga kumukulo nanaman 'yang lava mo!" Nang-aasar na anito. Napakalapad ng kanyang ngiti kulang nalang ay sakupin nito ang buong hacienda.
"Hoy! Teo! Ang aga-aga 'wag mo 'kong pagtripan! 'Wag mong sabihing magaling kana at uumpisahan mo nanaman ako!" Angil ko sakanya.
Matapos ang ilang araw na nakapagpahinga ito at tuluyang makarecover ay bumalik narin ito sa mga normal nitong gawain.
At ngayon nga ay mukhang narito siya upang sirain ang araw ko!
"Hahaha!!! Just relax, angry girl! Wala akong gagawing masama sa'yo! Gusto lang kitang ayain mag-ikot dito sa hacienda."
Ano nanaman kaya ang nakain ng aswang na 'to at niyayaya akong libutin ang lupain nito? Magpapakipot pa sana ako pero naisip ko ring ito nga pala ang gusto kung gawin na baka hindi ko magawa kung hindi isang Aragon ang kasama ko kaya pumayag narin ako.
"Okay! I need to fix my self first, so... Will you please leave my room?"
Mataray na wika ko kay Teo. Agad din naman itong sumunod at tumayo mula sa pagkakasalampak nito sa couch na naroon. Pero bago nito ipihit ang pinto ay pinasadahan ako nito ng tingin. Ang kaninang malapad na ngiti ay napalitan ng tila namomroblema na reaksyon sakanyang mukha. Pero ang mga mata ay hindi maalis sa akin.
Huli na nang mapagtanto ko kung ano lang ang tanging suot ko kapag natutulog. A lacy lingerie without a bra kaya bakat ang lahat sa akin. Wala pa naman akong suot na bra dahil hindi naman talaga ako sanay matulog na may suot na bra. Hindi rin naman pati ako kumportable na magsuot ng makapal sa pagtulog. I quickly grab the pillow to cover my self. Ramdam ko ang pag-iinit ng buo kong mukha.
Shit! Nakakahiya!
"Make it fast! And please 'DO-NOT' wear short, shorts and hanging blouse."
Talagang pinakadiinan pa nito ang salitang 'DO NOT' bago ito tuluyang lumabas ng kwarto. Kumilos ako kaagad at naligo.
Fitted na ripped jeans at manipis na white V-neck shirt ang napili kong suotin. Tinuck-in ko ang harapan niyon sa suot kong pantalon. Iyon ang napili kong suotin dahil narin sa bilin nitong 'DO NOT WEAR SHORT, SHORTS AND HANGING BLOUSE'.
Pagbaba ko ng hagdan ay mukhang bagot na bagot na itong nakaupo sa gitna ng malaking sofa. Palihim akong napangiti dahil sa itsura nito.
Agad kong naagaw ang kanyang atensyon kaya nabaling sa akin ang paningin nito. Mabilis na nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"Ano nanaman kaya ang problema ng hambog na 'to?"
"Tss.." Angil nito.
"Bakit? May problema ba? Ha?"
